Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Hindi Nakikita

Ayon sa mga mananalaysay, nagsimula ang Atomic Age noong Hulyo 16, 1945. Naganap ito nang pasabugin ang unang bombang gawa sa lakas ng atom sa isang disyerto ng New Mexico. Pero bago pa mangyari iyon, matagal nang sinasaliksik ng dalubhasang si Democritus (460-370 BC) ang tungkol sa lakas ng mga atom. Ang Atomic Theory ang naging bunga ng kanyang pagsasaliksik sa mga hindi…

Gatas Muna Ang Ipakain

Noong unang panahon, binubuo ng maraming kaharian ang bansang United Kingdom. Nagtitiwala kay Jesus ang Hari sa lugar ng Northumbria na si Oswald. Kaya naman, nag-utos siya na magpapunta ng isang taong nagpapahayag ng Salita ng Dios sa kanilang lugar. At iyon ay si Corman, kaya lang, hindi siya nagtagumpay magpahayag dahil ayon sa kanya, matitigas ang ulo ng mga…

Sa Iyong Tabi

Minsan, isinugod sa Ospital si Joe, dahil sa labis na kapaguran niya sa kanyang pagtatrabaho. Sobrang dami kasi ng ginagawa ni Joe. Gusto niya pa sana magpatuloy, pero hindi na kinaya ng kanyang katawan. Isang kaibigan naman ang nag-alok ng tulong para gumawa ng isang pagkakawanggawa para sa perang kailangan ni Joe pangbayad sa Ospital.

Noong una, tumatanggi pa siya,…

Magpahinga Ka

“Tay, puwede po ba na magbasa kayo ng libro para sa akin?” Tinanong ako minsan ng aking anak. Nanibago ako kasi habang lumalaki ang anak ko na iyon, malimit niya na akong pinapabasa ng mga libro para makatulog siya. Pumayag naman ako sa hiling niya, at habang nagbabasa ako, inilagay niya ang kanyang ulo sa aking mga binti upang humiga.…

Disiplina

Minsan, may isang lalaking bumibili sa isang tindahan. Pagkatapos niyang iabot ang kanyang bayad na 20 na dolyar, binuksan ng tindero ang lalagyan ng mga pera. Agad na tinutukan ng baril ng lalaki ang tindero. Kaya naman, inabot agad ng tindero ang perang nasa lagayan. Kumaripas ng takbo ang lalaki nang makuha na ang pera. Hindi niya alam na ang…

Katulad Ng Pagmamahal Ni Jesus

“Maayos naman ang hitsura niya, hindi lang gaanong kaganda para magustuhan ko siya”. Ganito inilarawan ni Mr. Darcy si Elizabeth sa nobelang Pride and Prejudice na isinulat ni Jane Austen. Dahil sa sinabing iyon ni Mr. Darcy, hindi ko na siya gusto at wala na akong planong bigyan pa siya ng atensyon dahil sa kasamaan ng ugali niya.

Sa nobelang iyon,…

Ang Puno

Mabibili sa halagang 300,000 dolyar ang sports car na McLaren 720S. Maraming may gusto sa sasakyang ito dahil sa sobrang bilis nito. Kaya naman, nang may isang bumili, sinubukan niya na agad paandarin. Sa sobrang bilis ng sasakyan, ganoon rin kabilis itong nasira. Nabangga kasi siya sa isang puno kaya nasira agad ang bagong bili na sasakyan.

Sa Biblia naman, maraming…

Alam Ng Dios Ang Makakabuti

Minsan, pinanood ko ang aking apo na maglaro ng volleyball. Sa tuwing napupunta sa kanya ang bola, para bang nagiging mabuti ang laro ng kanilang mga miyembro at nakakapuntos sila. Tuwing napupunta sa apo ko ang bola, sinusubukan niyang pagandahin ang kalagayan ng kanilang laro.

Ganito rin naman ang ginawa ni Propeta Daniel kasama ng tatlo niyang kaibigan. Nang bihagin…

Unahin Mo Ang Iba

Isang video game ang sikat na sikat, nilalaro iyon ng daan-daang manlalaro. Sa larong iyon, matira ang matibay at kung matalo ka naman, maaari mong mapanood ang mga natitirang manlalaro. “Kapag pinapanood mo na silang maglaro, parang ikaw na rin ang naglalaro. Mararamdaman mo ang halo-halong emosyon. Nagsisimula ka nang ilagay ang sarili mo sa lugar ng manlalaro at maiintindihan…

Aalagaan Ka

Minsan, iniwan sa isang pagamutan ng mga hayop ang pusang si Radamenes. Malubha na ang kalagayan ng pusa kaya akala ng nagmamay-ari sa pusa na mamamatay na ito. Pero hindi nagtagal, gumaling din si Radamenes at inampon na siya ng isang doktor doon sa pagamutan. Naging isang tagapangalaga si Ramadanes ng mga hayop doon sa pagamutan. Sa pamamagitan ng pagtabi…