Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Gawang-kamay

Isang mahusay na mananahi ang aking lola na tinatawag kong Munna. Nireregaluhan niya ako ng mga tinahi niya tulad ng damit at kumot sa bawat mahahalagang pangyayari sa buhay ko tulad ng graduation at kasal ko. Binuburdahan niya ito ng, “Gawang Kamay ni Munna para sa’yo.” Ramdam ko sa bawat ibinibigay ng lola ko ang pagmamahal niya at naniniwala siya na…

Palitan ang Kalungkutan

Noong 2013, nagkaroon ng breast cancer si Kim. Nang matapos ang kanyang gamutan, nalaman naman niya na may kanser siya sa baga at 3-5 taon na lang daw ang itatagal niya. Lubos niya itong dinamdam noong unang taon. Nagdalamhati siya at laging umiiyak sa Dios. Pero noong makilala ko si Kim, malaki na ang ipinagbago niya. Isinuko niya na sa Dios…

Malaking Impluwensiya

Mahaba ang pangalan ng lola kong si Madeline Harriet Orr Jackson Williams pero mas mahaba ang kanyang buhay. Nabuhay siya ng 101 taon at dalawang beses siyang nabiyuda. Momma ang tawag namin sa kanya. Tumira kami ng mga kapatid ko sa kanya kaya kilalang-kilala namin siya. Malapit siya sa Dios at naging malaki ang impluwensiya ng kanyang pananampalataya sa aming magkakapatid.…

Magalak

“Gawin mong maganda ang araw na ito!” Ito ang maririnig sa voicemail ng kaibigan ko. Habang pinag-iisipan ko ang mga sinabi niyang iyon, napagtanto ko na hindi ko kayang kontrolin ang mga pangyayari para maging maganda ang aking araw. May mga pangyayari kasi na talaga namang nakakalungkot. Pero anuman ang ating sitwasyon, may makikita pa rin tayong dahilan para maging maganda…

Maging Matapang

Noong panahon ni Hitler, maraming mga pinuno ng simbahan ang napapasunod niya dahil sa takot. May mga matatapang naman na hindi nagpasindak kay Hitler. Isa na rito si Pastor Martin Niemöller. Noong panahon ng mga 1970, napagkamalan na mas bata si Pastor Martin kumpara sa mga kasama niyang mga pastor kahit 80 taong gulang na siya. Hindi siya masyadong tumanda dahil…

Kapakanan ng Iba

Sinadya ng mahusay na basketbolistang si Jordan Bohannon ng Universty of Iowa na hindi ipasok ang kanyang free throw. Makakagawa sana siya ng kasaysayan para sa kanyang koponan sa araw na iyon. Malalampasan niya dapat ang naitalang record ng kanilang dating manlalarong si Chris Street, 25 taon na ang nakakaraan. Nakatala si Chris noon ng 32 na magkakasunod na free throw.…

Ipagpatuloy

Marami akong nakakasalamuhang mga taong mahusay at mahinahon sa aking trabaho. Pero iba sa kanila ang naging supervisor ko sa isang proyekto. Kahit na maganda ang aming ginagawa, naging malupit siya sa amin. Dahil doon, pinanghinaan ako ng loob at parang gusto ko na ring sumuko.

Parang nais na ring sumuko noon ni Moises dahil ayaw pa ring palayain ng Faraon…

Tunay na Halaga

Sa isang programa sa telebisyon, may mga nagpanggap na mga estudyante sa high school para mas maintindihan nila ang mga kabataan. Nadiskubre nila na malaki ang epekto ng social media sa mga ito. Nakadepende ang halaga nila bilang tao sa dami ng likes na nakukuha nila sa kanilang mga post. Malaki rin ang epekto sa kanilang pag-uugali ng kagustuhan nila na tanggapin sila ng mga…

Piniling Magpakababa

Isang beses sa isang taon, ang namumuno ng Good Works, Inc. na si Keith Wasserman ay ilang araw na namumuhay bilang palaboy. Sa pamamagitan nito, mas nauunawaan niya ang mga taong nasa ganoong kalagayan. Layunin niya rin na mas lalong lumaki ang kanyang pagmamahal at habag sa kanila.

Naisip ko kung ang ginagawa bang iyon ni Keith na mamuhay nang tulad sa…

Mga Pagkaantala

Isang umaga, nainis ako nang makita ang karatula sa daan na nagsasabing asahan na ang mabagal na daloy ng trapiko. Hindi ko inaasahan na may inaayos pala na kalsada. Nainis ako dahil huli na rin ako sa pupuntahan ko.

Ilan lamang sa atin ang nakahanda sa mga hindi inaasahang pangyayari sa ating buhay na maaaring makaantala sa mga plano natin o…