Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Katapatan

Gumuhit ang aking kaibigan ng isang larawan ng tao sa isang papel. Sinabi niya na sumisimbolo ito sa kung sino tayo. Gumuhit din siya ng isa pang larawan ng tao katabi ng una niyang iginuhit. Sinabi niya na ito naman ay sumisimbolo kung ano tayo sa harap ng ibang tao. Ipinapakita ng larawang ito kung gaano tayo katapat sa ating sarili…

Kilala Tayo ni Hesus

Minsan, habang nakasakay kami ng aking anak sa kotse, tinanong niya ako kung anong oras na. Sinagot ko siya at sinabi ko na 5:30. Alam ko na agad ang susunod niyang sasabihin. “5:28 pa lang po.” Napangiti ang aking anak. Napangiti din ako dahil kilalang-kilala ko na ang anak ko pati kung ano ang susunod niyang sasabihin.

Kagaya ng ibang mga…

Masakit na Salita

Noong bata pa ako, tinutukso ako ng ibang bata na isa raw akong patpat dahil sobrang payat ko. Nasasaktan ako tuwing tinutukso nila ako. Tumanim sa isipan ko ang masasakit na panunukso nila sa akin.

Naranasan din naman ni Hanna na masaktan dahil sa masasakit na salita. Mahal siya ng asawa niyang si Elkana pero wala silang anak. Ang pangalawang asawa…

Malinaw na Pag-uusap

Habang naglalakbay ako sa mga bansa sa Asya, nasira ang aking ipad. Ito ay isang maliit na kompyuter na ginagamit ko sa aking trabaho. Pumunta ako sa isang tindahan na gumagawa ng kompyuter pero nagkaroon na naman ako ng isang problema.

Hindi kasi ako marunong magsalita ng wikang Chinese at ang nag-aayos naman ng kompyuter ay hindi marunong magsalita ng wikang…

Pinili ng Dios

Galing sa mahirap na pamilya si Rodney Smith. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga magulang. Nang magtiwala siya kay Cristo sa isang pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus noong 1877, narinig niyang sinabi ng isang tao na, “Galing lang ang batang iyan sa mahirap na pamilya.” Pero hindi pinansin ni Rodney kung ano ang tingin ng mga tao sa kanya.…

Papawiin ang Kalungkutan

Nabulag si Mary Ann Franco dahil sa isang malubhang aksidente sa kotse. Makalipas ang 21 taon, nahulog naman siya at nasaktan ang kanyang likod. Matapos siyang operahan sa likod, himalang nanumbalik ang kanyang paningin. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang mukha ng kanyang anak. Hindi maipaliwanag ng doktor ang panunumbalik ng kanyang paningin. Akala ni Mary Ann na habambuhay na…

Dios ng mga Bansa

Inilarawan ni Peter Furler ang pagtatanghal ng kanyang banda tuwing kinakanta nila ang awit ng papuring may pamagat na “He Reigns.” Ang awiting ito ay tungkol sa sama-samang pagpupuri sa Dios ng mga sumasampalataya kay Jesus mula sa iba’t ibang tribo at bansa. Sinabi ni Furler na sa tuwing inaawit nila ang kantang ito ay nararamdaman niya ang pagkilos ng Banal…

Maging Mapagbigay

Isang matandang palaboy-laboy si Steve. Minsan, nang subukan niyang kumita ng pera, isang babae ang lumapit sa kanya at binigyan siya ng ilang pirasong pizza. Tinanggap ito ni Steve at nagpasalamat siya. Ibinahagi naman ni Steve ang natanggap niyang pizza sa isa pang nagugutom at walang tirahang tao. Bumalik ang babae at binigyan muli ng pagkain si Steve dahil nakita niya…

Panalangin ni Abby

Noong nasa High School pa si Abby, nabalitaan niya at ng kanyang ina ang tungkol sa binatilyo na malubha ang tinamong pinsala dahil sa isang aksidente sa eroplano. Namatay din ang ama at madrasta ng binatilyo sa aksidenteng iyon. Kahit hindi nila kilala ang binatilyo, ipinanalangin nila ito pati ang kanyang pamilya.

Lumipas ang ilang taon at nagkolehiyo na si Abby.…

Paulit-ulit na Gawain

Napansin ko ang tattoo ng aking kaibigan sa kanyang binti na larawan ng laro ng bowling. Sinabi ng aking kaibigan na ipinalagay niya ang tattoo na ito nang marinig niya ang isang kanta. Sinasabi sa kanta na maging masaya tayong gawin ang mga paulit-ulit na gawain. Minsan kasi nakapanghihinayang at parang wala na itong kabuluhan tulad sa mga bowling pin na…