Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Babalik ka bang Muli?

Nanganganib na masira ang pagsasama ng mag-asawang Ron at Nancy. Nagkaroon kasi ng ibang karelasyon si Nancy. Mahirap aminin ang nagawa niyang kasalanan sa kanyang asawa at lalo na sa Dios. Pero alam ni Nancy na ito ang dapat niyang gawin. Sinabi ni Nancy kay Ron ang totoo. Pero sa halip na hiwalayan ni Ron si Nancy, pinili ni Ron na…

Tinapay at Isda

Isang batang lalaki ang umuwi ng bahay galing sa simbahan. Ikinuwento niya na ang itinuro sa kanila ay tungkol sa isang bata na nagbigay ng tinapay at isda kay Jesus.

Mababasa ang kuwentong ito sa Aklat ng Mateo. Buong araw na nagturo sa mga tao si Jesus. Sinabi sa Kanya ng mga alagad na pauwiin na Niya ang mga tao upang…

Ipahayag sa Iba

Noong 1900s, isang kumpanya ng sasakyan ang gumawa ng slogan upang mahikayat ang mga mamimili. Sinasabi ng slogan na, “Tanungin ninyo ang taong nakabili na ng aming sasakyan.” Alam ng kumpanya na malaki ang magiging impluwensiya ng sasabihin ng isang taong nakabili na ng kanilang sasakyan para mahikayat ang iba na bumili rin.

May malaking epekto rin sa ibang tao kapag…

Pag-ibig sa Dios o Pera

Isang sikat na manunulat si Oscar Wilde. Sinabi niya na noong bata pa siya, akala niya, pera ang pinakamahalaga sa buhay. Pabiro naman niyang sinabi na totoo nga ito. Pero sa kanyang pagtanda, lubos niyang naunawaan na hindi lamang tungkol sa pera ang ating buhay.

Ang pera ay pansamantala lamang. Minsan may pera tayo, minsan naman, wala. Kaya naman, masasabi natin…

Nagtataglay ng Kayamanan

May isang simpleng bahay na makikita sa kalye ng Bogota, Colombia. Walang anumang espesyal sa hitsura ng bahay na ito kaya hindi mo aakalain na naglalaman ito ng halos 25,000 na mga libro. Kinolekta ni Jose Alberto Gutierrez ang mga itinapong libro para mabasa ng mga batang mahihirap sa kanilang lugar.

Kapag walang pasok, pumupunta ang mga bata sa bahay na…

Pagmamahal ng Dios

Madalas kong makita ang isang eksena sa parke na malapit sa aming bahay. Kapag binubuksan ang pandilig sa parke, pinapakawalan na ang asong si Fifi ng kanyang amo.

Lalapit naman si Fifi sa pandilig at hinahayaan niyang mabasa ng tubig ang kanyang mukha. Kitang-kita na punong-puno ng kasiyahan si Fifi sa tuwing nababasa siya ng tubig.

Naalala ko tuloy ang isinulat…

Sa Paningin ng Dios

Hindi ko malilimutan nang ipakilala ko sa aking pamilya ang aking mapapangasawa. Tinanong siya ng dalawa kong nakatatandang kapatid kung ano ang nagustuhan niya sa akin. Masayang sinabi ng aking mapapangasawa na sa biyaya ng Dios ay nabago ako bilang isang mabuting lalaki na minahal niya.

Masaya ako sa sinabi ng aking mapapangasawa. Tila sumasalamin ito sa kung paano tayo minamahal…

Babaguhin ng Dios

Habang nakadestino ako sa Germany bilang sundalo, bumili ako ng bagong 1969 Volkswagen Beetle. Napakaganda ng kotseng iyon. Pero sa pagtagal ng panahon, may mga pagbabagong nangyari sa aking sasakyan. Nasira ang pinto nito dahil sa isang aksidente. Naisip ko na dapat ipaayos at baguhin na ang sasakyan ko. Pero dahil malaking halaga ang kailangan sa pagpapagawa nito, hindi ito nangyari.…

Tunay na Kapahamakan

Maituturing na kalunos-lunos na trahedya ang malulong sa heroin. Kapag nalulong ang isang tao sa drogang ito, hindi na siya hihinto at gugustuhin na mas damihan pa ang paggamit kahit maaari na niya itong ikamatay. Hindi alintana ng mga lulong sa heroin kahit mabalitaan pa nila na may namatay dahil dito. Mas nakatuon sila sa kung saan sila makakuha ng bawal…

Matiyagang Paglilingkod

Kung tayo ay nabuhay sa panahon ni William Carey (1761- 1834), masasabi natin na hindi siya magiging matagumpay sa buhay. Pero ngayon, kinikilala si Carey bilang ama ng makabagong pagmimisyon. Mga manghahabi noon ang kanyang mga magulang. Hindi rin siya naging matagumpay na guro at sapatero pero nagsariling sikap siya sa pag-aaral ng wikang Griyego, Hebreo at Latin. Paglipas ng maraming…