Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Ang Mensahero

“May mensahe para sa’yo.” Ito ang sinabi sa akin ng babae sa isang pagtitipon habang inaabot ang isang piraso ng papel. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o magiging masaya. Nakahinga lang ako nang maluwag pagkatapos ko itong mabasa, “May pamangkin ka na!”

Maaaring makatanggap tayo ng maganda o masamang mensahe. Sa Lumang Tipan, ipinapaabot ng Dios ang Kanyang mensahe…

Bago ang Lahat

Madalas akong magpunta sa junkyard o sa tambakan ng mga luma at mga sirang sasakyan. Maaaring magdulot ng kalungkutan ang lugar na iyon dahil ang mga sasakyang pag-aari noon ng iba ay lumang luma na at nakatambak na lang. Sa paglalakad ko sa lugar na iyon, may mga napapansin akong ilang mga sasakyan. Saansaan kaya nakarating ang mga sasakyang iyon noong…

Iba ang Sagot

Noong 18 taong gulang ako, kinailangan kong pumasok sa military tulad ng lahat ng mga kabataang lalaki dito sa Singapore. Nanalangin ako na madali lang na tungkulin ang mapunta sa akin dahil hindi naman ako kasing-lakas ng iba. Pero isang gabi, nabasa ko ang 2 Corinto 12:9, “Sapat na sa iyo ang Aking biyaya…” Sa pamamagitan ng talatang iyon, lumakas ang aking…

Pagpapatawad ng Dios

Tuwing ika-28 ng Disyembre, may grupo ng mga tao sa Amerika na nagdiriwang ng tinatawag na Good Riddance Day. Sa araw na iyon, isinusulat nila ang mga hindi magagandang nangyari sa taon na iyon at itatapon nila ang mga pinagsulatan sa isang makina na nagpupunit ng papel.

Pero may mas mainam pa kaysa sa pagdiriwang ng Good Riddance Day. Mababasa natin…

Pinakamataas na Papuri

Minsan, inimbitahan ng asawa ko ang kanyang kaibigan sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Sinabi ng kanyang kaibigan na nagustuhan niya ang mga kanta pero nagtataka siya kung bakit masyado raw naming itinataas o pinaparangalan si Jesus. Ipinaliwanag sa kanya ng asawa ko na ang pagiging Kristiyano ay ang pagkakaroon ng relasyon kay Jesus. Sinabi pa ng asawa ko na,…

Ang Diwa ng Pasko

Sa librong Christmas Every Day na isinulat ni William Dean Howells, ikinuwento niya ang tungkol sa isang batang babae na humiling sa isang diwata na maging Pasko araw-araw sa loob ng isang taon. Natupad naman ang kanyang kahilingan pero hindi naging maganda ang epekto nito sa mga tao. Unti-unti silang nawalan ng gana. Nagsawa sila mga awiting pamasko at hindi na sila…

Ang Pagdating

Tuwing taglamig, tila payapa at tahimik ang mundo habang marahang bumabagsak ang snow. Ibang-iba naman ito kung ikukumpara sa ingay na dulot ng paparating na bagyo.

Ayon sa awit na isinulat ni Audrey Assad na Winter Snow Song, maaari namang piliin ni Jesus na pumarito sa mundo na parang bagyo upang ipaalam na makapangyarihan Siya. Pero mas pinili Niyang pumarito…

Pagbubulay-bulay

Nagturo si Oswald Chambers mula 1911 hanggang 1915 sa Bible Training College sa London. Madalas na nagiging palaisipan sa mga estudyante niya ang kanyang mga itinuturo. Hindi niya agad sinasagot ang mga tanong nila at ang mga hindi nila sinasang-ayunan sa itinuturo niya. Hinihikayat niya na pagbulayan ng mga estudyante ang mga ito nang mabuti. Nais ni Oswald na ang Dios ang…

Maging Mapagpasalamat

Sa librong isinulat ni Ann Voskamp na One Thousand Gifts, hinihikayat niya ang mga mambabasa na isipin ang mga ginawa ng Dios para sa kanila sa bawat araw. Nililista ni Ann ang mga maliliit at malalaking bagay na ipinagpapasalamat niya sa Dios sa araw-araw. Ayon kay Ann, sa pamamagitan ng pagpapasalamat ay maaalala natin na kasama natin ang Dios kahit sa…

Pag-asa

Natalo ang paborito kong koponan sa larong football ng walong magkakasunod na beses. Marami ang ginawang paraan ang coach para manalo pero hindi pa rin sila nagwagi. Minsan, nag-uusap kami ng mga katrabaho ko tungkol sa koponang iyon. Nagbiro ako na kahit umasa man sila na may magandang pagbabago, hindi ito garantiya na mananalo nga sila. Hindi stratehiya para manalo ang…