Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Sumunod sa Dios

Sinasanay na namin ang pangalawa naming anak na si Britta na matuto nang matulog mag-isa. Sinasabi ko sa kanya na kapag pumunta siya sa aming kuwarto ay muli namin siyang ibabalik sa kanyang kama. Gabigabi ay nakikita ko siyang nagigising at naglalakad nang mag-isa. Dahil dito ay muli namin siyang pinapatulog sa kanyang kama. Makalipas ang ilang taon ay nalaman ko…

Karunungan sa Pagtanda

Isang ulat tungkol sa mga magagandang aral na mapupulot sa mga matatanda ang nailathala ng isang pahayagan sa Singapore noong 2010. Nakasulat dito na, “Bagama’t ang pagtanda ay nagbibigay ng pagsubok sa ating isip at katawan, nagdudulot din naman ito ng dagdag na kaalaman sa maraming bagay. Maraming karunungan ang matututunan natin mula sa matatanda. Sinasabi ng mga eksperto na ito…

Magkikitang Muli

May nakasanayan na kaming gawin ng apo kong si Allysa sa tuwing magpapaalam kami sa isa’t isa. Mahigpit kaming nagyayakapan at sabay na iiyak sandali. Pero pagkatapos noon ay sasabihin namin sa isa’t isa na “Magkikita tayo muli.” Dahil dito, pareho kaming umaasa na magkikita kaming muli.

Isang malungkot na pangyayari ang mapawalay sa ating mga minamahal. Nang magpaalam si Apostol…

Tulad ng Isang Bata

Nakita ko ang isang bata habang masaya siyang sumasayaw sa tugtog ng papuri sa Dios. Siya lang ang nag-iisang bata sa hanay ng upuan na iyon pero hindi siya napigilang umindak sa saliw ng tugtugin. Pinagmamasdan siya ng kanyang nanay at natutuwa ito sa kanya.

Masaya ako nang makita ko siyang sumasayaw. Nais ko siyang samahan pero pinigilan ko ang aking…

Mas Mabuting Paraan

Pag-uwi ni Archie mula sa isang bakasyon, nagulat siya nang makita niya na may nakatayo nang bakod sa kanyang lupain. Sinubukang kausapin ni Archie ang kanyang kapitbahay para tanggalin ang bakod pero hindi ito pumayag. Puwedeng humingi ng tulong si Archie sa mga awtoridad para tanggalin ang naka tayong bakod sa kanyang lupain pero hindi niya ito ginawa. Hinayaan niyang nakatayo…

Tutulungan Niya Tayo

“Anong ginawa ko?” Iyan ang tanong ko sa aking sarili. Isa sana ito sa pinakamasayang kabanata ng aking buhay. Pero ito rin pala ang magiging pinakamalungkot. Nakakuha ako ng isang magandang trabahong malayo sa aming tahanan matapos kong mag-aral sa kolehiyo.

May sarili akong tirahan, pero hindi ako pamilyar sa bagong lugar, at wala akong kakilala rito. Napalitan ng takot at…

Mahalaga tayo sa Dios

Isang matandang palaboy sa aming lugar si David. Madalas siyang tumugtog ng biyolin sa daan upang ipakita ang pambihira niyang talento. Nagbibigay ang mga tao ng kanilang limos kay David kapalit ng kanyang pagtugtog. Ngumingiti si David sa kanila bilang pasasalamat at patuloy pa rin siya sa pagtugtog ng kanyang biyolin.

Nang pumanaw si David ay nailathala sa dyaryo ang tungkol…

Palaging Manalangin

Isa sa maraming pakinabang ng mga cellphone ay maaari nating makausap ang kahit sino sa anumang oras. Dahil dito, maraming mga tao ang gumagamit nito kahit nagmamaneho na nagdudulot ng matitinding aksidente. Para maiwasan ang mga ito, maraming mga paalala sa daan na huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho. Mas mabuti na huminto saglit kung mayroon tayong nais tawagan o makausap.…

Huwag Mag-alala

Nakatira ako sa lugar kung saan palaging mainit at maaraw kaya hindi ako sanay sa malalamig na lugar. Pero natutuwa akong makakita ng snow sa mga larawan. Nagpadala ang kaibigan ko ng litrato ng snow mula sa kanyang tirahan at natuwa ako rito. Napalitan ng kalungkutan ang kasiyahan ko nang mapansin ko ang mga lagas na puno sa gitna ng makakapal…

Pakpak ng Agila

Ayon kay Propeta Isaias ang paghihintay sa Panginoon ay ang umasa ng buong pagtitiwala na gagawin ng Dios ang Kanyang mga ipinangako. Naghihintay kasi tayo sa pagliligtas sa ating mahirap na kalagayan.

Pero alam naman natin na tiyak na mangyayari ito sa hinaharap. Sinisigurado rin naman ito sa atin ni Jesus. Sinabi Niya, “Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng…