Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

PAHINGA MUNA

Nakatayo kami ng kaibigan kong si Soozi sa ibabaw ng mga bato sa dalampasigan. Pinapanood namin ang mga bula mula sa alon ng dagat. Habang tinitingnan ang mga along papalapit sa mga bato, sinabi ni Soozi, “Gusto ko sa karagatan. Dahil patuloy itong umaagos patungo sa akin, hindi ko kailangang gumalaw!”

Nakatutuwang isiping may ilan sa ating tila kailangan pang…

AKLAT NA NAKAUUNAWA

Habang nagpapagaling si Emile Calliet mula sa tama ng balang natamo niya sa digmaan, hinanap niya ang kahulugan ng buhay. Inisip niya kung may “isang aklat na makauunawa sa akin.” Wala siyang nakita, kaya pinagsama-sama niya sa isang aklat ang dunong ng mga pilosopo. Ngunit nang basahin niya ito, nawalan siya ng pag-asa. Hindi ito nagbigay buhay sa kanya.

Sa…

MAGING KUNTENTO

Sumulat si Brenda sa isang psychiatrist upang humingi ng payo. Ayon kay Brenda, dahil sa mga hangarin niya, wala na siyang kasiyahan. Matalim ang naging sagot ng psychiatrist. Hindi raw idinisenyo ang tao para maging masaya, “kundi para mabuhay at magparami lamang.” Tila paru-paro raw ang kasiyahan, at isinumpa tayong habulin ang “mapanukso at mailap” na paru- parong ito, pero “hindi…

KAPATID NA SAUL

"Panginoon, ipadala Mo ako kahit saan, huwag lang doon.“ Ito ang aking dasal bago sumabak bilang foreign exchange student. Hindi ko alam ang wika ng bansang iyon, at puno ng mga pagkiling ang isip ko sa mga kaugalian at mga tao roon. Kaya hiniling ko sa Dios na ipadala ako sa ibang lugar.

Ngunit sa Kanyang walang hanggang karunungan, dinala…

PATAYIN ANG KASALANAN

Nang mapansin ko ang isang sangang tumutubo sa tabi ng aming beranda, binalewala ko ito. Hindi naman makakasira ang maliit na damo sa aming halamanan, hindi ba? Ngunit paglipas ng mga linggo, lumaki ito at nagsimulang sakupin ang aming bakuran. Umabot na sa aming daanan ang mga ligaw na sanga nito at tumubo sa iba’t ibang bahagi. Humingi na ako…

HINDI TAYO NAG-IISA

Sa maikling kuwento ni Fredric Brown na “Knock,” isinulat niya, “Mag-isa sa kuwarto ang huling tao sa mundo. May kumatok sa pinto.” Nakakatakot! Sino kaya iyon? Hindi pala nag-iisa ang huling tao sa mundo. At sa magandang paraan, ganoon din tayo.

Nakarinig ng katok sa kanilang pintuan ang simbahan sa Laodicea (ᴘᴀʜᴀʏᴀɢ 3:20). Sino ang makapangyarihang nilalang na dumating? Siya si…

PAGSASANAY SA BIBLIA

Noong huling bahagi ng 1800s, iba’t ibang mga grupo ang nakabuo ng mga bagong programa para sa ministeryo. Nauna sa Montreal, Canada noong 1877, pagkatapos sa New York City naman noong 1898. Noong 1922, 5,000 na ang programa sa Amerika tuwing tag-init. Ito ang simula ng Vacation Bible School (VBS). Bunga ito ng hangarin nilang makilala ng mga kabataan ang…

PAYAPA SA HARAP NG DIOS

Kuha ni Louis Daguerre ang unang litrato ng isang tao. Noong 1838 ito. Makikitang tila walang kasama ang tao sa litrato. Kakaibang misteryo ito dahil dapat, puno ng karwahe at mga taong naglalakad ang kalsadang iyon sa Paris, lalo at kalagitnaan iyon ng hapon.

Ang totoo, hindi nag-iisa ang taong iyon. May ibang mga tao at maging mga kabayo sa…

TUNAY NA TAGUMPAY

Marami ang naiparating ng simpleng pakikipagkamay. Noong gabi ng Marso 1963, dalawang manlalaro ng basketball sa kolehiyo—isang Itim at isang Puti—ang nagkamayan. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Mississippi State na naglaban ang isang koponang puro Puti at isang koponang may mga Itim na manlalaro. Marami ang sumubok na harangan ang mga puting manlalaro ng Mississippi State, ngunit gumawa sila…

TAKBUHING ITINAKDA

Hindi ko naiwasang mapaluha sa ibinalita ng kaibigan kong si Ira sa kanyang social media. Ipinost ito noong 2022, ilang araw matapos niyang lisanin ang kanilang tahanan sa Kyiv, ang kinubkob na kabisera ng Ukraine. Sinabi niya, “Tumatakbo tayong lahat sa isang maraton na tinatawag na buhay. Takbuhin natin ito nang mas mahusay, nang may dala sa ating mga puso…