Tungkulin – Sa Akin at Sa Dios
Naatasan ang kaibigan kong si Janice na maging manager ng departamento nila. Nalula siya sa responsibilidad dahil ilang taon pa lang siya sa kumpanya. Nanalangin siya sa Dios at pakiwari niya, nais ng Dios na tanggapin niya ang bagong tungkulin sa kanya – pero may takot pa rin siya na baka hindi niya ito kayanin. Sabi niya sa Dios: “Paano…
Maligayang Araw Ng Pasasalamat
May isang pag-aaral ang psychologist na si Robert Emmons kung saan hiniwalay sa tatlo ang mga kalahok at pinagsulat sila ng lingguhang talaan. Sa unang grupo – limang bagay na kanilang ipinagpapasalamat. Sa ikalawang grupo – limang abala sa araw-araw. Sa huling grupo – limang pangyayari na nagkaroon ng epekto sa kanila sa maliit na paraan. Makikita sa resulta ng pag-aaral…
Ang Salita Ng Dios
Sumisikat na komedyante si Stephen, at isang tumalikod sa Dios. Lumaki siya sa isang Cristiyanong pamilya pero napuno siya ng pagdududa nang namatay ang tatay at dalawang kapatid niya. Naaksidente ang eroplanong sinasakyan ng mga ito. Iniwan niya ang pananampalatayang kinagisnan noong mahigit dalawampung taong gulang lang siya. Pero isang gabi sa malamig na kalye ng Chicago, may nagbigay sa…
Pagpipigil Sa Sarili
Sinimulan ang pag-aaral na tinatawag na marshmallow test noong 1972 para suriin ang kakayahan ng mga bata na ipagpaliban ang pagpapasaya sa sarili. Binibigyan ang mga bata ng isang marshmallow at sinasabihang kung hindi nila ito agad kakainin, bibigyan sila ng isa pang marshmallow pagkatapos ng sampung minuto.
Sinusuri dito kung kaya ng mga batang ipagpaliban ang pansariling kasiyahan. Isa sa tatlong bata…
Mga Ibon Sa Himpapawid
Isang araw sa tag-init, habang tumataas ang sikat ng araw, nakangiting sumenyas sa akin ang isang kapitbahay at tinuro ang wind chime sa balkonahe ng bahay nila. May isang maliit na pugad ng ibon pala doon na may dalawang maliliit na ibon.
“Hinihintay nila ang nanay nila,” sabi ng kapitbahay. Pinagmasdan namin sila at itinaas ko ang aking cellphone para kumuha ng…
Para Sa Magandang Bukas
Halos tatlongdaang Grade 7-12 ng maliit na bayan ng Neodesha, Kansas ang dumalo sa biglaang pagtitipon sa paaralan. Naghalo ang gulat at galak nila sa narinig: may isang mag-asawa na may koneksyon sa Neodesha ang magbabayad ng matrikula sa kolehiyo ng bawat mag-aaaral ng Neodesha sa loob ng dalawampu’t-limang taon.
Maraming pamilya sa Neodesha ang naghihirap at hindi alam paano tutustusan…
Dalamhati at Pasasalamat
"Mabait sa akin ang nanay mo. Sayang siya ang namatay imbes na ako." Ito ang sabi ng isang kapwa niya may cancer nang namatay ang nanay ko.
“Mahal ka ni nanay. Dasal namin na sana masubaybayan mo ang paglaki ng iyong mga anak.” Nag-iyakan kami at habang hawak ko ang kamay niya, hiniling ko sa Dios na bigyan siya ng kapayapaan…
Tahanan Ng Ating Puso
Isang tag-init, nawalay si Bobbie the Wonder Dog sa pamilya habang nagbabakasyon higit 2,200 milya mula sa bahay nila. Hinanap ng pamilya si Bobbie, alagang pinakamamahal, pero umuwi silang sawi.
Lumipas ang anim na buwan, tungo na sa dulo ng taglamig, bumungad ang isang buto’t-balat, gusgusin at determinadong Bobbie sa pintuan nila sa Silverton, Oregon. Malayo at delikado ang nilakbay ni…
Pagkilala Sa Nasa Salamin
“Sino ang nasa salamin?” Tanong ito sa mga bata ng mga dalubhasang nagsusuri ng pagkilala sa sarili. Madalas hindi nakikilala ng mga batang wala pang labingwalong buwan ang sarili sa salamin. Sa paglaki ng bata, naiintindihan nila na sarili ang tinitingnan nila sa salamin. Isa itong mahalagang patunay na lumalaki nang maayos ang isang bata.
Mahalaga rin ito sa mga…
Tingnan Ang Bunga
“Maaari bang tumayo ang tunay na [pangalan ng tao]?” Ito ang sikat na linya sa dulo ng palabas sa telebisyon na To Tell the Truth (Ang Magsabi ng Totoo). Sa palabas na ito, may apat na sikat na tao ang nagtatanong sa tatlong tao na parehong nagsasabing sila si (pangalan ng tao). Huwad ang dalawa at kailangang matukoy ng grupo kung…