Month: Marso 2023

Kumikilos Ang Dios

Minsan, nagpasyang magkita ang mga taong galing sa iba’t ibang lugar upang ayusin ang alitan na mayroon sila. Habang nananalangin para maayos ang hindi pagkakaintindihan, biglang bumuhos ang malakas na ulan na para bang sumasang-ayon ang Dios sa kanilang desisyon. Dahil dito, mas naramdaman nila na kasama nila ang Dios para magbigay ng kapatawaran at isaayos ang kanilang kaguluhan.

Sa…

Ang Pagpuna Ng Dios

Matagal nang nagtatrabaho ang aking ama sa pagwawasto sa mga nakasulat sa libro. Hindi lamang para humanap ng mali kundi para maging maayos at malinaw sa mga mambabasa ang isang libro. Napansin ko rin na mabait ang aking ama sa kanyang pagwawasto. Sa halip na kulay pulang tinta ang gamit niya sa pagmamarka ng mali, ginagamit niya ang kulay berde.…

Makapangyarihan Ang Panalangin

Naranasan mo na ba ang mapagod sa isang bagay kahit gusto mo iyong gawin? Naranasan ko iyon. Ako kasi ang nag-aalaga sa aking nanay na may sakit na kanser. Inaasikaso ko ang kanyang pang araw-araw na pangangailangan, hanggang sa dumating ang panahon na unti-unti akong napagod at nagpadala sa kalungkutan. Pero kung magpapadala ako sa mga nararamdaman kong ito, paano…

May Plano Ang Dios Sa Buhay Mo

Ang werewolf mouse ay isang hayop na maliit pero malakas. Gumagawa ito ng mga matitinis na ingay na nagpapahiwatig na pag-aari nila ang isang lugar. Walang anumang insekto o hayop ang sumusubok na kalabanin sila maliban na lang sa mga alakdan.

Laging handa ang mga werewolf mouse sa maaaring mangyari laban sa mga alakdan; dahil sa paulit-ulit na labanan, nasasanay na ang…

Si Jesus Lamang

Sa isang palabas sa telebisyon na tinatawag na America’s Got Talent, masayang umawit ang isang bata. At dahil sa kanyang ipinakitang paraan ng pagtatanghal, pinuri siya ng isang hurado. Sinabi ng hurado “Parang nakikita ko sa’yo si Shirley Temple, masaya rin kasi siya kung magtanghal.” Sumagot naman ang bata, “Hindi po si Shirley Temple, kundi si Jesus.”

Mababasa naman sa…