Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

LOLANG BALYENA

Tila alam ng isang matandang balyena (orca whale na tinatawag na Granny (lola) ng mga mananaliksik) ang kahalagahan ng tungkulin niya sa buhay ng kanyang “apong balyena.” Namatay kamakailan lang ang ina ng batang balyena na naulila nang masyadong maaga. Hindi pa kayang mabuhay ng naulilang balyena na wala ang proteksyon at suporta ng ina. Kahit na mahigit walungpung taon na, umalalay…

PAGYUKO NANG MABABA

Sinusundan ng batang nanay ang anak na babaeng pinepedal ang munting bisikleta sa abot ng makakaya ng maliliit na binti. Ngunit sumobra ang bilis at bumalibag ang bata. Umiyak siya dahil masakit ang kanyang bukong-bukong. Tahimik na lumuhod ang nanay, yumuko nang mababa, at hinalikan ang bukong-bukong “para mawala ang sakit.” Epektibo! Tumayo ang batang babae, sumampa sa bisikleta, at…

MAHALAGANG PANALANGIN

Pambihirang ibon ang Clark’s Nutcracker. Pinaghahandaan nito ang taglamig taun-taon sa pamamagitan ng pag-iipon ng maliit na pinagsama-samang apat o limang buto ng whitebark pine, hangang sa limang daang buto kada oras. Paglipas ng ilang buwan, babalik ito para kunin ang mga itinagong buto, kahit sa ilalim ng makapal na snow. Natatandaan ng Clark’s Nutcracker kahit sampung libong pinagtaguan – isang…

WALANG PAGSUMPA

Bihasa sa pang-iinsulto si William Shakespeare, isang “katangiang” pinakinabangan ng aktor na si Barry Kraft sa libro niyang naglalaman ng mga insultong hango sa mga dula ni Shakespeare, ang Shakespeare Insult Generator.

Katuwaan lang ang masayang libro ni Kraft. Pero may dating hari ang Moab na sinubukang magbayad ng misteryosong propeta hindi lang para insultuhin ang mga Israelita kundi para…

MATATAG NA PANANAMPALATAYA

Nokia ang kumpanya ng cellphone na pinakamataas sa bentahan noong 1998. Halos apat na bilyong dolyar ang kita noong 1999, pero noong 2011, mahina na ang benta. Kinalaunan binenta na ang tatak ng telepono sa Microsoft. Isang dahilan ng pagbagsak ng sangay ng kumpanya ang kultura ng pagtatrabaho na balot ng takot na nagbunga ng mga nakakapinsalang desisyon. Takot magsabi ng totoo…

ANG HIMALA NG PASKO

Nakakita ako ng nativity set o Belen sa sira-sirang karton sa isang ukay-ukay. Hinawakan ko ang sanggol na Jesus at napansin ko ang magaling na pagkakaukit sa detalye ng katawan nito. Hindi nakapikit at balot ng kumot ang gising na sanggol, nakaunat ang braso, bukas ang kamay at kita ang buong daliri. Tila sinasabing, “Nandito ako!”

Nilalarawan ng imaheng ito ang…

SAKTO LANG

Sa pelikulang Fiddler on the Roof, kinausap nang masinsinan ni Tevye ang Dios tungkol sa pananalapi Niya: “Gumawa Ka ng maraming-maraming mahihirap na tao. Siyempre alam kong hindi nakakahiya ang maging mahirap. Pero hindi rin malaking karangalan! Kaya ano po ba ang magiging gulo kung may yaman ako!... Magiging sagabal ba sa plano Mong walang hanggan kung naging mayaman ako?”…

PAMANA NG PANANAMPALATAYA

Noong 2019, may pagsasaliksik sa pamanang espirituwal ng mga sumasampalataya kay Jesus sa Amerika. Ang resulta: may malaking impluwensya ang nanay at lola sa espirituwal na paglago. Sabi ng halos dalawa sa tatlo na namana nila ang pananampalataya mula sa ina. Sabi ng isa sa tatlo, malaki rin ang tulong nina lolo’t lola (kadalasan, ni lola).

Sabi ng patnugot ng…

Kaibigang Panghabang-buhay

Nakakita ng kaibigan ang makatang taga Inglatera na si William Cowper (1731-1800) sa katauhan ng pastor niyang si John Newton (1725-1807) na dating nagbebenta ng mga alipin. Matindi ang kalungkutan at pagkabalisa ni Cowper noon at ilang beses siyang nagtangkang magpakamatay. Binibisita siya ni Newton at sabay silang naglalakad habang nag-uusap tungkol sa Dios. Naisip ni Newton na makakabuti sa…

NASA KANYANG KAMAY

Ginampanan ng aktor na si William Shatner ang katauhan ni Captain Kirk sa Star Trek na isang palabas sa telebisyon. Pero hindi siya handa para sa tunay na paglalakbay sa kalawakan. Nilarawan niya ang kanyang labing-isang minutong sub-orbital na paglipad sa kalawakan na “pinakamalalim na karanasang puwede kong maranasan.” Paglapag muli sa lupa, lumabas siya ng rocketship at sinabing, “ang makitang dumaan…