Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

May Tatay Na

Binata si Guy Bryant. Nagtatrabaho siya sa departamento ng kapakanan ng bata ng lungsod ng New York sa Amerika. Araw-araw kinakaharap niya ang matinding pangangailangan para sa foster parent na kukupkop at mangangalaga ng mga bata. Nagdesisyon siyang tugunan ito at sa loob ng mahigit na isang dekada, nangalaga siya ng higit limangpung bata – minsan pa nga siyam sabay sabay.…

Kamusta Ka?

Malapit nang pumanaw si Charla at alam niya ito. Habang nasa ospital, pumasok ang doktor niya at ilang nakababatang doktor. Ilang minuto siyang hindi pinansin ng doktor habang pinapaliwanag sa mga ito ang sakit niyang wala nang lunas. Sa wakas hinarap siya ng doktor at sinabi, “Kamusta ka?” Ngumiti si Charla at ibinahagi ang pag-asa at kapayapaan niya kay Jesus.…

Sa Dios Nakatanim

Sa unang linya ng tulang 'May' nailarawan ng makatang si Sara Teasdale ang mga palumpong ng lila na tila kumakaway dahil sa malakas na hangin. Pero nananaghoy si Teasdale dahil sawi sa pag-ibig at naging malungkot na nga ang tula.

Dumanas din ng pagsubok ang mga lila na nasa likod bahay namin. Matapos ang isang panahon ng paglago, nakakalungkot na…

Bagong ‘DNA’ Kay Jesus

Sinuri muli ang dugo ni Chris apat na taon matapos ang transplant na nagligtas sa buhay niya. Gumaling na nga siya dahil sa natanggap na utak ng buto, pero may sorpresa rin itong dala – ‘DNA’ na ng tagapagbigay ang nasa dugo niya. Sabagay, layon naman talaga ng transplant na palitan ang mahinang dugo ni Chris ng malusog na dugo ng nagkaloob.…

Mamuhunan Sa Kapwa

Nag-alok ang isang kumpanya ng isang libong frequent-flier miles (mga milyang magagamit sa pagbiyahe sa eroplano) ‘pag bumili ng sampu ng isa nilang produkto. Higit labingdalawang libo ng pinakamurang produkto – tsokolateng puding – ang binili ng isang lalaki. Sa halagang 3,000 dolyar, may panghabang-buhay na tustos ng milya pang-eroplano na siya at pamilya niya. Ibinigay pa niya ang puding sa…

Yabang at Panlilinlang

Maibiging Dios, salamat po sa marahang pagwasto Mo sa akin. Sa yabang ko, akala ko kaya ko lahat mag-isa. Masakit ang dasal kong ito. Ilang buwan na akong tagumpay sa trabaho. Dahil sa mga parangal, natukso akong magtiwala sa sariling kakayahan at tanggihan ang pangunguna ng Dios. Natauhan lang ako na ‘di ako kasing galing nang akala ko noong makaharap ko…

Kagandahang-loob Ng Dios

Kuwento ng isang negosyante na noong nasa kolehiyo, madalas siyang malugmok at mawalan ng pag-asa dahil sa depresyon. Imbes na magpadoktor, gumawa siya ng marahas na plano: nagsabi siya sa Aklatan na hihiram ng libro tungkol sa pagpapakamatay at nagplano kung kailan magpapakamatay.

Makikita sa Biblia na may malasakit ang Dios sa mga tulad niya. Nang nagnais mamatay si Jonas,…

Mga Pagkilos Ng Dios

Mahilig ako maglaro ng Scrabble. Isang beses, naghahabol ako ng puntos buong laro pero nang patapos na at wala ng letrang puwedeng bunutin sa bag, nakabuo ako ng salitang may pitong letra. Ibig sabihin tapos na ang laro. Limampung puntos ang nadagdag sa akin pati na rin puntos ng mga letrang hindi nagamit ng mga kalaro ko.

Mula sa dulo,…

Misyon Sa Sariling Pamilya

Sikat na linya ni Dorothy sa The Wizard of Oz ang “Walang lugar na tulad ng sariling tahanan.” Maraming kuwento tulad ng Star Wars at The Lion King ang gumagamit ng ganyang paraan ng pagkukuwento na tinaguriang “the hero’s journey. Ang tema: isang karaniwang tao na may karaniwang buhay ang nagkaroon ng pambihirang karanasan.

Nilisan nito ang bayan niya at pumunta sa ibang…

Sapat Na Oras

Nakita ko sa bahay ng kaibigan kong si Marty ang makapal na librong War and Peace ni Leo Tolstoy. Inamin ko: “Hindi ko natapos basahin iyan.” Tumawa siya. “Regalo iyan ng kaibigan ko nung nagretiro ako at sinabi, ‘Sa wakas may oras ka na para dito.’”

Nakatala sa unang walong talata ng Mangangaral 3 ang karaniwang ritmo ng mga panahon sa…