Buong Tapat
Sa kathang kuwento tungkol sa manok at baboy, pinaguusapan nila na magtayo ng isang kainan. Iminungkahi ng manok na isama sa ihahain nila ang porkchop, sinangag at itlog o mas kilala sa tawag na porksilog. Pero hindi pumayag ang baboy. Sinabi nito, “Ayaw ko! Kung buong tapat kong susundin ‘yan, buhay ko ang kailangan kong ibigay. Samantalang ikaw, itlog lang…
Pagpapakumbaba
Minsan, habang papasok ng eroplano, nasa bandang hulihan ako ng pila. Nang nasa loob na ako, iilan na lang ang bakanteng upuan. Nakakuha naman ako ng puwesto sa bandang gitna. Pero, kinailangan kong ilagay ang bagahe ko sa dulo dahil iyon na lang ang bakante na mapaglalagyan. Ang problema nga lang, kailangan ko munang hintaying makadaan ang lahat bago ko…
May Depekto
Napakametikuloso ng mga Hapon pagdating sa kanilang mga produktong pagkain. Para sa kanila, hindi lamang ito dapat maging masarap kundi dapat maganda rin itong tingnan. Mahalaga talaga sa kanila ang kalidad ng produkto kaya itinatapon nila kahit na maliit lang ang depekto nito. Pero nauso na ngayon ang tinatawag nilang produktong wakeari na ang ibig sabihi’y “may dahilan.” Hindi itinatapon…
Damayan ang Kapwa
May naimbentong kasuotan na kapag isinuot mo, pakiramdam mo’y naging matanda ka. Lalabo ang paningin mo, hihina ang pandinig at babagal ang pagkilos mo. Layunin ng kasuotang ito na tulungan ang mga nag-aalaga ng matatanda na mas maintindihan ang kanilang mga inaalagaan. May sinabi naman ang manunulat na si Geoffrey Fowler matapos niyang maranasang isuot ang kasuotang iyon. Sinabi niya,…
Pag-ani at Pasasalamat
Ilang libong taon na ang nakakaraan, nagtatag ang Dios ng bagong kapistahan para sa mga Israelita at sinabi Niya ito kay Moises. Ayon sa isinulat ni Moises sa Exodo 23, sinabi ng Dios, “Ipagdiwang din ninyo ang Pista ng Pag-ani sa pamamagitan ng pagdadala ng mga unang ani ng inyong bukid” (TAL. 16 ASD).
Sa panahon ngayon, ipinagdiriwang din sa…
Bagong Nalaman
Nang iuwi namin sa bahay ang aming batang inampon, desidido kaming mahalin siya at ibigay ang lahat ng kanyang pangangailangan. Isa na rito ang makakain siya nang maayos. Pero kahit ginawa na namin ang lahat, hindi pa rin naging maayos ang kanyang kalusugan. Tatlong taon pa ang lumipas bago ko nalaman na may mga pagkain pala na hindi kayang tanggapin…
Alam ng Dios
Nakilala ni Denise sa pagtitipon nilang mga nagtitiwala kay Jesus ang isang babaeng lugmok sa problema. Naawa si Denise kaya tinulungan niya ito. Linggu-linggo siyang gumugugol ng oras para payuhan at manalangin kasama niya. Pero kahit siya ang tumutulong sa babae, hindi iyon napansin ng mga namumuno sa kanilang pagtitipon kaya humanap sila ng ibang tutulong sa babae. Pero walang…
Pagiging Tao
Minsan, isang pulis ang tinanong kung ano ang katungkulan nito sa kanilang lugar. Kahit mataas ang kanyang posisyon, hindi niya ito ipinagmalaki. Sinabi niya, “Mga tao kaming naglilingkod sa kapwa na dumaranas ng krisis sa buhay.”
pwa na dumaranas ng krisis sa buhay.” Nagpakita ng kapakumbabaan ang pulis. Kahit mataas ang katungkulan niya, itinuring niyang kapantay lang din siya ng…
Tahanan ng Puso
Ang West Highland Terrier ay isang uri ng aso na mahilig maghukay at kalabanin ang kaaway nito sa kanilang tinitirhan. Nagkaroon kami ng ganoong uri ng aso. Minsan, may nakita itong insekto na pumunta sa ilalim ng lupa. Sa kagustuhan nito na mahanap ang insekto, hinukay niya ang lupa. Hindi namin siya mapigil kaya umabot sa ilang talampakan ang nahukay…
Kadakilaan ng Dios
Minsan, habang nasa dalampasigan ako, pinanonood ko ang mga taong nagka-kite surfing. Nakasakay sila sa malapad na kahoy habang hinihila ng malaking saranggola. Sa tulong ng malakas na hangin, mabilis silang umaandar at tumatalbog-talbog sa ibabaw ng dagat. Tinanong ko ang isa sa kanila kung mahirap ba ang ginagawa nila. Sagot nito, "Hindi, mas madali pa nga ito kaysa sa…