Saan Ka Patungo?
Minsan, nagpasya ang isang grupo ng kabataan na kasali sa soccer na pasukin ang isang kuweba. Makalipas ang isang oras sa loob ng kuweba, nagpasya silang lumabas. Kaya lang, binaha na ang bukana ng kuweba at hindi na sila makalabas. Lalo pang tumaas ang tubig kaya nagpasya sila na maglakad papunta sa dulong bahagi ng kuweba. Makalipas ang dalawang linggo,…
Pagkimkim Ng Galit
“Sinisira ng galit ang taong nagkikimkim nito.” Sinabi ito ni Senador Alan Simpson sa burol ng kanyang kaibigang si George H. W. Bush na ika-41 na presidente ng U.S. Inalala ni Simpson ang pagiging mapagmahal nito sa kapwa. Pinipili ni George na magpatawad kaysa sa magkimkim ng galit sa iba.
Sumasang-ayon naman ako sa sinabi ni Simpson. Naranasan ko na…
Ang Dios Ang Namagitan
Isinalaysay ni Omawumi Efueye o kilala bilang Pastor O sa kanyang tulang “Minamahal na Anak,” ang tungkol sa pagnanais ng kanyang magulang na ipalaglag siya noong nasa sinapupunan pa siya. Gayon pa man, hindi natuloy ang plano nilang iyon at nagdesisyon na buhayin ang kanilang anak sa tulong ng Dios. Nang malaman ni Pastor O na iniligtas ng Dios ang…
Sa Halip na Maghiganti
Noong 1956, pinatay ng tribong Huaorani sina Jim Elliot at ang apat pang misyonaryo na kasama niya. Pero marami ang nagulat sa susunod na nangyari. Nanirahan kasi ang asawa ni Jim na si Elisabeth at ang pamilya ng mga misyonaryong namatay sa komunidad ng Huaorani. Pinag-aralan rin nina Elisabeth ang salita ng tribo upang maisalin ang Biblia para sa mga…
Nanghahabol ng bagyo
Laging naghahanap ng pagkakataon ang photographer na si Warren Faidley na makakuha ng larawan ng bagyo. Kaya naman, tinagurian siyang “Manghahabol ng Bagyo.” Sinabi ni Warren, “Ang pagiging nasa tamang lugar at oras kung nasaan mismo ang hagupit ng bagyo ay nagdudulot ng kakaibang karanasan. Lalo na habang iniilagan mo ang bawat paglipad ng maliliit na yelo at pinagmamasdan ang…
Magbigay sa iba
Pinamagatang “Sinabawang Bato” ang kuwento tungkol sa isang nagugutom na matandang lalaki na dumating sa isang baryo para humingi ng makakain. Ngunit wala man lamang ni isa ang nagbigay sa kanya. Kaya naman, kumuha ang matanda ng isang kaldero. Nilagyan niya ito ng tubig at bato at pinakuluan. Sa ginawang ito ng matanda, nagtaka ang mga tao.
Kaya naman, pinanood…
Saktong Lugar
Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang mundo lamang ang nasa tamang layo sa araw upang mapakinabangan ang init nito. Kung malapit tayo nang kaunti sa araw tulad ng planetang Venus, matutuyo ang tubig ng mundo. Gayundin naman, kung mapapalayo tayo nang kaunti sa araw tulad ng Planetang Mars ay magyeyelo ang buong mundo. Ang ating mundo rin ang tanging nakakapaglikha…
Takbo ng Oras
Simula nooong maibento ang orasang pinapatakbo ng kuryente, marami na ang nabago. Kaya parang napakabilis na ang takbo ng buhay. Kahit ang simpleng paglalakad lang ay kailangang mabilisan na. Ganito ang nangyayari sa malalaking siyudad at may masamang epekto raw ito sa kalusugan ng tao. Sinabi naman ng isang dalubhasa, “Pabilis nang pabilis ang takbo ng pamumuhay. Ito ang nag-uudyok…
Mahabagin
Nagtatrabaho si Jeff sa isang malaking kumpanya ng langis. Kaya naman, bilang isang salesman marami siyang napupuntahang iba’t ibang lugar. Marami rin siyang nakakausap na mga dumaranas ng kabiguan sa buhay. Kaya naman, bilang isang bagong mananampalataya kay Jesus, napagtanto ni Jeff na hindi langis ang higit nilang kailangan. Sa halip, karamay at habag na nagmumula sa Dios. Nag-udyok din…
Walang Maitatago
Isinalarawan ni Wallace Stegner sa isang sulat ang pagiging mabuting tao ng kanyang namayapang ina. Gayundin ang pagbibigay ng lakas ng loob kanyang ina sa iba. Naalala pa ni Wallace ang lakas sa tinig ng kanyang ina. Hindi rin nakakalimot at laging nakakahanap ng pagkakataon ang kanyang ina na kumanta ng papuri para sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kanya ng…