Mahigit sa 25 milyong dolyar ang nasalanta sa mga pananim nang manalasa ang napakaraming Mormon crickets noong 2003. Sa sobrang dami nito, sa bawat hakbang ay may makikita ka sa daan. Maaaring pagkawasak naman ang naging epekto ng pananalanta ng Mormon Crickets " sa Utah noong 1848 sa kabuhayan ng mga magsasaka at maging sa ekonomiya ng bansa.

Sa Lumang Tipan naman ng Biblia, ipinahayag ni Propeta Joel ang pananalasa ng napakaraming insekto sa bansang Juda dahil sa kanilang pagsuway sa Dios. Inihayag pa ni Propeta Joel na ang pananalasa ng mga insektong ito ay hindi pa kailanman nasaksihan ng kanilang mga ninuno (JOEL 1:2).

Maninira at mananalasa ito sa bawat kanilang madaanan. Kahirapan at pagkagutom ang magiging dulot nito sa mga taga-Juda. Pero kung hihingi sila ng kapatawaran sa Dios at tatalikuran ang kanilang masasamang ginagawa, maibabalik ang maayos nilang kalagayan. Sinabi pa ni Propeta Joel, “Ibabalik [ng Dios] ang lahat ng nawala sa inyo noong mga panahon na sinalakay ang inyong mga pananim ng sunud-sunod na pulutong ng mga balang” (2:25).

May matututunan tayo sa nangyari sa mga taga-Juda. Alalahanin natin na ang paggawa ng masama ay parang insektong sumisira sa maganda at kaaya-ayang buhay na nais ng Dios para sa atin. Kaya naman, magtiwala tayo sa Dios at talikuran na ang mga ginagawang pagsuway sa Kanya. Nangako ang Dios na ibabalik Niya ang maayos nating kalagayan at bibigyan Niya tayo ng masaganang buhay.