Nagulat ako nang ilabas ko ang puting damit ko mula sa dryer. Punong puno kasi ito ng mantsa. Naiwan ko pala ang ballpen ko sa bulsa ng isa kong damit, kaya namantsahan ang lahat ng nilabhan ko.
Sa Biblia, ginagamit na pagsasalarawan sa kasalanan ang mantsa. Dahil tumatagos sa tela ang mantsa, nasisira nito ang damit. Kaya nga sinabi ng Dios sa mga Israelita na hindi nila kayang linisin ang dumi ng kasalanan nila. “Maligo man kayo at magsabon nang magsabon, makikita Ko pa rin ang dumi ng mga kasalanan ninyo” (JEREMIAS 2:22).
Ngunit may pag-asa tayo. Kaya tayong linisin ng Dios mula sa ating mga kasalanan. “Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin Ko iyan para maging malinis kayo” (ISAIAS 1:18).
Kung paanong hindi ko kayang tanggalin ang mantsa sa damit ko, hindi ko rin kayang alisin ang dumi ng kasalanan sa buhay ko. Mabuti na lang at nililinis tayo ng Dios sa pamamagitan ni Cristo. Pangako Niya sa 1 Juan 1:9, “kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin Niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan.”
TINATANGGAL NIYA ANG MANTSA
Basahin: JEREMIAS 2:1-5, 21-22 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 40-42; GAWA 27:1-26
Maligo man kayo... makikita Ko pa rin ang dumi ng mga kasalanan ninyo. - Jeremias 2:22
Paano mo naranasan ang pagpapatawad at paglilinis ng Dios? Anong “mantsa” ang dapat mong isuko sa Kanya?
Ama, tulungan Mo po akong panghawakan ang pangako ng kapatawaran mula kay Cristo.
Our Daily Bread Topics:
Pagkaing Espirituwal
