Punong opisyal si Andrew Card para sa presidente ng Amerika na si George W. Bush. Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Andrew na obligasyon ng lahat ng staff na maglingkod para sa kaluguran ng presidente, hindi para kaluguran ng presidente. Nilinaw niyang obligasyon nilang sabihin sa presidente ang mga kailangan niyang malaman para magampanan niya ang mga tungkulin niya.
Gayundin, hindi tayo dapat nakatuon sa kung paano tayo kaluluguran ng iba. Mas dapat nating pahalagahan kung paano tayo magtutulungan at magkakaisa kagaya ng laging panawagan ni Apostol Pablo. Sa Efeso 4, sinabi niya, “Ang iba’y ginawa Niyang apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. Ginawa Niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga pinabanal, at para lumago at maging matatag sila bilang katawan ni Cristo. Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya” (TAL. 11-13). Alam ni Pablo na gusto natin bilang mga tao na maaprubahan tayo ng iba. Kaya pinagdiinan niyang kasama sa pagganap natin ng tungkulin ang pagsasabi ng “katotohanan nang may pag-ibig” nang sa gayon “ang buong katawan ay lalago at lalakas” (TAL. 15-16).
Tandaan nating naglilingkod tayo para tulungan ang ating kapwa at sundin ang kalooban ng Dios. Matuwa man sa atin o hindi ang iba, mahalaga na malugod ang Dios habang ginagamit Niya tayo para pag-isahin ang Kanyang iglesya.
