Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

PILIING MAGALAK

Malungkot na naglalakad sa mahabang pasilyo si Keith. Makikita ang panginginig ng kanyang mga kamay, senyales na mayroon siyang sakit na tinatawag na Parkinson’s Disease. Iniisip niya kung ano na ang mangyayari sa kanya, at kung ano ang sasabihin ng kanyang asawa at mga anak. Pero binasag ng malakas na tawanan ang pagmumuni-muni niya. Mula kasi sa kinatatayuan ni Keith,…

NAGSIMULA SA MALIIT

Maituturing na ikawalo sa pinakamagagandang tanawin sa mundo ang tulay ng Brooklyn sa bansang Amerika nang matapos ito noong 1883. Pero para maisakatuparan iyon, kailangang maikabit ang isang lubid na yari sa bakal sa magkabilang dulo ng tulay para mapatibay ito. Nagsimula sa isang maliit na lubid hanggang humigit na sa limang libong lubid na yari sa bakal ang naikabit…

PAGTATAPOS NANG MALAKAS

Lumahok bilang pinakamatandang babaeng atletang Indiano si Man Kaur sa edad na 103 noong 2019 World Masters Athletic Championship sa Poland at nanalo ng gintong medalya sa apat na paligsahan (pagbato ng sibat, shot put, 60- at 200-metrong takbuhan). Ang pinakanakakahanga: mas mabilis ang pagtakbo niya kaysa sa kampeonato noong 2017. Isang lola sa tuhod na tumatakbo tungo na sa ikalawang…

BIYAYA SA GITNA NG KAGULUHAN

Pahimbing na sana ako sa biglaang pag-idlip nang biglang tumugtog ng gitarang dekuryente ang anak kong lalaki sa ibaba ng bahay namin. Ramdam ang dagundong sa pader. Walang katahimikan. Walang tulog. Saglit lang ang nakalipas may kalaban na ang ingay ng gitara: ang anak kong babae nagpapatugtog ng Amazing Grace sa piano.

Karaniwang natutuwa ako ‘pag naggigitara ang anak ko. Pero…

BILANG AKO

Hindi makatulog ang batang babae. Maraming taon na siyang may pisikal na kapansanan at, kinabukasan, tampok siya sa tiangge ng simbahan na para makalikom ng pondo sa pag-aaral sa kolehiyo. Pero hindi ako karapat-dapat, naisip ni Charlotte Elliot. Paikot-ikot siya sa higaan habang nagdududa sa sarili at sinusuri ang bawat aspeto ng kanyang buhay espirituwal. Kinabukasan, hindi pa rin mapakali,…

SA LAHAT NG PAKIKITUNGO NATIN

Noong 1524, sabi ni Martin Luther: “Pare-pareho ang tuntunin ng mga mangangalakal, kawikaan nila sa kani- kanilang mga sarili ... Wala akong pakialam sa kapwa ko; ang kita ang mahalaga at ang busugin ang kasakiman ko.” Paglipas ng higit dalawang daang taon, hinayaan ni John Woolman – isang negosyanteng galing sa Mount Holly, New Jersey – na maimpluwensyahan ng kanyang…

TUMITIBOK BILANG ISA

Nakabighani na sa mga tao ang mga kuwento simula pa sa pagbubukang liwayway ng paglikha – nagsisilbi itong paraan ng pagpasa ng kaalaman bago pa nagkaroon ng nakasulat na wika. Alam natin ang kasiyahan ng makarinig o magbasa ng kuwento at naaakit na kahit sa pambungad na linya pa lang, “Noong unang panahon.” Hindi lang simpleng kasiyahan ang dulot ng…

KAPAG NATATAKOT KA

May pagdadaanan akong pagsusuring medikal at kahit na wala naman akong sakit noong mga nakaraang buwan, takot pa rin ako. Kahit na matagal na ang pangyayari, nabagabag pa rin ako ng alaala ng hindi inaasahang pagkadiskubre ng sakit ko dati. Alam kong kasama ko ang Dios at dapat magtiwala lang ako sa Kanya, pero natakot pa rin ko.

Nadismaya ako…

PERPEKTONG KARD PANGPASKO

Perpekto ang videong pangpasko ng pamilya Baker. Sa isang damuhan nakakumpol palibot sa apoy ang tatlong pastol (mga batang anak) na nakasuot ng robe. Biglang may anghel na bumaba mula sa tuktok ng burol – ang ate nila, kahanga- hanga ang hitsura maliban sa sapatos nito. Habang may tugtog, nakatingala sa kalangitan ang mga pastol na manghang-mangha. Naglakad sila sa…

KAPANGYARIHAN NG SALITA NG DIOS

Bisperas ng Pasko 1968, kauna-unahang nakapasok sa daangtala ng buwan ang mga astronaut ng Apollo 8 – sina Frank Borman, Jim Lovell, at Bill Anders. Nagsahimpapawid sila para ibahagi ang mga imahe ng buwan at Mundo habang sampung beses iniikutan ang buwan at isa-isa silang nagbasa ng Genesis 1. Sinabi ni Borman sa ika-apatnapung taong anibersaryo, “Sinabihan kaming sa bisperas ng…