Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Haleluya!

Kahanga-hangang inabot lang si Handel ng 24 araw para isulat ang oratoryong Messiah—ang ngayon ay marahil pinakakilalang komposisyon, tinutugtog nang libong beses kada taon sa buong mundo. Ang rurok ng likhang ito ay ang Hallelujah Chorus.

Habang inaanunsyo ng mga trumpeta ang simula ng koro, nagpatung-patong ang mga boses ng choir habang inaawit ang mga salita sa Pahayag 11:15. “Maghahari siya magpakailanman.”…

Kung Saan Ako Kabilang

Sa pagtatapos ng Paskuwa, isang tradisyon ng mga Judio kung saan pinagdiriwang at inaalala ang kadakilaan ng pagliligtas ng Dios, nakapaikot na nagsasayawan ang mga miyembro ng simbahan. Nasa likod si Barry, nakangiti habang nanonood. Gustung-gusto niya ang mga ganoong okasyon. Sabi pa niya, “Ito na ang pamilya ko ngayon. Nahanap ko na kung saan ako magmamahal at mamahalin... kung…

Di-nahating Kaharian

Noong Hunyo 16, 1858, pinahayag ng kandito sa pagkasenador na si Abrahan Lincoln ang ngayon ay sikat nang speech niya. Binigyang-diin doon ang tensyon sa pagitan ng mga grupo sa Amerika dahil sa paksa ng pang-aalipin. Nagkaroon ng alingasngas sa mga kaibigan at kaaway ni Lincoln. Pakiramdam ni Lincoln mahalagang gamitin ang “nahating kaharian” na sinabi ni Jesus sa Mateo 12:25…

Kuwento Ng Balyena

Sumisisid si Michael para maghanap ng lobster nang mahuli siya ng bibig ng isang balyena. Nagpipisag siya sa dilim habang pinipiga ng mga kalamnan ng isda. Naisip niyang iyon na ang katapusan niya. Pero ayaw pala ng mga balyena sa mga manghuhuli ng lobster, at pagkatapos ng 30 segundo, iniluwa siya nito sa ere. Nakakamangha, walang nabaling buto kay Michael—mga pasa…

Magtiwala Sa Kanyang Pangalan

Noong bata ako, may panahon na ayokong pumasok sa eskuwela. May mga nangbu-bully kasi sa akin at ginagawan ako ng kung anu-anong prank. Kaya kapag recess, pumupunta ako sa library, kung saan ako nagbabasa ng mga Christian na libro. Naalala ko iyong unang beses na nabasa ko ang pangalang “Jesus.” Sa kung anong dahilan, alam kong iyon ay pangalan ng nagmamahal sa…

Sa Ibabaw Ng Pait

Noong sumabog ang mga gusali ng World Trade Center noong Setyembre 11, 2001, isa si Greg Rodriguez sa mga namatay na biktima. Kahit nagluluksa, iniisip din ng nanay niyang si Phyllis ang magiging tugon sa nakakakilabot na pag-atake. Noong 2002, nakilala ni Phyllis si Aicha el-Wafi, ang ina ng isa sa mga inaakusang tumulong sa mga terorista. Sinabi ni Phyllis…

Di-pangkaraniwang Panahon

Kahit nabuhay na pagano sa maraming taon ng buhay niya, nagpatupad ng mga reporma ang emperador ng mga Romano na si Constantine (AD 272-337) na nagpahinto sa pagmamalupit sa mga Cristiano. Siya din ang nagtatag ng kalendaryong ginagamit natin ngayon na naghati sa kasaysayan sa BC (before Christ) At AD (anno Domini, o “sa taon ng Panginoon”).

Pero para gawing…

Muling Magtitipon

Noong isinusulat ko ang obituaryo ng nanay ko, pakiramdam ko, masyadong pinal ang salitang namatay para sa pag-asa ko sa pagkikita namin muli sa langit. Kaya ang sinulat ko, “Sinalubong na siya ni Jesus.” Pero may mga araw pa rin na nagluluksa ako habang nakatingin sa mga larawan namin ngayon kung saan wala na ang nanay ko. Nitong nakaraan, natuklasan…

Pagtatayo Ng Bahay

Noong 1889, nagsimula ang pagtatayo ng pinakamalaking pribadong bahay sa Amerika. Nagpatuloy ang trabaho hanggang sa mabuo ang summer house ni George Vanderbilt matapos ang anim na taon. Ito ang naging Biltmore Estate sa North Carolina. Hanggang ngayon, ito pa rin ang pinakamalaking bahay sa Amerika, na may 250 na kuwarto (kasama na ang 35 na tulugan at 43 na banyo),…

Paghahanap Ng Kanlungan

Minsang nanatili ako at ang asawa ko sa isang magandang hotel sa tabi ng dagat. May malalaki itong bintana at makakapal na batong pader. Isang hapon, dumaan ang bagyo doon, binulabog ang dagat at parang mga kamaong sumusuntok sa bintana ang hampas ng tubig. Pero payapa kami. Sobrang tibay ng mga pader, at matatag ang pundasyon ng hotel! Habang nagngangalit ang…