Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Hindi Mag-iisa

Natuwa ang kaibigan kong manunulat sa kultura ng Indonesia nang magpunta siya roon. May kaugalian sila na tinatawag na gotong royong kung saan samasamang nagtutulungan ang bawat isa. Sama-sama ang mga taga probinsiya sa mga gawain tulad ng pag-aayos ng nasirang bubungan o tulay. Sabi ng kaibigan ko, “Sa mga lungsod naman, lagi din silang may kasama tulad ng pagpunta sa…

Pag-alaala

Lumaki ako sa isang simbahan na maraming tradisyon. Isa sa mga ito ay ang pagbibigay parangal sa mga namatay na mahal sa buhay. Iniuukit sa isang tansong plake o ipinipinta ang pangalan ng mga namatay at nakasulat ang, “Sa alaala ni...” Natutuwa ako sa mga ginagawa nilang ganito bilang pag-alala sa mga namatay pero naisip ko din na baka may maaari…

Maging Matapang

Makikita sa London Parliament Square ang mga estatwa ng mga kilalang kalalakihan tulad nina Nelson Mandela, Mahatma Gandhi at Winston Churchill. Si Millicent Fawcett naman na nakipaglaban para sa karapatang bumoto ng mga kababaihan ang nag-iisang babae na may estatwa roon. Makikitang may hawak itong bandila na may nakasulat na, “Courage calls to courage everywhere.” Iginiit niya na ang pagpapakita ng…

Hindi Tatahimik

Noong 1963, huminto ang sinasakyang bus ni Fannie Lou Hamer sa Winona, Mississippi para kumain. Si Fannie ay aktibo sa pagsulong ng karapatang pantao. Siya at ang anim na pasahero na pawang mga itim ay sapilitang pinaalis ng mga pulis sa kainan. Pagkatapos, inaresto at ikinulong sila. Binugbog silang lahat at si Fannie ang labis na pinahirapan. Sa kabila ng…

Iniligtas ng Dios

Noong 15 taong gulang si Aaron, nananalangin siya kay Satanas. Nagsimula siyang matutong magsinungaling, magnakaw at manipulahin ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Binabangungot din siya noon. Sinabi ni Aaron, “Paggising ko isang umaga, nakita ko si Satanas at sinabi sa akin na papasa ako sa aking exam sa eskuwelahan at pagkatapos, mamamatay ako.” Hindi naman siya namatay kaya napag-isip-isip niya,…

Maunang Bumato

Mabigat ang dugo ni Lisa sa mga nangagaliwa sa kanilang asawa. Pero nagkaroon siya ng habag sa kanila nang dumating ang panahon na hindi na siya masaya sa kanyang buhay may-asawa at nahirapang iwasan ang namumuo niyang pagtingin sa ibang lalaki. Dahil sa mapait niyang karanasang iyon, mas naunawaan niya ang sinabi ni Jesus, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan…

Pag-aayuno

Sinabi ng aking mentor na maganda raw na paraan ang pag-aayuno para mas maituon ko ang aking atensyon sa Dios. Pero hindi naging madali para sa akin ang magtiis ng gutom. Nahirapan din ako na manangan sa Banal na Espiritu para magkaroon ng kapayapaan, lakas at lalo na ng pagtitiis. Napaisip tuloy ako kung paano kaya nagawang mag-ayuno ni Jesus sa…

Natatangi ang Pagkakalikha

Noong 2005, may mga sumali sa isang online contest para maging bahagi sa isang exhibit na binuo ng London Zoo. Ikukulong sila sa zoo kung saan maaari silang panoorin ng publiko. Pinamagatan itong “Humans in Their Natural Environment.” Ang layunin ng exhibit na ito ay ang patunayan na hindi espesyal ang mga tao. Sinabi ng isa sa mga sumali, “Magiging paalala…

Pagpapalaya ng Dios

Ang The Clocks ay nobela na isinulat ni Agatha Christie tungkol sa isang detective na si Hercule Poirot. Nagsabwatan ang mga tauhan sa kuwento para patayin ang isang tao. Pero humantong ito sa pagpatay pa nila ng ilan pa para mapagtakpan ang unang krimeng ginawa nila. Nang komprontahin sila ni Hercule, sinabi ng isa sa kanila, “Isa lang naman talaga dapat…

Ang Bumalikong Tore

Nang bisitahin namin noon ang ilang mga kaibigan sa kanilang lugar, sinabi nila sa amin na nagdulot ng takot ang bumalikong tore ng kanilang simbahan dahil sa malakas na bagyo. Inayos naman ito agad pero napaisip ako na kadalasan, inaasahan natin na mukhang perpekto ang lahat ng makikita sa simbahan. Tila isa itong lugar kung saan hindi tayo puwedeng magpunta kung…