Rebolusyon
Ano nga ba ang nag-uudyok para magkaroon ng rebolusyon? Baril ba o bomba? Noong mga 1980s, ang mga kanta ang nagpasimula ng rebolusyon sa bansang Estonia. Dahil sa pagawit ng mga awiting makabayan na tinawag na “Singing Revolution,” natuldukan ang maraming dekadang pananakop sa kanila ng Soviet Union. Taong 1991 nang iproklama ang kanilang kalayaan.
Ayon sa isang website, ang…
Babala!
Noong tanghali ng Setyembre 21, 1938, nagbigay ng babala sa U.S. Weather Bureau ang meteorologist na si Charles Pierce na may paparating na malakas na bagyo sa New England. Hindi naman pinansin ng forecaster ang babalang ito. Ngunit pagsapit ng ika-4 ng hapon, tumama na ang bagyo sa New England. Maraming bahay ang napinsala at higit sa 600 katao ang…
Pinagmamalasakitan
Si Debbie ay nagmamay-ari ng isang negosyo na naglilinis ng mga bahay. Minsan, habang naghahanap siya ng mga bagong kliyente, nakausap niya sa telepono ang isang babae. Sinabi nito na hindi niya kayang bayaran ang serbisyo nila Debbie dahil kasalukuyan siyang nagpapagamot sa sakit na kanser. Dahil doon, pinasimulan ni Debbie ang isang organisasyon kung saan tumanggap sila ng mga…
Napalitan Ang Dalamhati
S ina Jim at Jamie Dutcher ay mga tagagawa ng pelikula at kilala sa kanilang kaalaman tungkol sa mga asong-lobo. Ayon sa kanila, kapag masaya ang mga asong-lobo, winawagayway ng mga ito ang kanilang buntot at nakikipaglaro. Pero kapag may namatay naman na isa sa kanilang grupo, ipinapakita nila ang kanilang pagdadalamhati sa pamamagitan ng pagbaba sa kanilang buntot at…
Pinunit Na Ang Kurtina
Habang nakasakay ako sa eroplano, hinawi ng flight attendant ang kurtina na naghahati sa mga first class na pasahero at sa mga ordinaryong pasahero na tulad ko. Ipinaalala sa akin nito na hindi ko mararanasan ang mga pribiliheyo na mayroon ang mga first class na pasahero na nagbayad ng mas mahal.
Makikita naman sa kasaysayan na mayroon na talagang paghahati-hati…
Manindigan
Nakatira si Adrian at ang kanyang pamilya sa isang bansa kung saan nakakaranas sila ng pag-uusig dahil sa kanilang pagsampalataya kay Jesus. Minsan, habang nakatayo si Adrian sa bakuran ng kanilang simbahan, sinabi niya, “Biyernes Santo ngayon. Inaalala natin ang paghihirap na dinanas ni Jesus sa krus para sa atin.” Nauunawaan ng mga mananampalataya sa lugar na iyon ang tungkol…
Ang Daan
Takip-silip noon at sinusundan ko ang kaibigan kong si Li Bao sa kanyang paghakbang habang umaakyat kami sa isang bundok sa China. Hindi ko makita ang tinatahak naming daan at masyado itong matarik. Hindi ko rin alam kung saan kami papunta at kung gaano pa ito kalayo. Gayon pa man, lubos ang tiwala ko sa aking kaibigan.
Parang katulad ko…
Hanap-hanapin Ang Dios
Nagsisilbing inspirasyon sa atin ang pagpapakita ng lubos na dedikasyon ng mga tao para makamit ang kanilang pangarap. May isa akong kakilala na natapos ang kanyang kolehiyo sa loob lang ng tatlong taon. Matinding dedikasyon ang kailangan para magawa iyon. May kaibigan naman ako na nagsumikap para mabili ang kotseng pinakamimithi niya.
Maganda naman na may inaasam tayong mga bagay…
Sumunod Sa Nais Ng Dios
Isa ang North Lawndale sa Chicago sa mga unang komunidad na may nakatirang iba’t ibang lahi. Bumibili ang mga Aprikanong-Amerikano ng mga bahay na nakapaloob sa kontrata. Dahil nakakontrata lamang ang mga bahay, maaaring mawalan ng tahanan ang isang bumili kapag hindi niya nabayaran ang buwanang upa rito. May ibang mapagsamanatala naman na pinauupahan ang mga bahay sa mataas na…