Bagong Pangalan
May sinabi ang manunulat na si Mark Labberton tungkol sa kahalagahan ng mga itinatawag sa atin. Sabi niya, “Ramdam ko pa rin ang malaking epekto ng itinawag sa akin ng kaibigan kong mahusay sa musika. Binansagan niya ako na ‘mahimig’. Siya lang ang tumawag sa akin ng gano’n. Hindi naman ako tumutugtog ng instrumento at hindi rin nangunguna sa pagkanta. Pero…
Ang Mabuting Pastol
Lubos akong nag-alala nang ooperahan sa mata ang aking anak. Habang naghihintay kami ng asawa ko, ninerbyos ako at napuno ng takot. Nanalangin ako sa Dios na bigyan Niya ako ng kapayapaan noong mga oras na iyon. Habang binubuklat ko ang aking Biblia, naalala ko ang Isaias 40. Naisip ko na baka may maiturong bagong aral ang kabanatang ito sa akin.…
Pantatak
May nahukay ang mga arkeologo na isang lumang pantatak ng hari sa may Jerusalem. Matagal pa bago nila nadiskubre kung gaano iyon kahalaga nang suriin iyon ng isang dalubhasa. Pag-aari pala ng dating hari ng Juda na si Hezekias ang halos 3,000 libong taong gulang na pantatak na iyon.
Makikita sa gitna ng pantatak ang hugis araw na may dalawang pakpak.…
Panggising
Madalas akong bumiyahe noon sa iba’t ibang lugar. Sa mga byahe kong iyon, gumagamit ako lagi ng mga panggising sa umaga.
Mababasa naman sa Pahayag ang mga paalala ni Juan sa pitong iglesya para magising ang kanilang nananamlay na pananampalataya. Isinulat ni Juan sa mga taga Sardis ang mensahe mismo ni Jesus, “Alam Ko ang mga ginagawa n’yo. Marami ang nagsasabi…
Huwag Matakot
Minsan, mamimingwit ang asawa ko kasama ang batang si Cleo. Unang beses palang iyon ni Cleo na mamingwit. Magsisimula na sana siya pero natigilan siya nang makita ang mga bulateng pangpain sa isda. Takot siya sa bulate kaya humingi pa siya ng tulong sa asawa ko. Ang kanyang takot ang pumigil sa kanya para mamingwit.
Hindi lang mga bata ang naaapektuhan…
Sapat
Nang pakiusapan kaming mag-asawa ng mga kapwa namin nagtitiwala kay Jesus kung maaaring magdaos ng pagtitipon sa aming bahay, naisip ko agad na tumanggi. Nag-alala kasi ako na baka hindi kami magkasya sa maliit naming bahay. Inalala ko rin na baka hindi namin sila mapakain nang maayos dahil wala akong hilig sa pagluluto at baka kapusin rin kami sa pera. Iniisip…
Hanggang Kailan?
Noong ikinasal ako, akala ko'y magkakaanak agad ako. Pero hindi ganoon ang nangyari. Dahil doon, madalas akong umiyak sa Dios. Tinatanong ko Siya, "Hanggang kailan, ako maghihintay, Panginoon?" Hindi ko maintindihan noon kung bakit hindi Niya ako sinasagot kahit alam kong kaya naman Niyang baguhin ang sitwasyon ko.
Naghihintay ka rin ba sa pagsagot ng Dios? Tinatanong mo rin ba siya…
Nakaraan
Minsan, napakinggan ko ang isang kanta tungkol sa isang taong sumulat para sa kanyang sarili na nasa nakaraang panahon. Sabi sa kanta, “Kung makakabalik ka sa nakaraan na dala ang lahat ng mga natutunan mo sa kasalukuyan, ano kaya ang sasabihin mo sa iyong mas batang sarili?” Napaisip tuloy ako kung anong mga payo at babala ang sasabihin ko sa sarili…
Tulad ng Agila
Dinala ni Betty at ng kanyang asawa ang kanilang anak sa ospital dahil napakasama ng pakiramdam nito. Naging payapa lang ang loob ni Betty pagkaraan ng ilang oras nang tiyakin sa kanya ng mga doktor at nars na gagaling ang kanyang anak at aalagaan nila ito. Habang nag-aalala siya sa kalagayan ng kanyang anak, naisip ni Betty na may Dios na…
Mga Gambala
Sang-ayon ang mga eksperto na malaking oras ang nauubos araw-araw sa mga nakakagambala sa atin. Sa bahay man o sa trabaho, ang isang tawag sa telepono o ang hindi inaasahang pagbisita ng isang kakilala ay nakakapagpalihis ng ating atensyon sa mga bagay na nakatakda sana nating gawin.
Marami sa atin ang hindi natutuwa kapag may mga bigla nalang gagambala sa…