Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Ibigay Nang Buo

Ipinangako nina Warren Buffet, Bill at Melinda Gates na ibibigay nila ang kalahati ng kinita nila bilang donasyon sa itinayo nilang Giving Pledge. Halos 92 bilyong dolyar na ang kanilang ibinigay noong taong 2018. Dahil doon, nagsiyasat ang psychologist na si Paul Piff tungkol sa pagbibigay ng donasyon. Ayon sa pag-aaral niya, mas malaki nang 44% ang ibinibigay na pera ng…

Magsanay Ka

Minsan, tinutulungan ko ang aking anak na sagutan ang kanyang takdang-aralin sa mathematics. Pinapaulit-ulit ko na pasagutan sa kanya ang iisang tanong para makabisado niya kung paano ito sagutan. Dahil sa paulit-ulit na pagsasagot, sinabi niyang “Alam ko na po!” Napagod na siguro siya. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na sa patuloy nating pagsasanay, matututunan natin ito nang buong puso.…

Sandaling Tumigil

Madalas, tumutugtog ang isang banda kapag sasapit na ang pagbagsak ng snow sa Amerika. Sinabi ng isang miyembro ng banda “Tuwing nakakakita kami ng bumabagsak na snow, “Napapatigil ang mga tao dahil sa pagkamangha sa mga nakikita nilang snow. Sa unang pagbagsak ng snow, nakararamdam ang mga tao ng bagong simula.

Kung makikita natin ang unang pagbagsak ng snow, mapapatigil din…

Magbasa Ka

Isang manunulat si Etty Hillesum noong panahon na sakupin ng mga taga-Germany ang lugar ng Amsterdam. Isinusulat niya ang kanyang mga karanasan ganoon din ang mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Kasama sa mga naisulat ni Etty ang kahirapang pinagdaanan niya, ganoon din ang magagandang bagay na nangyari sa kanya katulad ng kanyang naging karelasyon, mga nakilalang mga kaibigan at ang…

Pananalangin

Ang pagpikit natin sa ating mga mata ang isa sa mga dapat ginagawa habang nananalangin. Kaya naman, nang makita ni Kaitlyn si Logan na nakadilat ang mga mata habang nananalangin sa hapag sinabi niya “Nanalangin din po ako para kay Logan dahil nakabukas po ang mata niya noong nagdarasal tayo.”

Ang pagiging bata ni Kaitlyn ay hindi naging hadlang para…

Huwag Kang Manghimasok

Minsan, nang umakyat kami ng anak ko sa bundok, may nakita kaming malaking usok na nangagaling sa ‘di kalayuan. Dahil sa pagtataka, pinuntahan namin ito. Nakakita kami ng isang badger, isang uri ng hayop na mukhang daga; may hinuhukay itong kung ano sa ilalim ng lupa.

Para kunin ang pansin ng badger, itinulak ko ito gamit ang manipis na kawayan.…

May Dahilan

Minsan, nawala ang pinakamahal na kabayo ni Sai Weng. Pero hindi siya nakaramdam ng paghihinayang at sinabi niya “Baka naman mas makabubuti ito para sa akin.” Lumipas ang ilang araw, bumalik ang nawalang kabayo at may kasama pa itong isang kabayo. Dahil dito, nagsaya ang mga kaibigan ni Sai Weng habang siya naman ay nag-iisip na baka may mangyaring masama…

Pagkilala Sa Ama

Isang sikat na tagakumpas si Sir Thomas Beecham sa England. Minsan may kumalat na kuwento na nakakita raw siya ng isang babae sa hotel. Pakiramdam ni Thomas kilala niya ang babae pero hindi niya maalala ang pangalan nito.

Kaya naman, nilapitan at kinausap niya ang babae. Habang nag-uusap sila, naalala ni Thomas na parang may kapatid na lalaki itong kausap…

Kasama Mo Ang Dios

Minsan, naglilinis ako sa aming hardin nang may nakita akong dikit-dikit na damo. Kaya naman, binunot ko ang mga ito; nagulat ako dahil muntik ko nang maisama sa pag bunot ang isang makamandag na ahas. Napakalapit nito sa akin at maaari talaga akong matuklaw. Dahil sa pangyayaring ito, naisip ko kung ilang beses na kaya akong inililigtas ng Dios sa…

Magpursigi Hanggang Dulo

Matagal nang panahon na ninanais ng mga Keliko, isang tribo sa bansang South Sudan, na magkarooon ng sariling Biblia sa kanilang wika. Kaya naman, pangahas na sinimulan ito ng lolo ni Bishop Semi Nigo ang pagsasalin ng Biblia.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naantala ito dahil sa giyera. Ang mga giyera ang naging balakid para hindi matapos ang pagsasalin ng…