Nadiskubreng may sakit na ALS (amyotrophic lateral sclerosis) si Pastor Ed Dobson. Unti-unting nawawalan ng kontrol sa katawan ang mga may ALS. Kaya naman, libu-libo ang nanalangin para gumaling si Ed. Pero makalipas ang labindalawang taon, hindi pa rin siya gumaling. Dahil dito, may nagtanong kay Ed kung bakit hindi siya pinapagaling ng Dios. Tugon niya, “Walang sagot, kaya hindi ko ito tinatanong.” Dagdag ng asawa niyang si Loma, “Kung lagi tayong nakatuon sa sagot, mahihirapan tayong mabuhay sa kasalukuyan.”
Puno ng pagtanggap at paggalang sa kalooban ng Dios ang sagot nina Ed at Loma. Alam nilang higit na mataas ang kaisipan ng Dios. Gayunpaman, inamin ni Ed na hindi niya maialis ang pag-aalala. Dahil unti-unti niyang hindi maikikilos ang katawan niya, alam niyang may bagong pagsubok na hatid ang bawat bukas.
Para malabanan ang pag-aalala patungkol sa bukas, idinikit ni Ed ang Hebreo 13:5-6 sa sasakyan, salamin, at kwarto nila. Kaya tuwing mag-aalala siya, napapaalalahanan siyang “sinabi ng Dios, ‘Hinding- hindi Ko kayo iiwan o pababayaan man.’ Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, ‘Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot.’”
Hindi natin alam kung ano ang dala ng bukas. Gaya ni Fred, gawin nating oportunidad upang magtiwala sa Dios ang mga alalahanin natin.
