Si Chirpy
Sa loob ng 12 taon, araw-araw na dinalaw ng ibong si Chirpy ang taong tumulong sa nabali niyang paa. Sinuyo ni John si Chirpy ng biskwit pang-aso at kalaunan ay napagaling niya ito. Kahit Marso hanggang Setyembre lang nasa Instow Beach sa Devon, England si Chirpy, madali lang nahahanap nila ni John Sumner ang isa’t isa. Diretsong lumilipad si Chirpy…
Dahilan Ng Kabagalan
Umakyat sa puno ang host ng The Life of Mammals, isang palabas sa telebisyon ng BBC sa Britanya, na si David Attenborough para tingnan ang “three-toed sloth,” isang hayop na mabagal kumilos at madalas nakasabit nang pabaligtad sa puno.
Binati niya ng “bulaga” nang nakaharap niya ito. Pero wala itong reaksyon kaya patawa na lang ni David na ganyan talaga…
Kasiyahan Sa Aklat
Tsundoku: salitang Hapon na tumutukoy sa patung- patong na libro sa mesa sa tabi ng higaan na naghihintay na mabasa. Gamit ang libro, puwedeng matuto at makarating sa ibang lugar at panahon. Nananabik ako sa kasiyahan at kaalamang nasa mga pahina ng libro, kaya ayun patung-patong ang mga ito sa mesa.
Lalo na ngang matatagpuan natin ang kasiyahan at tulong…
Nahatulan Ng Kamatayan
Noong 1985 nakasuhan si Anthony Ray Hinton ng pagpatay sa dalawang tagapamahala ng restaurant. Milya-milya ang layo niya sa lugar ng krimen pero nahatulan siya ng kamatayan. Nagsinungaling kasi ang mga testigo, pero pinatawad sila ni Ray na nagsabing nananatili ang kagalakan niya kahit may kawalan ng hustisya.
Mahirap ang buhay ni Ray sa kulungan. Kumikislap ang mga ilaw tuwing…
Bago Ka Pa Humingi
Dekada na ang magandang samaha ng mag-asawang sina Robert at Colleen. Bago pa sabihing “paki pasa ang palaman sa tinapay, naipasa na ito. Tamang-tama rin ang paglagay ng tubig sa baso habang nasa hapag kainan. Kapag nagkukwento, tinatapos ng isa ang sinasabi ng asawa. Nakakapayapa ng kalooban na lubos na kilala at pinagmamalasakitan tayo ng Dios, higit pa sa mga…
Hindi Makapagsalita
Labis na kagalakan ang nadama ng isang matandang lalaki na nakaupo sa kanyang wheelchair habang pinakikinggan ang grupo ng mga kabataang Amerikano na umaawit tungkol kay Jesus. Kalaunan, napagtanto ng ilang kabataang lumapit sa matanda na hindi pala ito nakakapagsalita dahil na-istroke ito noon.
Nagpasya ang mga kabataang iyon na muling umawit alangalang sa matanda dahil hindi nila ito makakausap.…
Pagliwanagin Ang Ilaw
Labis akong kinakabahan dahil sa aking nalalapit na pagtuturo sa aming simbahan tungkol sa pananalangin. Iniisip ko kung magugustuhan ba ng mga makikinig ang mga ituturo ko. Dahil sa aking kabalisahan, masyado kong naituon ang aking atensyon sa paghahanda sa mga ituturo ko. Pero isang linggo bago ito magsimula, kakaunti lang ang nahikayat kong dumalo.
Ipinaalala naman sa akin ng…
Mahalaga Pa Kaysa Sa Buhay
Kahit na mahal ni Mary si Jesus - naging mahirap ang buhay niya. Naunang pumanaw ang dalawang anak at dalawang apo niya, mga biktima ng barilan. Na-stroke siya kaya di maigalaw ang kalahati ng kanyang katawan. Pero nang kaya na niya, nagsimba na agad siya at doon, kahit putol putol ang pagsasalita, nagpupuri siya sa Panginoon: “Iniibig ko si Jesus;…