Pagtutulungan
Kalaro ng basketbol ang mga kaibigang babae nang naisip ni Amber na makikinabang ang kanilang pamayanan kung mayroong liga ng basketbol na pambabae. Kaya itinatag niya ang ‘Ladies Who Hoop,’ isang organisasyong nagnanais mapaunlad ang pagtutulungan at maging pakinabang rin sa susunod na henerasyon.
Layon nila na tulungan ang mga kababaihan, bata man o hindi, na magkaroon ng tiwala sa sarili…
Kasama Natin Sa Libis
Tiyahin si Hannah Wilberforce ni William Wilberforce (isang taga Britanya na nagsulong noon na wakasan na ang ‘slavery’ o pang-aalipin sa Britanya). Nang malapit nang pumanaw si tiya Hannah, sumulat ito ng liham kung saan nabanggit niya na narinig niya ang pagpanaw ng isa sa kapatid sa Panginoon.
Sinabi niya, “Masaya ang taong yumao at nagtungo na sa langit. Kapiling na…
Saan Man Sumamba
Nakakalungkot. Hindi na naman ako nakapagsimba sa simbahan namin dahil sa matinding sakit ng ulo at iba pang sakit ng katawan. Nanood na lang ako ng pangangaral na nasa ‘internet’ pero sa simula, mabigat ito sa loob ko. Idagdag pa na masakit kasi sa mata at tainga ang pinanonood kong ‘video’. Pero nang inawit ang isang pamilyar na kanta, naiyak na…
Ang Paghina sa Pagtanda
Nagsimula sa pangangati ng lalamunan. Nauwi sa trangkaso. Pero simula pa lang pala ito ng ‘bronchial affliction’ (paghihirap sa daanan ng hangin sa baga). Ang trangkaso naging ‘whooping cough’ (ubong tuyo) at kinalaunan naging pulmonya.
Walong linggong pag-ubo na parang binabasag ang dibdib natauhan ako. Kahit hindi ko pa itinuturing ang sarili ko na matanda na, pero alam kong doon na ako patungo:…
Ano’ng Iyong Pangalan?
May nagsabi na sa buhay, mayroon daw tayong tatlong pangalan: pangalang bigay ng mga magulang natin, bigay sa atin ng ibang tao (reputasyon), at bigay natin sa ating sarili (karakter). Mahalaga ang mga pangalang bigay ng ibang tao: “Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan, kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan” (Mga Kawikaan 22:1 MBB). Ngunit kahit mahalaga ang…
Pagtitiwala, Nagbibinata’t Nagdadalaga
Ang pagdadalaga at pagbibinata ang isa sa pinakamahirap na panahon sa buhay – para sa magulang at sa anak. Dahil gusto kong makilala bilang ako na hiwalay sa nanay ko, tahasan kong tinanggihan ang mga pinahahalagahan niya at sinuway ko ang mga panuntunan niya sa paghihinalang layunin ng mga ito na pahirapan lang ako.
Matagal na namin napagsang-ayunan ang mga…
Ang Iyong Kailangan
Nakaupo ako sa aming hapag-kainan, habang pinagmamasdan ko ang aking mga kamag-anak. Masaya ang lahat sa muli naming pagsasama-sama. Sina tita, tito, ang mga pinsan at mga pamangkin ko. Pero, bigla ko lang naisip, “ako lang ang nag-iisang babae dito na wala pang anak at wala pang sariling pamilya.”
Marami sa mga tulad kong dalaga ang nag-iisip ng ganito. Lalo…
Magbago
Sa siyudad ng Mysore sa bansang India, mayroong dalawang bagong gawang silid-aralan na yari sa bagon ng tren. Nakipagtulungan ang mga guro sa South Western Railway Company upang mabili at maisaayos ang mga sirang bagon. Isa lamang malaking kahon ng bakal at hindi maaaring magamit ang mga bagon. Kaya naman, naglagay ang mga manggagawa ng hagdan, electric fans, ilaw, mga…
Kaluwalhatian
Isinulat ni Washington Irving ang librong “The Legend of Sleepy Hollow.” Tungkol ito sa gurong si Ichabod Crane, na gustong pakasalan ang dalagang si Katrina. Ngunit isang gabi, nakasalubong ni Ichabod, ang mangangabayong walang ulo na namamalagi sa lugar. Sa takot ni Ichabod, mabilis siyang tumakas sa lugar. Subalit, nalinaw naman sa mga mambabasa na ang kalaban ni Ichabod sa panliligaw…
Limitado
Nakaupo ako sa food court ng isang mall, nang maisip kong napakalimitado lamang talaga natin, limitado tayo sa oras, lakas at kakayahan. Maraming tao ang nagmamadali dahil sa kani-kanilang mga trabaho. Katulad ko rin silang dahil sa dami ng trabahong dapat tapusin, ngayon lang kakain.
Kaya, naisip kong gumawa ng listahan ng dapat unahin at kailangan kong gawin. Pero sa pagkuha…