
SINO BA AKO?
Nabuhay si Robert Todd Lincoln sa ilalim ng anino ng ama niyang si Abraham Lincoln, ang pinakamamahal na presidente ng Amerika. Kahit pa matagal nang pumanaw ang ama, nilamon pa rin ang pagkakakilanlan ni Robert ng kasikatan ng ama. Sabi ni Nicholas Murray Butler, kaibigan ni Robert, madalas daw sabihin ni Robert, “‘Di nila ako gusto bilang kalihim pandigma; gusto…

DIOS NG LAHAT NG ARAW
Hindi matagumpay ang operasyon ni Joan kaya sasailalim ulit siya sa isa pa paglipas ng limang linggo. Sa pagdaan ng mga araw, lalong lumaki ang pangamba niya. May edad na kasi silang mag-asawa at nasa malayo ang pamilya nila. Kailangan nilang magmaneho papunta sa isang lungsod na bago sa kanila. Kailangan din nilang alamin ang masalimuot na sistema ng ospital…

PINALAYA MULA SA PAGKAALIPIN
Minsan, nakita ng isang mag-aaral sa ikaanim na baitang na hinihiwa ng kamag-aral niya ang sariling braso gamit ang maliit na labaha. Dahil gusto niyang gawin ang mabuti, kinuha niya ang patalim at agad itinapon. Laking gulat niya nang patawan siya ng sampung araw na suspensyon. Bakit kamo? Saglit kasi niyang hawak ang labaha, at bawal iyon sa paaralan. Tinanong…

MAGKASAMA KAHIT MAGKAIBA
Tagasuri ng negosyo si Francis Evans. Minsan, inaral niya ang 125 na ahente ng insurance para alamin ang sikreto ng kanilang tagumpay. Nagulat siya sa napag-alaman niya.
Hindi masyadong mahalaga ang galing. Pinipili ng mamimili ang ahenteng kapareho nila ng pinag-aralan, taas, at paninindigan sa pulitika. Tinatawag na homophily ang ugaling ito, kung saan mas pinipili natin ang mga taong…

LIBONG TULDOK NG LIWANAG
Umaakit ng maraming turista taun-taon ang Dismals Canyon, isang lambak sa hilagang-kanluran ng Alabama sa Amerika. ‘Pag buwan ng Mayo at Hunyo kasi napipisa ang mga uod ng gnat (isang insektong parang lamok) at nagiging glowworm. Sa gabi, nagbibigay ang mga ito ng matingkad na asul na liwanag. Kahanga-hanga ang gandang nabubuo ng libu-libong glowworm!
Hindi nga ba’t parang glowworm din ang…