Tunay na Pagsamba
Inimbitahan ako noon ng kaibigan ko sa pagtitipon nilang mga sumasampalataya kay Jesus. Sa pagkakataong iyon, pinaawit ang isang kantang gusto ko. Kinanta ko ito nang may buong kasiyahan.
Nang matapos na ang kanta, sinabi sa akin ng asawa ng kaibigan ko, “Ang lakas ng pagkakakanta mo.” Dahil doon, hininaan ko na ang boses ko sa susunod na kanta at…
Mga Buto
Noong maliliit pa ang mga anak namin, gustong-gusto nilang saluhin ang mga butong nahuhulog mula sa puno ng aming kapitbahay. Mukhang umiikot na elesi ang mga butong iyon habang nahuhulog sa lupa. Pero hindi umiikot ang buto para lumipad kundi para mahulog sa lupa at tumubong muli.
Bago naman ipako sa krus si Jesus, sinabi Niya sa mga tagasunod Niya,…
Kapayapaan
Sa bakuran namin ay may isang napakatandang puno. Sa tingin nami’y malapit na itong mamatay kaya tumawag kami ng dalubhasa sa mga puno. Mahalaga kasi sa amin ang punong iyon. Sabi ng dalubhasa, parang nababalisa raw ang puno at kailangang may gawin kami agad para bumuti ang kalagayan nito. Dumagdag pa tuloy ito sa aming mga alalahanin.
May mga panahon…
Kamangha-mangha
Gumagawa ng lagayan ng mga palaso ang aking ama. Inuukitan niya ito ng mga larawan ng mga hayop. Pinanood ko siya minsan kung paano niya ginagawa ang mga iyon. Kitang-kita ko kung gaano siya kaingat sa pag-uukit. Ang resulta, napakaganda ng mga nagawa niya.
Lubos akong humanga sa mga ginawa ng aking ama. Naisip ko tuloy na madalas na hindi ko…
Taguan
Kapag naglalaro ang mga bata ng taguan, akala nila na nakapagtago na sila kapag tinakpan ang kanilang mga mata. Dahil hindi na sila nakakakita, iniisip nila na hindi na rin sila makikita ng kalaro nila.
Sa tingin natin, patay malisya ang mga batang iyon. Pero minsan, nagagawa rin natin na parang nagtatakip tayo ng mata sa harap ng Dios. Kapag may…
Tumulong at Matulungan
Nang magkasakit si Marilyn, marami ang tumulong sa kanya. Nag-alala tuloy siya kung paano niya masusuklian ang lahat ng kabutihang ipinakita nila. Minsan, may nabasa si Marilyn na isang panalangin. Sabi roon, “Idalangin ang kapwa para matutunan nilang magpakumbaba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na tumulong sa iba, kundi ang matulungan din.” Dahil dito, naisip ni Marilyn…
Kasama ang Dios
Laging nananalangin ang mongheng si Brother Lawrence bago niya simulan ang kanyang mga tungkulin. Dalangin niya, “Panginoon, tulungan N’yo po ako na alalahanin na lagi ko Kayong kasama. Ipinagkakatiwala ko po sa Inyo ang lahat.” Nananalangin rin siya habang nagtatrabaho. Kahit masyado siyang abala, humihinto siya saglit para manalangin at humingi ng tulong sa Dios. Anuman ang mangyari, lagi siyang umaasa…
Regalo ng Dios
Noong Oktubre 1915, habang nagaganap ang unang digmaang pandaigdig, dumating si Oswald Chambers sa isang kampo ng militar malapit sa Cairo, Egypt. Pumunta siya roon para maging pastor ng mga sundalo. Nagdaos siya ng pagtitipon na pinuntahan ng 400 sundalo. Kinalaunan, isa-isa niyang kinausap ang mga sundalo para palakasin ang kanilang loob. Binanggit niya sa kanila ang Lucas 11:13, “Kung kayong…
Dakilang Pagmamahal
Minsan, inuwi namin sa aming bahay ang mahigit isang taong gulang naming apo na si Moriah. Iyon ang unang beses na matutulog siya sa amin na hindi kasama ang mga nakatatanda niyang kapatid. Dahil doon, sa kanya lang namin naibuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal noong araw na iyon. Sinamahan namin siyang maglaro at ginawa namin ang mga gusto niyang…
Magbigay
Nagtatrabaho si Cheryl sa isang kainan. Bilang bahagi ng kanyang trabaho, naghahatid siya ng pagkain sa mga bahay. Minsan, sa halip na sa isang bahay, sa pagtitipon ng mga sumasampalataya kay Jesus siya naghatid.
Nilapitan si Cheryl ng pastor doon at saka siya tinanong, “Hindi madali ang buhay para sa iyo, ’di ba?” Nang sumang-ayon si Cheryl, inabutan siya ng Pastor…