Ayaw Sa Palusot
Tanong ng isang pulis ng Atlanta sa Amerika sa motorista, “Alam mo ba bakit kita pinahinto?” “Hindi po.” Marahang paliwanag ng pulis, “Nagtetext ka kasi habang nagmamaneho.” “Hindi po! Email po iyon,” sabi ng drayber at inabot ang selpon sa pulis. Lusot na ba ang drayber sa batas na nagbabawal magtext habang nagmamaneho? Hindi! Hindi naman pag-iwas sa pagtext ang punto ng batas kundi…
Magbigay at Magalak
Sabi ng mga mananaliksik may ugnayan ang pagkamapagbigay at kagalakan: mas masaya ang nagbibigay ng pera at oras sa iba kaysa sa hindi. Sabi ng isang sikologo, “Huwag na nating isipin ang pagbibigay bilang moral na pananagutan at simulan itong isipin bilang pinagmumulan ng kasiyahan.”
Nakakapagdulot man sa atin ng kasiyahan ang pagbibigay, pero kasiyahan ba talaga ang dapat na…
Nandito Si Jesus
Nakaratay sa higaan na may ngiti ang matandang tiyahin ng magulang ko. Nakasuklay ang mapuputing buhok at puno ng kulubot ang mga pisngi. ‘Di siya masyadong nagsalita pero tanda ko pa ang binulong niya nang bisitahin namin siya ng mga magulang: “Hindi ako nalulungkot. Nandito si Jesus kasama ko.”
Namangha ako. Balo na siya at nakatira sa malayo ang mga…
Mabuti Ang Pagsabi Ng Tapat
“Mahal kong kaibigan, minsan kung magsalita ka para bang mas banal ka kaysa sa totoong ikaw.” Sinabi iyan ng kaibigan at tagapayo ko na may maamong ngiti habang nakatingin sa mata ko. Kung iba ang nagsabi baka nasaktan ako pero malaki ang pagpapahalaga ko sa pagtitimbang niya ng mga bagay bagay. Napangiwi ako pero natawa rin kasi kahit may kurot…
Tiwala Sa Dios
Ayon sa isang pag-aaral sa United Kingdom, karaniwang tumitingin sa cellphone ang mga taong nasa hustong gulang kada labindalawang minuto. Pero para bang kulang pa iyan kung iisipin ko gaano kadalas ako maghanap ng sagot sa Google o tumugon sa walang katapusang mensaheng pumapasok sa cellphone ko sa buong araw. Marami sa atin umaasa sa cellphone para maging organisado, maalam, at konektado.
Pero bilang…
Nakatuon Sa Dios
Maraming oras ang ginugol ko noon sa paghanap ng diamante para sa singsing pang-engagement. Nabagabag ako: paano kung hindi ko makita ang pinakamaganda?
Ayon sa dalubhasa sa ekonomiya na si Barry Schwartz, kita sa pag-aalinlangan ko na isa akong maximizer at hindi satisficer. Nagdedesisyon ang satisficer ayon sa kung ano ang nakakasapat sa pangangailangan pero sa maximizer kailangan lagi ang pinakamainam. Ano ang…
Bahaghari Ng Pag-asa
Dahil sa matinding sakit na naramdaman ko, napilitan akong manatili sa kuwarto sa mga unang araw ng bakasyon namin. Naging makulimlim ang damdamin ko tulad din ng kalangitan. Nang nakapasyal ako sa malapit na parola kasama ang asawa ko, nakita kong natakpan ng maiitim na ulap ang magagandang tanawin.
Gayunpaman, kinuhanan ko pa rin ng larawan ang madilim na kabundukan…
Pagbibigay Dahil Sa Pag-ibig
Tuwing umaga, pagbili ni Glen ng kape sa malapit na drive-through, binabayaran na rin niya ang para sa taong nasa kotseng kasunod niya at binibilinan ang kahera na batiin ito ng magandang araw para sa kanya. ‘Di sila kilala ni Glen. ‘Di niya alam ang reaksyon nila. Gusto lang niya makagawa ng kahit munting kabutihan sa iba.
Pero minsan, nabasa…
Nakabukod Para Kay Jesus
Noong Nobyembre 1742, nagkagulo sa Staffordshire, sa bansang England. Ipinoprotesta ng mga tao ang Magandang Balita na ipinapahayag ni Charles Wesley. ‘Di nila matanggap na may mga tradisyon sa simbahan na binabago ng ipinapahayag ng magkapatid na sina Charles at John Wesley.
Nang nalaman ang kaguluhan, pumunta agad si John para tulungan si Charles. Mabilis napalibutan ng nagpoprotesta ang kinaroroonan…
Pag-asa Sa Bagyo
Noong tagsibol ng 2021, ilang storm-chasers ang kumuha ng video at litrato ng isang bahaghari na katabi ng buhawi sa Texas sa Amerika. Kita sa video na tila nakayuko ang mga sanga ng trigo dahil sa lakas ng umiikot na hangin at may isang matingkad na bahaghari ang nakaarko sa kulay-abong kalangitan patungo sa buhawi. Sa isa pang video kita ang ilang taong nakatayo…