GAMITIN ANG PAGKAKATAON
Habang naghihintay na makapasok sa unibersidad, nagpasya ang dalawampung taong gulang na si Shin Yi na ilaan ang tatlong buwan ng kanyang bakasyon sa isang youth mission organization na layuning umabot sa mga kabataan. Kakaibang panahon para gawin iyon, lalo na’t may mga paghihigpit noon dahil sa COVID-19. Pero nakahanap si Shin Yi ng paraan. Patuloy siyang nakipag-ugnayan sa mga estudyante…
LAKAS MULA SA KAHINAAN
Noong halos tatlong taong gulang ang anak ko, kinailangan kong sumailalim sa isang operasyong mangangailangan ng isa o higit pang buwan para gumaling. Hindi ko alam kung paano ko aalagaan ang isang bata at magluluto ng aming pagkain sa panahong iyon. Natakot ako sa magiging epekto ng aking kahinaan sa takbo ng aming buhay.
Sadya namang pinahina ng Dios ang puwersa…
MAGPATULOY
Habang tumatakbo ako sa kagubatan, sinubukan kong maghanap ng shortcut. Pumasok ako sa isang daang hindi ko kabisado. Nang may makasalubong akong tumatakbo mula sa kabilang direksyon, tinanong ko kung nasa tamang landas ako. “Oo,” sagot niya. Nakita niya ang duda sa aking mukha kaya agad niyang sinabi, “Huwag kang mag-alala, nasubukan ko na ang lahat ng maling daan! Pero…
KAIBIGANG NAAARKILA
Mas dumami ang mga taong malungkot ang buhay. Sa Amerika, dumoble ang bilang ng mga walang kaibigan simula noong 1990. Sa ilang bansa naman sa Europa, umaabot hanggang 20% ng populasyon ang nakararamdam ng kalungkutan. Habang sa Japan naman, may mga matatandang sadyang lumalabag sa batas para makulong at magkaroon ng kasama.
Tuloy, naisip ng ilang negosyante ang isang solusyon:…
KATAPATAN
Namatay ang ina ni Sara noong labing-apat na taong gulang pa lamang siya. Hindi nagtagal, nawala naman ang kanilang tahanan at naging palaboy sila. Kaya ninais ni Sara na mabigyan ang kanyang magiging mga anak ng pamanang maaaring maipasa sa mga susunod pang henerasyon. Nagsumikap siyang makabili ng bahay upang bigyan ang kanyang pamilya ng matatag na tahanan—isang bagay na…
ALALAHANING MAGPURI
Noong itinayo ang aming unang simbahan, isinulat namin sa mga haligi at sahig ang mga pasasalamat namin sa Dios. Kaya kapag tinanggal mo ang mga harang ng mga haligi at sahig, makikita mo ang mga talata mula sa Biblia at mga panalangin ng papuri tulad ng “Napakabuti Mo!” Isinulat namin ang mga iyon bilang mensahe sa mga susunod na henerasyong…
BUONG BUHAY
Madalas, kapag lumilipat tayo sa bagong lugar, may mga alaala tayong iniiwan sa lugar na nililisan natin. Pero sa isang lugar sa Antarctica, hindi lang alaala ang kailangan mong iwan para maging residente roon. Kailangan mong sumailalim sa operasyong appendectomy (pagtatanggal ng appendix). Sa layo ng lugar sa ospital, kapag sumabog ang appendix mo, siguradong magiging malala ang kundisyon mo. Para maiwasan…
TAHANANG KASAMA SI JESUS
Ilang taon na ang nakalipas nang mag-alaga kami ng pusa. Pinangalanan namin siyang Juno. Ang totoo, nasa isip ko lang noong mabawasan ang mga daga sa bahay namin. Pero kung buong pamilya ang tatanungin, gusto talaga nila ng pusa. Kaya naman iniayos namin ang titirahan ni Juno. Sinanay namin si Juno sa kanyang magiging tahanan. Nang sa gayon, may babalikan…
BAWAT GINAGAWA
Sinalanta ng isang tsunami ang mga baryo sa Sri Lanka. Dahil dito, nawasak ang makinang panahing pinag-ipunan ng isang babae sa loob ng maraming taon. Nang malaman ito ni Margaret, isang Amerikanang mananahi, naantig ang kanyang puso. Kaya nagtipon siya ng ilang mga makinang panahi at ipinadala ang mga ito sa Sri Lanka. Nagbigay naman ito sa mga taga-Sri Lanka ng…
LUHA NG PAGPUPURI
Ilang taon na ang nakalipas, inalagaan ko ang aking ina bago siya pumanaw. Ipinagpapasalamat ko sa Dios ang apat na buwang ibinigay Niya sa akin para maalagaan siya. Hiniling ko rin sa Kanya na tulungan ako sa proseso ng pagluluksa. At nang pumanaw na nga ang aking ina, hindi ko napigilan ang umiyak. Ngunit kasabay noon, naibulong ko rin ang…