Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

NAKIKITA’T NAUUNAWAAN NG DIOS

Dahil sa matinding sakit na hindi gumaling-galing, madalas nasa bahay lang ako at dama ko ang pag-iisa. Pakiramdam ko hindi ako nakikita ng Dios at ng ibang tao. Isang umaga, dama ko iyan habang nagdarasal at naglalakad ako sa paligid namin kasama ang service dog ko (asong tumutulong sa mga may kapansanan). Sa malayo, napansin kong lumilipad ang isang hot-air balloon (lobong…

NAKAW NA DIOS-DIOSAN

Nagsumbong sa pulis si Ekuwa. Ninakaw ang dios-diosan niyang nililok sa kahoy. Inakala ng mga pulis na natagpuan na nila ito, kaya inimbitahan nila si Ekuwa para tukuyin ang nawawalang dios-diosan. “Ito ba ang dios mo?” tanong nila. “Hindi. Mas malaki at mas maganda ang dios ko kaysa diyan,” sagot niya.

Kahit sa Lumang Tipan, sinubukan na ng tao na…

KILALA NG DIOS

Nagkahiwalay ang dalawang magkapatid. Paglipas ng halos dalawampung taon, muli silang nagkasama sa tulong ng DNA test. Nagpadala ng text si Kieron kay Vincent dahil palagay niya, ito ang nawalay niyang kapatid. Tinanong niya si Vincent kung ano ang ipinangalan sa kanya nang ipanganak siya. Agad niyang sagot, “Tyler.” At nasiguro na nga ni Kieron na si Vincent ang kapatid niya.…

NAGHAHANAP NG KATOTOHANAN

Naikuwento sa akin ang hindi pagkakaunawaang sumisira sa isang samahan ng mga nagtitiwala kay Jesus. Ang pinagtata- lunan nila? Kung patag ba o hindi ang mundo. Naibalita naman ang isang nagtitiwala kay Jesus na armadong sumugod sa isang kainan. Ililigtas raw niya ang mga batang inaabuso sa isang lihim na silid. Pero walang ganoong silid. Bunga ang mga iyan ng…

PAGHILOM NG KALOOBAN

Aktibo si Carson. Mahilig siyang mangaso, mangisda, mag- bisikleta at iba pa. Pero naaksidente siya sa motorsiklo kaya hindi na niya maigalaw ang katawan niya mula dibdib pababa. Nakaranas siya ng depression o matinding kapighatian. Nawalan din siya ng pag-asa. Minsan, niyaya siya ng mga kaibigan para mangaso ulit. Habang nalilibang sa ganda ng kapaligiran, nalimutan niya ang kapansanan niya. Nagdulot…

PUSONG MAPAGPASALAMAT

Malaki ang problema ng atletang si Hansle Parchment na isang kalahok sa Olympics na ginaganap sa lungsod ng Tokyo sa Japan. Maling bus kasi ang nasakyan niya papunta sa pinagdadausan nito. Malabo na siyang makarating sa tamang oras. Mabuti na lang nakita niya si Trijana Stojkovic na isa sa mga nagboboluntaryo sa Olympics. Binigyan ni Trijana si Hansle ng pera pang-taxi…

AWA AT PAGBABAGO

Nakakasindak ang krimen, at nahatulan ang kriminal na makulong habambuhay. Sa paglipas ng mga taon, habang mag-isa sa bartolina, nagsimulang maghilom ang pag-iisip at espiritu niya. Pinagsisihan niya ang mga kasalanan niya at nagkaroon siya ng relasyon kay Jesus. Kinalaunan, pinayagan siyang makasalamuha ang mga kapwa preso. Sa awa ng Dios at sa pagbabahagi niya, naintindihan ng ibang bilanggo ang…

OPERASYONG MAY PANALANGIN

Noong nangailangan ng operasyon sa buto ang anak ko, ipinagpasalamat ko ang doktor na nag-opera sa kanya. Malapit nang magretiro ang doktor na ito at libu-libong tao na ang natulungan niya na pareho ang kondisyon gaya ng sa anak ko. Kahit pa ganoon na ang karanasan niya, nanalangin pa rin siya at hiniling sa Dios na bigyan ng magandang resulta…

MGA PAGOD NA TOLDA

“Pagod na ang tolda!” Iyan ang sabi ng kaibigan kong si Paul na nagpapastor ng isang simbahan sa Nairobi, Kenya. Simula 2015, ginaganap ang pagtitipon nila sa isang tolda. Ngayon, sabi ni Paul, “Sira-sira na ang tolda at tumutulo kapag umuulan.”

Hindi ba parang hawig ang sinabi niya tungkol sa tolda nila sa sinabi ni Apostol Pablo tungkol sa buhay…

BUTO NG PANANAMPALATAYA

Kamakailan, bumagyo sa amin. Malakas ang hangin pero kaunti lang ang ulan. Hinangin ang mga buto mula sa puno ng maple at nalaglag sa lupa. Hindi namin ito alam, kaya nagbungkal kami ng lupa kinabukasan. Hindi sinasadyang natanim ang napakaraming buto ng puno ng maple. Pagkalipas ng dalawang linggo, nagsimulang tumubo ang mga puno ng maple sa bakuran namin.

Hindi man ako…