Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Sa Panahon Ng Paghihirap

Nang malaman ni Papa John na mayroon siyang kanser, ibinahagi nila sa online ng kanyang asawang si Carol ang pakikipaglaban niya sa sakit. Naniniwala silang gagamitin ng Dios ang kanilang karanasan upang magministeryo sa iba. Sa loob ng dalawang taon, ibinahagi nila sa mga tao ang kagalakan, kalungkutan at sakit na naranasan ni Papa John.

Nang isinulat ni Carol na namatay…

Umiyak Sa Dios

May isang orca o uri ng balyena noon na nagngangalang Talequah ang nagsilang ng kanyang supling ngunit namatay ito pagkaraan lamang ng halos isang oras. Labis na naghinagpis si Talequah na napanood ng mga tao sa buong mundo. Labing pitong araw na bitbit ni Talequah ang patay nitong anak sa kalagitnaan ng Pacific Ocean bago niya ito tuluyang pinakawalan.

Minsan, nahihirapan…

Pagtataksil

Noong 2019, ginunita sa buong mundo ang ika-500 anibersaryo ng kamatayan ni Leonardo da Vinci sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kanyang mga obra sa mga art exhibit. Isa na rito ang The Last Supper o Ang Huling Hapunan.

Inilalarawan sa obrang ito ni da Vinci ang huling hapunan ni Jesus kasama ang Kanyang mga alagad na binabanggit sa Aklat ni Juan.…

Magtiyaga!

Ninanais ng Dios na gamitin sa Kanyang gawain ang mga taong sa tingin ng mundo ay hindi karapat-dapat tulad ni William Carey. Mahirap at hindi masyadong mataas ang kanyang pinag-aralan. Hindi rin siya masyadong matagumpay pagdating sa napili niyang trabaho. Pero, binigyan siya ng Dios ng pagnanais sa pagpapahayag ng Magandang Balita at naging misyonero.

Natuto si William ng wikang…

Kanyang Mga Pilat

Pagkatapos kong makipag-usap kay Grady, naintindihan ko na kung bait mas gusto niya ang makipag fist bump kaysa sa makipagkamayan. Makikita kasi sa pakikipagkamayan ang pilat sa kanyang pulso na dulot ng ginawa niyang paglalaslas noon. Karaniwan na sa atin na itago ang ating mga pilat o sugat na idinulot ng ibang tao o ng ating mga sarili mismo.

Naalala ko…

Masilayan Ang Liwanag

Ikinuwento ng mamamahayag na si Malcolm Muggeridge ang nangyari sa kanya. Isa siyang espiya noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinabi niya, “Humiga ako sa aking kama na lugmok sa kawalan ng pag-asa.” Pakiramdam niya noo’y nag-iisa siya at walang nakikitang anumang liwanag.

Naisip niyang lunurin ang sarili kaya pumunta siya sa dagat. Habang lumalangoy, nasulyapan niya ang mga ilaw…

Awit Ng Papuri

Isang umaga, may narinig akong kumakanta ng papuri sa Dios. Nakita ko na ang bunso kong anak ang kumakanta kahit kagigising pa lamang niya. Mahilig kasi siyang umawit. Saan man siya pumunta o ano man ang ginagawa niya ay kumakanta siya. Ang mga awit na madalas niyang kinakanta ay mga papuri sa Dios. Kahit nasaan man siya ay pinupuri niya…

Dugong Bughaw

Mas kilala ang isang kabilang sa dugong bughaw na pamilya kung mas malapit siya sa trono. Nasa 60 na katao ang nakalinya sa British royal family at isa na rito si Lord Frederick Windsor na nasa ika-49 linya para sa trono. Sa halip na mamuhay sa mata ng publiko at katanyagan, mas pinili niyang mamuhay nang tahimik. Kahit nagtatrabaho siya bilang…

Maghintay Lang

Maraming katanungan ang 17 taong gulang na si Trevor tungkol sa Dios pero hindi masagot-sagot ang mga nito. Ilang taon ang ginugol niya sa paghahanap ng mga kasagutan pero nabigo lamang siya. Naging daan naman ito para mapalapit sa kanyang magulang. Gayon pa man, nanatili siyang nag-aalinlangan sa mga itinuturo ng Biblia.

Matutunghayan natin sa Biblia ang isa ring lalaki…

Sa Puso at Isip

Dahil sa mga hamong hinaharap ng isang bata sa eskuwelahan, tinuruan siya ng kanyang ama na laging sabihin ito sa bawat araw bago siya pumasok: “Nagpapasalamat ako sa Dios sa paggising Niya sa akin sa araw na ito. Papasok ako sa eskuwelahan para matuto at maging isang lider bilang pagtupad sa nais ipagawa sa akin ng Dios.” Sa pamamagitan nito’y…