Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Nawalang Kariktan

Hindi ko na masyadong maalala ang kariktan ng aming anak na si Melissa. Halos nawala na sa memorya ko ang mga masasayang araw kung saan pinapanood namin siyang naglalaro ng voleyball. At kung minsan, hirap akong alalahanin ang kanyang ngiti. Ang kanyang pagkamatay sa edad na 17 ang tumakip sa kasiyahang dulot ng kanyang presensya.

Sa Aklat ng Panaghoy, naipahayag…

Liwanag Sa Dilim

Katatapos lang dumaan ng malakas na bagyo sa bagong lugar na tinitirhan namin. Nagdulot ito ng madilim na kalangitan at maalinsangang panahon. Habang ipinapasyal ko ang aming asong si Callie, napuno ang isip ko ng mga hamong hinaharap ng aming pamilya dulot ng paglipat namin. Sa pagkakataong iyon, pinakinggan ko ang pag-agos ng sapa na malapit sa aming bahay at…

Tunay Na Kagalakan

Dali-dali kaming lumabas nang marinig namin ang tunog mula sa labas. Ang iba pa nga ay hindi na nakapagsuot ng sapin sa paa. Unang araw iyon ng tag-init kaya sabik na sabik kaming makakain ng malamig na ice cream! May mga bagay tayong ginagawa dahil sa kasiyahang maidudulot nito sa atin at hindi dahil sa kailangan natin itong gawin.

Binigyang-diin…

Buhay Na Ganap

Ayon kay Thomas Hobbes na kilala sa larangan ng pilosopiya, ang likas na kalagayan ng buhay ng tao ay malungkot, mahirap at maikli lamang. Sinabi niya na likas din sa atin na makipagdigma at maging mas makapangyarihan kaysa sa iba. Kaya naman, kailangang magtatag ng pamahalaan para magkaroon ng kaayusan.

Ang hindi magandang pananaw na iyon ay tulad ng ginawang…

Kapag Napahiya

Ang pinakanakakahiyang nangyari sa akin ay noong maging tagapagsalita ako sa pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng isang seminaryo. Sa aking pagsisimula, natuon ang paningin ko sa mga propesor na nakaupo sa pinakaharap at mukhang seryosong-seryoso. Sa pagkakataong iyon, nawala ako sa ulirat. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako makapag-isip nang maayos. Nag-umpisa na akong magsalita pero hindi ko na…

Magandang Balita

Habang nagmamaneho si Pastor Chad Graham, napansin niya ang isang maliit na labahan na punong-puno ng mga kostumer. Nag-abot siya ng tulong sa may-ari ng labahan dahil maraming kostumer dito. Dahil sa pagtulong niyang iyon, naisipan ng mga kasama niya sa simbahan na maglaan ng isang araw bawat linggo upang matulungan at masuportahan ang may-ari ng labahan. Ipinapanalangin din nila…

Nagkakaisang Magkahiwalay

Malaking hamon para kay Alvin nang pagsamahin sila sa isang proyekto ng katrabaho niyang si Tim. Bamagat nirerespeto nila ang opinyon ng bawat isa, magkaiba talaga sila ng mga ideya at pamamaraan kaya hindi malayong magkaroon sila ng pagtatalo. Kaya bago pa man mangyari iyon, nagkasundo sila na ipahayag ito sa kanilang boss at inilagay naman sila sa magkaibang grupo. Naging…

Pagkakaiba-iba

Sa loob ng maraming dekada, ang London ang isa sa mga lungsod sa mundo na may pinakamaraming naninirahang iba-ibang lahi. Noong 1933, isinulat ng mamamahayag na si Glyn Roberts na ang pinakamaganda sa London ay ang pagkakaroon nito ng tila parada ng mga tao na may magkakaibang kulay at wika. Hanggang sa ngayon, ito pa rin ang lalong nagpapaganda sa…

Higit Na Mahalaga

May hindi magandang karanasan noon ang aking ina sa mga sumasampalataya kay Jesus. Kaya, nagalit siya nang malaman na mananampalataya na rin ako. Iniisip niya na huhusgahan ko siya kaya hindi niya ako kinausap sa loob ng isang taon. Labis ko itong ikinalungkot pero napagtanto ko na higit na mahalaga ang relasyon ko sa Dios kaysa sa relasyon ko sa…

Kamangmangan

May mga bagay na hindi natin lubos maunawaan hangga’t hindi natin ito mismong mararanasan. Noong buntis ako, nagbabasa ako ng libro at nakikinig sa mga kuwento tungkol sa panganganak. Pero sa kabila nito, hindi ko pa rin maisip kung ano ba talaga ang pakiramdam ng nanganganak. Tila imposibleng makayanan ng katawan ko ang pagsilang ng sanggol!

Ang isinulat ni Pablo…