NIRENTAHANG SASAKYAN
Kamakailan, bumiyahe ako sa Los Angeles. Umarkila ako ng kotse para aking magamit. Hindi nagtagal, nagmamaneho na ako sa makikitid na kalsada na puno ng sasakyan at mga tao. Napansin kong mas maingat at mas mabagal akong magmaneho kaysa sa nakasanayan ko. Bakit? Siyempre, ayokong maaksidente. Pero higit sa lahat, ayokong masira ang nirentahan kong sasakyan. Hindi naman kasi iyon…
DIOS NG LAHAT NG ARAW
Nalulong sa alak ang ama ni Pablo. Masama rin ang pagtrato nito sa kanyang ina. Kaya naman, lumayas si Pablo sa kanilang bahay noong tinedyer pa lamang siya. Nakitira siya sa kanyang tiyuhin. Gayon pa man, nakapagtapos siya ng high school, nag-asawa, at nagkaroon ng tatlong anak. Pero, ang nakalulungkot ay naulit niya ang parehong buhay na dati niyang tinakasan.…
KABAYARAN NG KATAPATAN
Ang pelikulang A Hidden Life ay nagsasalaysay ng buhay ni Franz Jägerstätter noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasaksihan niya ang kalupitan ng mga Nazi. Kaya naman, tumibay ang kanyang paniniwalang si Jesus lamang ang tunay na Panginoon. Dahil dito, tumanggi siyang manumpa ng katapatan kay Hitler. Ipinakikita rin sa pelikula ang sinapit niyang pagdurusa. Kabayaran ito ng kanyang pagiging tapat at pagkakaroon…
EPEKTO SA BAWAT HENERASYON
Minsan, habang nag-eensayo ng basketball, hiniling ng ama ni Enrique na ipakita nila ng kanyang kaibigan sa koponan kung paano maayos na magpasa ng bola. Kahit ilang linggo siyang nagsanay, kinakabahan pa rin siya. Kaya, nanalangin siya at ginawa ang ipinapagawa ng kanyang ama. Pagkatapos maipakita ang pagpasa ng bola, sinabi ni Enrique, “Salamat po, Panginoon!” Sinabi naman ng kanyang…
HIGIT NA DAKILA ANG DIOS
Bago naging tanyag ang mandirigmang si Genghis Khan na taga Mongolia pinatay niya ang sarili niyang kapatid sa ama upang mapalakas ang kanyang posisyon sa pamilya. Kalaunan, nagtayo siya ng isang napakalawak na imperyo na umabot mula sa baybayin ng Pasipiko sa Asya hanggang Silangang Europa. Dahil sa kanyang kalupitan, nag-iwan siya at ang kanyang hukbo ng kamatayan at pagkawasak…
ANG KUWENTO NG DIOS
Natuklasan ng arkeologong si Jodi Magness at ng kanyang pangkat ang isang pambihirang mosaic sa sinaunang bayan ng Huqoq sa lugar ng Galilea. Inilalarawan nito ang kuwento ni Debora na naging hukom ng mga Israelita noon at ang kanyang papel sa tagumpay ng Israel laban sa mga Cananeo. Ito ang kauna-unahang natuklasang sinaunang larawan ng bayaning ito sa Biblia.
Sa loob…
PAMILYA NG DIOS
“Ano ang nagpapangiti sa iyo kapag naiisip mo ang iyong anak?” Iyan ang tanong ko kay Clarence, isang lalaking aking ginagabayan sa kanyang pamumuhay bilang nagtitiwala kay Jesus. Masayang ikinuwento ni Clarence ang ilang kahanga-hangang bagay tungkol sa kanyang apat na taong gulang na anak. Lubos akong naging interesado sa kanyang kuwento. Bukod kasi sa kapangalan niya ang kanyang ama,…
TULONG MULA SA DIOS
Minsan, nahulog ang mangingisdang si Scott Thompson mula sa kanyang bangka sa karagatan ng California. Hindi niya alam kung mabubuhay pa siya. Sinubukan niyang habulin ang bangka, ngunit umaandar ang makina at hindi niya ito maabutan. Kaya sa gitna ng dilim, lumangoy siya para makahanap ng ligtas na lugar. Habang unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa, may narinig siyang pagtilamsik ng…
MAGTIWALA SA DIOS
Naghintay nang may kaba sina Kazuto at ang kanyang asawang si Migiwa para sa resulta ng ultrasound. Mahigit siyam na buwan nang humihina ang atay ni Migiwa, at kailangan niya ng agarang liver transplant. Handa si Kazuto na magbigay ng bahagi ng kanyang atay, ngunit may isang mahalagang kondisyon—kailangang sapat ang lakas ng puso ni Migiwa.
Umaasa rin silang mas maganda…
MAMUHAY NANG MAY INTEGRIDAD
Isang Uber drayber na nagngangalang Esbon Kamau ang nagsakay ng isang 16 taong gulang na binata upang bumili ng motorsiklo na regalo ng kanyang ama. Pagkatapos niya itong maihatid, napansin niyang may naiwan itong bag sa likod ng sasakyan. Nang tingnan niya ito, nakita niyang may lamang $8,000 dolyar. Ito ang perang gagamitin sa pagbili ng motorsiklo. Agad na nakipag-ugnayan si…