Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

MAY-ARI O KATIWALA?

“May-ari ba ako o katiwala lang?” Ito ang tanong sa sarili ng may-ari ng isang malaking kompanya habang pinag-iisipan kung ano ang pinakamabuti para sa pamilya niya. Nag-aalala siya sa mga tuksong kasama ng malaking kayamanang maiiwan niya. Ayaw niyang danasin ito ng kanyang mga tagapagmana. Kaya, isinuko niya ang pagmamay-ari ng kompanya at ipinagkatiwala ang buong karapatan sa isang…

IBAHAGI ANG DIOS SA IBA

Hindi natin itinuturing ang mga paruparo bilang maiingay na nilalang. Halos hindi nga natin marinig ang pagaspas ng mga pakpak nila. Pero sa kagubatan ng bansang Mexico kung saan maraming paruparong tinatawag na Monarch, magugulat ka sa ingay ng sabay-sabay nilang paglipad. Kapag milyon-milyong Monarch ang lumilipad, tila rumaragasang tubig ng isang talon ang tunog nila.

Ganito rin inilarawan sa pangitain…

“PERO KULANG PA”

“Nasaan ang pananampalataya ko? Puro kawalan at kadiliman sa kaibuturan ko... Kung may Dios man, patawarin Mo po ako.”

Magugulat ka marahil kung sasabihin kong si Mother Teresa ang nagsulat ng mga salitang iyon. Kilala si Mother Teresa sa kanyang walang sawang paglilingkod sa mga mahihirap sa Calcutta sa bansang India. Lihim pala siyang nakipagbuno sa kanyang pananampalataya ng higit…

TULONG!

Ilang araw nang ngumingiyaw ang maysakit na pusang nasa isang kahon malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Walang pumapansin sa pusang itong iniwanan sa kalye. Hanggang isang araw, dumaan si Jun, isang tagawalis ng kalye. Iniuwi ni Jun ang pusa sa kanila. May alaga rin siyang dalawang asong dating gala.

“Inaalagaan ko sila dahil walang pumapansin sa kanila,” sabi ni Jun. “Nakikita…

MAPAYAPANG TULOG

Ginugulo ang isip ni Sal ng masasamang alaala at mga boses ng nakaraan. Hindi siya makatulog. Puno siya ng takot at pinagpapawisan ang buong katawan. Gabi iyon bago siya bautismuhan (pampublikong pagpapahayag ng pagsunod kay Jesus). Tinanggap na ni Sal ang kaligtasang nagmumula sa Panginoong Jesus, at alam niyang pinatawad na ang kanyang mga kasalanan. Ngunit patuloy pa rin ang…