Month: Disyembre 2023

Ang Kompas Ng Dios

Noong World War II, junior engineer si Waldemar Semenov at sakay siya ng SS Alcoa Guide. Minsan, noong malapit-lapit na sila sa baybay ng North Carolina, isang German submarine ang lumutang at pinaputukan sila. Tinamaan ang barko, nagkasunog, at nagsimula iyong lumubog.

Ibinaba nila Semenov at ng mga kasama niya ang mga lifeboat at ginamit ang kompas para makapaglayag sila sa linya ng barko. Pagkatapos…

Huwag Matakot

Sa sikat na comics na Peanuts, kilala si Linus sa kanyang asul na kumot. Dala niya iyon palagi at hindi siya nahihiyang aminin na kailangan niya iyon para maging komportable siya. Ayaw naman ng kapatid niyang si Lucy sa kumot at madalas nitong alisin iyon. Ibinabaon nito sa lupa ang kumot, ginagawang saranggola, at ginagamit sa science project. Alam din ni…

Inalala Sa Panalangin

Sa isang malaking simbahan sa Africa, lumuhod ang pastor at dumalangin sa Dios. “Alalahanin N’yo kami!” Sumagot ang mga tao na nag-iiyakan, “Alalahanin N’yo kami, Panginoon!” Habang pinapanood ito sa YouTube, nagulat ako kasi naiyak din ako. Ni-record ang dasal ilang buwan na ang nakakaraan. Pero ipinaalala niyon ang panahon noong naririnig ko ang pastor namin na tumatawag sa Dios nang…

Magaling Ang Ginawa Mo!

Natalo ang eskuwelahan kung saan football coach ang anak ko. Sobrang tindi ng labanan na iyon at dalawang taon nang walang nakakatalo sa kalaban nila. Nag-text ako kay Brian para ikonswelo siya at nakatanggap ako ng sagot niya: “Lumaban ang mga bata!”

Walang coach na namahiya sa mga manlalaro pagkatapos ng laro. Walang nanigaw sa kanila dahil sa mga maling desisyon nila.…

Magandang Pagkabasag

Nagpunta kami sa isang archeological site sa bansang Israel. Pinaliwanag ng direktor sa lugar na kahit anong mahukay namin ay hindi pa nahawakan ninuman sa loob ng libong mga taon. Habang naghuhukay ng mga basag na piraso ng palayok, pakiramdam namin ay nahawakan namin ang kasaysayan. Pagkatapos ng mahabang oras, dinala kami sa lugar kung saan ang mga basag-basag na piraso…