Alagaan
Minsan, habang lumalangoy ang isang marine biologist sa Cook Islands sa karagatang Pasipiko, bigla siyang inipit ng isang malaking balyena sa palikpik nito. Akala ng babae ay katapusan na ng buhay niya. Pero pinakawalan siya ng balyena matapos itong lumangoy nang paikot. Doon nakita ng babae na may isang pating na papalayo sa kinaroroonan niya. Naniniwala siya na prinotektahan siya ng…
Palakasin Ang Loob
Kinakikitaan ng tapang at dedikasyon ang mga unang rumeresponde sa panahon ng mga sakuna. Nang pasabugin ang World Trade Center sa New York City noong 2001 kung saan napakarami ang nasawi at nasugatan, mahigit 400 na mga emergency worker ang namatay rin dahil sa pagsagip sa mga biktima. Upang parangalan ang mga unang rumespondeng ito, itinalaga ng senado ng Amerika ang…
Nakakamanghang Kapangyarihan
Habang nangangabayo sa disyerto ng Chihuahua noong 1800, nakakita ng kakaibang puting usok na umiikot paitaas si Jim White. Dahil inakala niyang isang napakalaking sunog ito, agad siyang lumapit dito. Isa palang malaking grupo ng mga paniki na nagmumula sa isang butas sa lupa ang inakala niyang usok. Ang napuntahan pala ni White ay ang Carlsbad Caverns ng New Mexico,…
Kawangis Ng Dios
Pinanganak na kulang ng mga daliri o magkakadikit ang ibang daliri sa parehas na mga kamay ng choir director na si Arianne Abela. Wala rin siyang kaliwang binti at kulang rin ang mga daliri sa kanang paa niya. Dahil sa kondisyon niya, lumaki si Arianne na inuupuan ang mga kamay niya para itago ang mga ito. Mahilig sa musika at isang…
Nakatatak Sa Puso
Nagbukas sa pag-unlad sa larangan ng komunikasyon ang pagkakaimbento ni Johannes Gutenberg ng aparato sa pag-iimprenta noong 1450. Lumawak ang kaalaman ng mundo sa pagbasa at pagsulat dahil maraming nailimbag na mga aklat tungkol sa relihiyon at lipunan. Si Gutenberg ang gumawa ng pinakaunang nailimbag na Biblia. Bago pa man maimbento ang pag-iimprenta, maingat at matiyagang isinusulat ng mga eskriba…
Magtulungan
Kasali ang aking asawa sa isang laro na ginanap sa isang malawak na palaruan. Nang sasaluhin na niya ang bolang papalapit sa kanya, nabunggo siya sa bakod ng palaruan. Nang gabing iyon, inabutan ko siya ng yelo upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang balikat.
Tinanong ko rin siya kung kumusta na ang pakiramdam niya. Sabi niya, “Maiiwasan…
Kaloob Ng Dios
Alas-dos pa lang ng umaga ay gising na si Nadia para manghuli ng mga sea cucumber. Hindi niya alintana ang paggising ng maaga. Sinabi niya na napakahirap ng buhay niya noon at wala siyang mapagkunan ng panggastos. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maging kasapi sa proyektong nangangalaga sa mga yamang dagat na kanyang…
Bigo Muli
Noong nagtuturo pa ako sa pulpito, may mga araw ng Linggong tila nanghihina ang kalooban ko. Sa mga nakaraang araw kasi, bigo akong maging mabuting asawa, ama, at kaibigan. Pakiramdam ko, nararapat na maging malinis at maayos ang pamumuhay ko bago ako muling maging kagamit-gamit sa pagtuturo tungkol sa Panginoon. Matapos kong magturo, muli akong nangangakong mamumuhay nang mas maayos…
Nauunawaan Niya Tayo
Bagong lipat pa lamang sila Mabel sa kanilang lugar kaya nag-aatubili ang pitong taong gulang niyang anak na si Ryan na maghanda sa summer camp sa bago niyang eskuwelahan. Pinalakas naman ni Mabel ang loob ng kanyang anak at sinabi rito na nauunawaan niya na mahirap talaga para sa anak ang mga pagbabagong hinaharap nito dulot ng kanilang paglipat. Ngunit isang…
Ipahayag Siya
Isang araw, habang nagtatabas ng damo sa bakuran ng simbahan si Melvin ay nakita niya si Brittany. Tila isa itong prostitute. Pinukaw ng Banal na Espiritu ang puso ni Melvin para kausapin si Brittany at ipinahayag sa kanya ang dakilang pag-ibig ng Dios. Niyaya rin niya ito sa pagsamba. Sinabi naman ni Brittany, “Nalalaman mo ba ang trabaho ko? Hindi…