Month: Disyembre 2018

Ang Pera

Noong bago pa lang ako sa aking trabaho, may nag-alok sa akin ng ibang trabaho na mataas ang suweldo. Makikinabang nang malaki ang pamilya ko kapag tinanggap ko iyon pero hindi naman ako naghahanap ng ibang trabaho. Gusto ko ang aking trabaho dahil napaglilingkuran ko ang Panginoon sa pamamagitan nito. Kahit ganoon, pinag-iisipan ko pa din ang malaking susuwelduhin.

Tinawagan ko…

Manalangin

Madalas na ginagamit ng Dios ang ating pananalangin sa pagsasakatuparan ng mga nais Niyang gawin. Makikita natin ito nang ipinangako ng Dios sa propetang si Elias na magpapadala Siya ng ulan para matigil na ang tagtuyot na tumagal nang tatlo at kalahating taon (Santiago 5:17). Kahit ipinangako ng Dios na darating na ang ulan, idinalangin pa din ito ni Elias. Umakyat…

Hampas ng Kaibigan

Si Charles Lowery ay manunulat sa isang magasin. Idinaing niya sa kanyang kaibigan ang pananakit ng kanyang likod. Inasahan niyang maaawa ang kanyang kaibigan pero ganito ang sinabi nito sa kanya: “Sa palagay ko’y hindi likod ang problema mo kundi tiyan. Sa sobrang laki ng tiyan mo, nahihirapan na ang likod mo.”

Isinulat ni Charles sa isang magasin na sinikap niyang…

Tagapagpala kas ng Loob

Ang kantang If We Make It Through December ay tungkol sa isang lalaking natanggal sa trabaho at walang pambili ng papasko para sa kanyang anak. Bagamat masaya ang mga tao kapag nalalapit na ang Pasko, nalulungkot naman ang lalaki.

May mga nararamdaman tayong lungkot o panghihina ng loob sa buong taon pero kung mararanasan natin ito sa buwan ng Disyembre, mahirap…

Dinig sa Paligid

Ang Walt Disney Studios ang kauna-unahang gumamit ng tinatawag na stereophonic sound. Sa ganitong paraan, hindi lang sa isang direksyon nagmumula ang tunog kundi naririnig ito sa buong paligid.

Noong panahon ng Lumang Tipan ng Biblia, may gumawa na nang ganoong paraan para ang tunog ay hindi lang sa isang direksyon nanggagaling. Nang ipagpapasalamat na ng mga Israelita sa Dios ang…

Nagkakaisa

May nakita akong leon, tigre at oso na magkakalaro. Hindi pangkaraniwan ang ganoon pero nangyayari iyon araw-araw sa Noah’s Ark Animal Sanctuary. Isang lugar ito kung saan inaaruga ang mga hayop. Noong 2001, kinupkop sa lugar na iyon ang tatlong hayop na iyon. Dahil parang isang pamilya sila nang dalhin doon, hindi na sila pinaghiwalay. Noong panahong hindi maganda ang pagtrato…

Maging Mabait

Noong bata pa ako, gustung-gusto kong basahin ang mga librong isinulat ni L. Frank Baums na Land of Oz. Minsan, binasa ko uli ang Rinkintik in Oz. Mabait at mapagpakumbaba si Haring Rinkintik. Nakakatawa nga lang ang kanyang mga ginagawa. Sinabi ng isang batang prinsipe na si Inga na mabait at mahinahon si Haring Rinkintik. Mas mabuti daw iyon kaysa sa…

Ilaw na Pampasko

Taun-taon, sa isang lugar sa Singapore na tinatawag na Orchard Road ay maraming makikitang makukulay na ilaw na pamPasko. Makikita ang mga ilaw na iyon, ilang linggo bago magPasko at pagkatapos ng Pasko. Inilalagay ang mga iyon doon para maakit ang mga turista na pumunta sa lugar na iyon at mamili sa mga tindahan doon. Marami ang pumupunta doon. Nasisiyahan sila…

Yaman sa Libingan

Si Antonio Caso ay dalubhasa sa pagsasaliksik ng mga sinaunang lungsod. Noong 1932, natuklasan niya sa bayan ng Monte Alban sa Mexico ang isang libingang tinatawag na Tomb 7. Sa loob nito ay maraming mga sinaunang gamit at mga alahas. Tinawag ito ni Caso na Kayamanan ng Monte Alban. Hindi siguro mailarawan ang tuwa sa mukha ni Caso nang hawakan niya…

Narinig at Isinagawa

Ang aking asawa ay nangangasiwa sa isang kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus. Isang gabi may tumawag sa kanya sa telepono. Dinala daw sa ospital ang isa sa mga babaing masipag manalangin sa kapulungan namin. Mga 70 taon na siya at nag-iisa lang sa bahay. Malubha ang sakit niya. Hindi na siya makakain at makainom. Hindi na din siya makakita at…