Simplehan Lang
Maiksi pero madalian ang email na iyon. “Humihingi ng kaligtasan. Gusto kong makilala si Jesus.” Nakamamanghang hiling hindi gaya ng mga nag-aatubiling kaibigan at kamag-anak na hindi pa tumatanggap kay Cristo, ang taong ito ay hindi na kailangang kumbinsihin pa.
Ang trabaho ko ay ang patahimikin ang mga pagdududa ko sa sarili tungkol sa pagpapahayag ng Magandang Balita at ibahagi lamang…
Nawala Sa Nakaraan
Minsan, nagalit si King Yeojo (1694-1776) ng Korea sa korapsyon sa kaharian niya kaya nagpasya siyang baguhin ang mga bagay-bagay. Ipinagbawal niya ang tradisyonal na sining ng pagbuburda ng gintong sinulid dahil masyado iyong maluho. Hindi nagtagal, nawala na sa nakaraan ang kaalaman tungkol sa masalimuot na prosesong iyon.
Noong 2011, gusto ni Professor Sim Yeon-ok na ibalik ang nawalang…
Tumayo Para Sumayaw
Sa isang sikat na video, makikita ang matandang babae na nakaupo sa wheelchair. Dati siyang sikat na mananayaw ng ballet, si Marta Gonzalez Saldaña na ngayon ay may Alzheimer’s disease.
Pero may kakaibang nangyari nang tugtugin sa kanya ang Swan Lake ni Tchaikovsky. Habang tumutugtog iyon, mabagal na tumaas ang mahihina niyang kamay; at sa tunog ng unang trumpeta, nagsimula siyang…
Bawiin Ang Panahon
Ikinuwento sa akin ng nanay ko kung paanong nagpasya siyang hindi na mag-aral ng kolehiyo para magpakasal sa tatay ko nung 1960s, pero hindi nawawala sa kanya ang pangarap niyang maging guro sa home economics. Pagkatapos magkaroon ng tatlong anak, kahit wala siyang diploma sa kolehiyo, naging nutrionist aide siya para sa health system ng Louisiana. Nagluluto siya ng mga masusustansyang pagkain—parang guro…
Maliliit Na Asong-gubat
Hindi nagkasya ang tsaa ng piloto sa cupholder, kaya pinatong niya iyon sa mesa sa gitna. Nang mauga ang eroplano, tumapon ang inumin sa control panel, at namatay ang makina. Na-divert ang flight at ligtas na nakapag-landing, pero nang maulit iyon sa isang crew ng ibang airline matapos ang dalawang buwan, nalaman ng nag-manufacture na may problema. $300 milyon ang halaga ng eroplano, pero sobrang…
Naghahanda Ng Lugar
Pinaplano ng pamilya namin na kumuha ng isang tuta, kaya ilang buwang nag-research ang anak kong 11 anyos. Alam niya kung ano ang dapat kainin ng aso at kung paano ito ipapakilala sa bagong bahay—kasama ng iba pang napakaraming detalye. Kaya maingat naming inihahanda ang isang kuwarto. Sigurado akong marami pang magiging sorpresa habang inaalagaan namin ang aming bagong tuta, pero…
Salamat Na Lang
Isang Christian na eskuwelahan para sa mga batang may autism ang nakatanggap ng malaking donasyon mula sa isang kompanya. Matapos makita na walang kalakip na kondisyon doon, tinanggap nila ang pera. Pero hindi nagtagal, humiling ang kompanya na magkaroon sila ng kinatawan sa school board. Ibinalik ng direktor ng eskuwelahan ang pera. Ayaw niyang makompromiso ang mga pinapahalagahan ng paaralan. Sinabi niya,…
Hindi Kailangan Ng Formula
Noong bata pa si Jen, nagturo ang guro niya sa Sunday school ng paraan ng pagbabahagi ng Mabuting Balita, kasali doon ang pagkabisa ng ilang talata at isang formula kung paano iyon gagawin. Kinakabahan man, sinubukan nila ito ng kaibigan niya sa isa pa nilang kaibigan. Natakot sila na baka may malimutan silang importanteng talata o hakbang. Hindi na maalala ni Jen…
Katarungan at Si Jesus
Gusto ni Caesar Augustus (63 BC-AD 14), na unang emperador ng Roma, na makilala bilang pinunong nagpapatupad ng batas at kaayusan. Kahit itinayo niya ang emperyo gamit ang pang-aalipin, panananakop, at panunuhol, ibinalik niya ang ilang angkop na prosesong legal at hustisya.
Nagpasensus din si Caesar kaya nagpunta sina Maria at Jose sa Bethlehem at ipinanganak doon ang hinihintay na…
Kasali Ang Mga Kulugo
Noong ika-17 siglo, kinaugalian na ng mga importanteng tao ang pagpapakita ng kanilang larawan. At hindi kakaiba kung iiwasan ng pintor ang mga di-magagandang aspeto ng mukha ng isang tao. Pero si Oliver Cromwell na kilala bilang “protektor ng bansang England,” ayaw ng larawan na mambobola lang. Binalaan niya ang pintor, “Dapat ipinta mo kung ano talaga ang itsura ko—kasali…