Sinabi ni Simon
Isang tagapagturo si Refuge Rabindranath sa bansang Sri Lanka. Sampung taon na siyang nagtuturo sa mga kabataan. Nakikipaglaro siya sa mga bata, nakikinig sa kanila, ginagabayan at tinuturuan sila. Masaya siyang kasama ang mga kabataan. Pero may pagkakataon na nadidismaya at nalulungkot si Refuge kapag may bata na umaalis at hindi na nagtitiwala kay Jesus.
Minsan, pakiramdam ni Refuge na katulad…
Matamis at Maasim
Nang unang beses matikman ng anak ko ang prutas na lemon, napapikit ang kanyang mga mata at sabay sabing, “Ang asim!” Napangiti ako at kinuha ang lemon sa kanya. Sumigaw ang anak ko, “Huwag po!” Lumapit siya sa akin at sinabi, “Gusto ko pa po!” Inubos niya ito at inabot sa akin ang balat ng lemon.
Inilalarawan naman ng mga gusto…
Manalangin Araw-araw
Isinulat ng mang-aawit na si Robert Hamlet ang awit na, "Lady Who Prays for Me." Isinulat niya iyon para bigyang parangal ang kanyang ina. Ipinapanalangin daw si Robert ng kanyang ina tuwing umaga bago siya sumakay ng bus papuntang paaralan. Matapos namang mapakinggan ng isang ina ang awiting iyon ni Robert, nangako siya na idadalangin din ang kanyang anak. Makabagbag-damdamin ang…
Magtulungan Tayo
May dalawang atleta ang umagaw sa atensyon ng marami noong 2016 Rio Olympics sa paligsahan ng pagtakbo. Habang tumatakbo, nagkabanggaan sina Nikki Hamblin at Abbey D’Agostino at parehas silang natumba. Nakatayo agad si Abbey at agad niyang tinulungang makatayo si Nikki. Muling tumakbo ang dalawa pero ilang sandali lang ay biglang nanghina si Abbey dahil sa pilay na natamo niya mula…
Pinakamalaking Bahagi
Madalas naming pinagtatalunang magkakapatid noong mga bata pa kami, ang sukat ng tinapay na ibinibigay sa amin ng aming nanay. Minsan, narinig ng tatay ko ang aming pagtatalo. Kaya sinabi niya sa nanay ko, "Bigyan mo ako ng tinapay na sinlaki ng iyong pagmamahal." Tumahimik kaming lahat at ibinigay ng aking nanay ang pinakamalaking bahagi ng tinapay sa aming tatay.
Maaaring…
Sumunod kay Jesus
May kakaibang paraan ang kilalang tumutugtog ng biyolin na si Joshua Bell para pangunahan ang grupo ng manunugtog. Sinabi ni Bell nang kapanayamin siya sa isang programa sa radyo, “Kahit tumutugtog ako ng biyolin, maayos ko pa ring nagagabayan ang aking grupo sa mga dapat nilang gawin. Nakatuon kasi ang kanilang paningin sa akin at nauunawaan nila ang bawat galaw ko.…
Walang Harang
Nagkikita kami tuwing Martes ng dating bilanggo na si Mary. Nasa isang lugar siya para sa mga lumayang bilanggo na nais magbagong buhay. Maaaring malaki ang pagkakaiba ng buhay ko kay Mary. Kakalabas niya lang sa kulungan, nagpapagaling sa pagkalulong sa droga at hiwalay sa kanyang anak. Masasabi rin natin na mahirap lang ang buhay niya.
Mahirap din naman ang buhay…
Pigilin ang Galit
Habang naghahapunan kami ng kaibigan ko, ikinuwento niya sa akin na naiinis siya sa isa niyang kapamilya. Hindi niya kasi masabi sa kanyang kapamilya ang mga bagay na kanyang ikinaiinis. Nang subukan namang kausapin ng kaibigan ko ang kanyang kapamilya, sinagot lang siya nito nang pabalang. Hindi raw napigilan ng kaibigan ko na magalit. Nagdulot tuloy ang pangyayaring iyon ng hidwaan…
Sino ang iyong Ama?
Nang bumili ako ng cellphone sa ibang bansa, hiningan ako ng mga impormasyong karaniwang hinihingi tulad ng pangalan, nasyonalidad, at tirahan. Nagulat naman ako nang hingin din ang pangalan ng aking ama. Napaisip tuloy ako kung bakit importanteng malaman nila kung sino ang aking ama dahil sa kultura nami’y hindi naman ito importante. Pero sa kultura ng bansang iyon, mahalagang malaman…
Pagsunod
Minsan, napagsalitaan ko ng hindi maganda ang aking asawa. Hindi kasi nasunod ang gusto kong mangyari. Binalewala ko noon ang pagpapaalala sa akin ng Banal na Espiritu ng mga talata sa Biblia na nagpapakita ng mali kong pag-uugali. Makakabuti ba sa aming pagsasama ang pagmamataas ko at ang pagsuway ko sa Dios? Hinding hindi. Kahit humingi ako ng tawad sa Dios…