Saan Ka Patungo?
Ano ang nagbibigay ng direksyon sa iyong buhay? Nasagot ko ang tanong na ito nang mag-aral ako kung paano magmotor. Bahagi ng aming pagsasanay doon ay ang tungkol sa target fixation.
Sinabi ng aking tagapagturo, “May mga pagkakataon na dahil sa sobrang pagtuon ng ating paningin sa isang bagay na iniiwasan, mas lalo pa tayong babangga rito.” Pero kung mas lalawakan natin…
Mahalin Ang Asawa
Kilalang sayaw ng mga Mexican ang Jarabe Tapatio na nagpapakita ng pag-iibigan ng magkapareha. Sa pagtatapos ng sayaw, itinatakip ng magkapareha ang isang sombrero sa kanilang mga mukha upang maitago ang paghalik nila sa isa’t isa na selyo ng kanilang pagmamahalan.
Ang sayaw na ito ay nagpapaalala sa akin ng kahalagahan ng pagiging tapat ng mag-asawa sa bawat isa. Mababasa naman natin…
Magtanong Nang May Pagsamba
Madalas nating naririnig ang mga tanong na, “Malapit na ba?” o “Matagal pa ba?” kapag nasa biyahe tayo. Dahil sa pananabik na makarating agad sa pupuntahang lugar, ito ang mga katanungang bukambibig ng mga bata man o matanda. Ganito rin ang mga tanong natin kapag pinanghihinaan na tayo ng loob dahil sa mga nararanasan nating pagsubok sa buhay na tila hindi…
Hindi Isusuko
“Ano ang isang bagay na hindi mo kayang isuko?” Ito ang tanong ng isang DJ sa radyo. Marami namang tagapakinig ang nagbigay ng kanilang mga sagot. May mga nagsabing hindi nila kayang isuko ang kanilang pamilya. May ilan naman na sumagot na hindi nila kayang isuko ang mga pangarap nila sa buhay tulad ng pagiging musikero. Lahat naman talaga tayo ay…
Ibahagi ang Iyong Sarili
“Ayaw ko pong mag-share” sigaw ng bunso ko. Ayaw niya pa kasing ipamigay ang ilan sa mga laruan niya. Napaikot ang mata ko sa pagiging isip-bata niya pero ang totoo, kahit tayong mga matatanda na ay may ganyan pa ring pag-uugali. Mahirap para sa atin ang magbigay kaagad sa iba na bukal sa ating puso.
Ngunit bilang sumasampalataya kay Jesus, tinawag…
Awit Ng Papuri
Maraming kinapapanabikan sa kanyang buhay ang aking ama. Tulad ng nananabik pa rin siyang muling makabalik sa dati niyang buhay sa kabila ng paglala ng kanyang sakit na Parkinson’s. Sa gitna naman ng kanyang paghihirap at kalungkutan, nananabik siya sa kapayapaan. Gayon din naman sa kanyang pag-iisa, kinapapanabikan niya ang maramdaman muli ang mahalin at mapahalagahan.
Nababawasan naman ang lungkot ng…
Matibay Na Pundasyon
Tunay na may matututunan tayo tungkol sa pananampalataya mula sa mga hindi natin inaasahan tulad na lamang ng aso kong si Bear. Sa tuwing nauubusan siya ng tubig sa kanyang lalagyan, hindi siya tumatahol para ipaalam ito sa akin. Tahimik lang siyang naghihintay sa tabi nito gaano man ito katagal. Nagtitiwala si Bear na pupuntahan ko siya at ibibigay kung ano…
Utak Talangka
Tuwang-tuwa ako nang ayain ako ng aking pinsan sa manghuli ng mga crayfish o ulang. Nang iabot niya sa akin ang timba, tinanong ko siya kung bakit wala itong takip. “Hindi na kailangan” sagot naman niya. Pagkaraan ng ilang sandali, nalaman ko na ang sagot sa aking tanong. Dahil habang pinapanood ko ang mga ulang, napansin kong sa tuwing may makakarating na…
Gawin Para Kay Jesus
Napaaga ang pagpasok ng anak kong babae sa eskwelahan kaya inaya niya ako na dumaan muna kami sa isang coffee shop. Pumayag naman ako. Pagdating namin doon, tinanong ko siya, “Gusto mo bang magpasaya ngayon?” Sumagot naman siya, “Sige po!”
Noong babayaran na namin ang aming binili, sinabi ko sa barista na babayaran na rin namin ang binili ng dalagitang nasa…
Hindi Masusukat
Para sa isang claustrophobic na tulad ko, napakahirap ang manatili sa loob ng MRI machine. Kinailangan kong ituon ang isipan ko sa ibang bagay at para maalis ang isipan ko kung nasaan ako.
Habang naririnig ko ang tunog ng makina, naisip ko ang sinasabi sa Efeso 3, “kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag-ibig ni Cristo” (TAL.…