Walang Maliw Na Pag-asa
Nasuri ng mga doktor ang apat na taong gulang na si Solomon at nalamang may Duchenne muscular dystrophy ito. Isang lumalalang sakit na sumisira ng kalamnan. Paglipas ng isang taon, kinausap ng mga doktor ang pamilya tungkol sa paggamit ng wheelchair pero ayaw ni Solomon. Ipinagdasal siya ng pamilya at mga kaibigan. Lumikom din sila ng pera para sa isang asong sinanay…
Pangarap at Pananabik
Noong tumira ako sa Inglatera, tila karaniwang Huwebes na lang ang Araw ng Pasasalamat na isang malaking pagdiriwang sa Amerika. Naghanda ako ng maraming pagkain para magdiwang sa katapusan ng linggo, pero gusto kong makasama ang pamilya’t kaibigan ko. Alam kong ‘di lang ako ang may ganoong pananabik. Nais nating lahat na makasama sa pagdiriwang ang mga mahal natin. At…
Nasa Dios Ang Kinabukasan
Noong 2010 unang beses pinambayad ng pinamili ang bitcoin (isang digital na pera na maliit na bahagi lang ng isang sentimong dolyar ang halaga bawat isa). 10,000 bitcoin ang bayad ni Laszlo Hanyecz para sa dalawang pizza (25 na dolyar). Sa pinakamataas ng halaga nito noong 2021, lagpas 500 milyong dolyar na ang halaga ng mga bitcoin na iyon.
Noong mababa pa ang halaga, siguro…
Pananampalatayang May Gawa
Isang gabi ng Hunyo 2021, may ipu-ipong rumagasa sa isang komunidad. Lalong nakakapanlumo na kasama sa nasira ang isang kamalig na nasa lupain na ng isang pamilya mula pa noong dulo ng 1800. Kinaumagahan, nakita nina John at Barb ang pinsalang ito habang papunta sila sa simbahan. Naisip nila kung paano kaya sila makakatulong. Kaya huminto sila para kausapin ang…
Pagbabasa Nang Paatras
Hindi matutuwa ang mga mahilig sa nakasasabik na kuwento kung huling kabanata ng nobelang misteryo ang unang babasahin. Pero may ibang taong mas nasisiyahang magbasa ng libro kung alam na nila paano magwawakas ang kuwento.
Sa Pagbabasa nang Paatras, ipinakita ng may-akdang si Richard Hays ang halaga nito para maintindihan natin ang Biblia. Nilarawan niya ang tulong ng paglalahad ng…
Ang Grupo Ni Socrates
Noong 1941, nabuo sa Unibersidad ng Oxford sa Inglatera ang Grupo ni Socrates para mahikayat ang pagkikipagtalastasan ng mga sumasampalataya kay Jesus at ng mga ateista o mga taong hindi naniniwala sa Dios.
Karaniwan naman ang debateng pangrelihiyon sa sekular na unibersidad, pero ang nakakamangha sa Grupo ni Socrates –naging pinuno nila sa loob ng labinglimang taon ang kilalang iskolar…
Kilala Ka Ng Dios
Tila ramdam ni Inay ang panganib kahit malayo pa. Isang beses, matapos ang mahirap na araw sa paaralan, sinubukan kong itago ang nadaramang kabiguan para sana walang makapansin.
Pero tinanong ako ni Inay, “Ano’ng problema?” Dagdag pa niya, “Bago mo sabihing wala, tandaan mo ako ang nanay mo; ako ang nagluwal sa’yo at mas kilala kita kaysa sarili mo.” Madalas…
Nasa Isip at Panalangin
“Nasa isip kita at panalangin.” Siguro napapaisip ka kung totoo ba ang sinasabi kapag narinig mo iyan. Pero kapag si Edna Davis ang nagsabi, hindi na kailangang pag-isipan pa. Alam ng mga nakatira sa maliit nilang bayan, na isa lang ang ilaw trapiko, ang yellow pad niya kung saan nakalista ang mga pangalan nila sa bawat pahina. Ipinagdadasal ni aleng Edna…
Pasulong! Walang Liku-liko
Sa tulang “Pahinga,” mahinahong hinamon ng makata ang ugaling ihiwalay ang oras ng “paglilibang” sa “trabaho”: “Hindi ba tunay na paglilibang o isang trabahong totoo?” Kung tunay na paglilibang ang nais, kaysa sa takasan mga tungkulin sa buhay, sabi sa tula, “Ibigay pa rin ang pinakamakakaya; gamitin ‘to, ‘wag sayangin, – Kundi baka ‘di pahingang tunay. / Masdan ang ganda…
Ihanda Ang Iyong Depensa
Pumunta ang isang lalaki at mga kaibigan niya sa isang ski resort. Para mag-snowboarding, dumaan sila sa tarangkahang may babala tungkol sa pagguhuho ng snow. Sa ikalawang pagbaba nila, may sumigaw, “Gumuguho ang snow!” Hindi nakaiwas ang lalaki at namatay sa rumaragasang snow. May pumuna at nagsabing baguhan kasi siya. Pero hindi pala – isa siyang sertipikadong gabay sa pagguho…