Month: Abril 2022

Tunay Na Kalayaan

Ang pelikulang Amistad ay ang kuwento ng mga aliping Aprikano noong 1839. Nang dadalhin na sila sa isang lugar sakay ng isang barko, sinubukan nilang lumaban. Napatay nila ang kapitan ng barko at ang ilang mga tauhan nito. Kalaunan, muli na naman silang nabihag, ikinulong at nilitis. Hindi makakalimutan ang eksena sa korte kung saan paulit-ulit na isinisigaw ng pinuno…

Sa Iyong Tabi

Sa isang post office sa Jerusalem, marami ang nagpapadala ng sulat para sa Dios. Umaabot sa libu-libong sulat ang naiipon nila sa bawat taon ngunit hindi nila alam kung saan nila dadalhin ang mga ito. Isa sa mga empleyado ng post office ang nakaisip na dalhin ang mga naipong sulat sa Western Wall ng Jerusalem. Isinuksok nila ang mga sulat…

Pagkakamali’t Pagkabigo

Noong Nobyembre 27, 1939, may tatlong treasure hunter ang naghukay sa labas ng Hollywood Bowl amphitheater sa Southern California. Hinahanap nila ang tinatawag na Cahuhenga Pass treasure na binubuo ng mga ginto, dyamante, at perlas. May narinig kasi silang bali-balita na doon ibinaon ang mga kayamanang iyon, 37 taon na ang nakakalipas.

Pagkaraan ng 24 oras na paghuhukay, wala silang…

Pagdaan Sa Tubig

Ang pelikulang The Free State of Jones ay tungkol kay Newton Knight at ng iba pa niyang kasamang alipin noong panahon ng US Civil War. Si Knight ang kinilalang bayani sa digmaang iyon pero malaki ang naging bahagi ng dalawa niyang kasamahan. Ginamot ng mga ito ang malaking sugat ni Knight sa binti na natamo niya sa pagtakas mula sa…

Aawit Ang Ating Ama

Mahilig kumanta si Dandy at ginagawa niya ito para palakasin ang loob ng ibang tao. Minsan, habang kumakain kami sa aming paboritong kainan, napansin niya na malungkot ang isang serbidora. Kinausap niya ito at pagkatapos ay nagsimula siyang kumanta ng isang masiglang awitin. Nagpasalamat sa kanya ang serbidora at nakangiting sinabi na lubos siyang napasaya nito.

Kung babasahin natin ang…

Harapin Ang Pagsubok

Hinabol ni Tom ang mga nagnakaw ng bisikleta ng kanyang kaibigan. Wala siyang plano kung ano ang gagawin. Ang alam lang niya ay dapat mabawi ang bisikleta. Nagulat siya nang lumingon ang magnanakaw at binitawan na ang bisikleta. Guminhawa ang pakiramdam ni Tom at nabilib din sa kanyang sarili habang pinupulot ang bisikleta. Nang pabalik na siya, saka niya nakita…

Maayos Na Nakahanay

Minsan, nagising ako sa kalagitnaan ng gabi at nanalangin dahil sa labis na pagkabalisa. Pero hindi talaga ako mapanalangin. Dahil hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko, pinagmasdan ko mula sa aking bintana ang kalangitan. Natuon ang aking paningin sa tinatawag na Orion’s Belt. Ito ang tatlong bituin na maayos na nakahanay sa langit. May kaunti akong nalalaman tungkol sa…

Pinakamalungkot Na Gansa

Madalas akong makakita ng mga gansa na nagtitipon sa damuhan na malapit sa aking pinagtatrabahuhan tuwing tagsibol. Pero ngayon, nag-iisa lang ang gansa na nakita ko sa aking bakuran. Tila nakalugmok ito at tinatakpan ng mga pakpak nito ang kanyang ulo. Iyon na ata ang pinakamalungkot na gansa na nakita ko. Gusto ko tuloy itong yakapin.

Madalang lang akong makakita…

Ngayon

Dumalo ako kamakailan sa isang highschool graduation kung saan nagbigay ng hamon ang tagapagsalita sa mga magsisipagtapos. Ayon sa kanya, ito ang panahon kung saan maraming nagtatanong sa kanila ng: “Anong plano mo?” “Anong kursong kukunin mo sa kolehiyo? “Saan ka mag-aaral o magtatrabaho?” Pero idinagdag ng tagapagsalita na ang pinakamahalagang tanong para sa kanila ay kung ano ang ginagawa…

Kaibigang Muli

Sa isang simbahan, maririnig ang palakpak ng isang bata sa tuwing may lalapit sa harapan para hayagang magsisi sa kanyang kasalanan at makatanggap ng kapatawaran mula sa Dios. Pagkatapos ng gawaing iyon, humingi ng paumanhin ang ina ng bata. Sinabi niya sa pastor, “Ipinaliwanag ko kasi sa anak ko na ang isang taong nagsisi sa kanyang kasalanan ay kaibigan nang…