Month: Pebrero 2026

DAKILANG PAG-IBIG

Sa edad na 30, ipinagkatiwala ko ang buhay ko kay Jesus. Napakarami kong katanungan bilang bagong nagtitiwala sa Kanya. Mas dumami pa ang tanong ko nang magbasa ako ng Biblia. Kaya tinanong ko ang isang kaibigan, “Paano ko ba masusunod ang lahat ng utos ng Dios? Ni hindi ko nga napigil mainis sa asawa ko kaninang umaga!”

“Patuloy mo lang…

IBINABABA ANG NAGMAMATAAS

Madalas magdulot ng kahihiyan ang kayabangan. Ito ang natutunan ng isang taga Norway. Hinamon niya sa karera si Karsten Warholm, ang kampeon ng 400-meter hurdles sa buong mundo. Ni hindi man lang siya nakasuot panakbo! Pinaunlakan naman siya ni Warholm. Nang matalo ang nanghamon, iginiit niyang pangit ang simula ng takbo niya kaya gusto niyang magkarera silang muli. Napangiti na lamang…

MGA ANGHEL NA TAGABANTAY

Lumipat sina Wallace at Mary Brown sa nagdarahop na bahagi ng Birmingham sa bansang England. Layunin nilang alagaan ang nanghihinang kapulungan doon. Ngunit hindi nila alam na pugad pala ng gang (pangkat ng mga masasamang tao) ang paligid ng lilipatan nilang simbahan at tahanan. Binato ng gang ang kanilang mga bintana, sinunog ang kanilang bakod, at pinagbantaan ang kanilang mga anak. Ilang…

KAILANGANG ISUKO

Nag-aral ng sining at naging guro si Judson Van DeVenter. Ngunit iba ang plano ng Dios para sa kanya. Hinimok siya ng mga kaibigan niya upang magbahagi ng Magandang Balita ng kaligtasan. Dama ni Judson na iyon din ang nais ng Dios para sa kanya, ngunit mahirap para sa kanyang talikdan ang pagtuturo ng sining. Nakipagbuno siya sa Dios hinggil…

PAG-AABOT NG DANGAL

Malaswa ang pananamit ng isang bisita sa simbahan. Isa siyang babaeng nagbebenta ng aliw, at inimbitahan siya ni Maggie upang dumalo. Kahit wala namang pumapansin sa kasuotan niya, maya’t-maya’y hinihila niya pababa ang napakaikli niyang palda o ‘di kaya’y humahalukipkip upang matakpan ang sarili. Hindi siya mapakali sa kanyang upuan.

“Giniginaw ka? Gamitin mo itong balabal ko,” alok ni Maggie,…