ANG KAHULUGAN NG BUHAY
May maiksing kuwento ni Jorge Luis Borges na isang manunulat na taga Argentina. Tungkol ito kay Marcus Rufus – isang sundalong Romanong umiinom mula sa isang sikretong ilog para maging imortal. Paglipas ng panahon, napagtanto niyang nawalan ng kabuluhan ang buhay niya nang nawalan ng limitasyon. At ang kamatayan ang nagbibigay ng kahulugan sa buhay. Nakahanap ng lunas si Marcus…
NARINIG KO ANG MGA KAMPANA
Hindi karaniwang kantang pampasko ang “Narinig Ko ang mga Kampana Noong Pasko” na hango sa tula ni Henry Wadsworth Longfellow noong 1863. Imbes na tulad ng nakasanayang saya at tawanan, panaghoy ang mga letra ng awit: “Sa kawalan ng pag-asa niyuko ko na lang ang ulo ko. Sabay sabing walang kapayapaan sa mundo. Kinukutya ng labis-labis na poot ang awiting.…
PAGKAPIT SA MABUTI
Ipinaparada namin ang kotse malapit sa isang malawak na bukid na di-kalayuan sa bahay namin. Kadalasan may mga cockleburs (halamang kahawig ng butonsilyo o daisy) na kumakapit sa damit, sapatos, bag, at katawan sa pagtahak namin sa bukid na ito para makauwi sa bahay, lalo na kung panahon ng taglagas. Paraan ito ng kalikasan para isaboy ang buto ng cockleburs sa bukid…
Pagtakbo Tungo Sa Kanlungan
Nagaganap na ang basketbol ng mga koponan ng mag-aaral sa ika-anim na baitang. Ganado ang hiyaw at palakpak ng mga magulang at mga lolo at lola sa gym sa paaralan. Ang mga nakababatang kapatid naman masayang naglilibang sa pasilyo ng paaralan. Pero nagulat ang lahat nang biglang may malakas na tunog at ilaw na babala. Dali-daling bumalik sa gym ang mga kapatid…
Pagaanin Ang Pasanin
Kakabuo pa lang ng grupo para sama-samang mag-aral ng Biblia pero naging malalim agad ang pagbabahagi namin ng buhay namin sa isa’t isa. Sunud-sunod kasi ang trahedyang hinarap ng mga kasapi. May nawalan ng ama, may hinarap ang pagdating ng araw ng anibersaryo ng kasal makatapos ang paghihiwalay, may nanganak ng sanggol na bingi, may isinugod sa ospital ang anak.…
Pagpapalakas Ng Loob
Dinala ni Maria ang tanghalian niya sa bakanteng mesa. Nang kakagat na siya sa tinapay, nagkatinginan sila ng isang batang lalaki na nakaupo ilang mesa ang layo sa kanya. Madumi ang damit nito, magulo ang buhok, at may hawak na basong gawa sa papel na walang laman. Halata sa hitsura ng lalaki na gutom siya. Paano makakatulong si Maria? Baka…
Paghabol Ng Dios
Ilang taon na ang nakalipas nang mangyari ito. May isang lalaki na naglalakad sa unahan ko. Hindi masyadong malapit pero tanaw ko pa ang lalaking maraming dala-dala habang naglalakad. Bigla siyang napatid at nalaglag ang mga dala niya. Tinulungan naman siya ng ilang tao sa paligid na pulutin ang mga nalaglag na gamit. Pero hindi pala nila napansin ang pitaka…
Dakilang Pag-asa
Sa isang abalang araw bago ang kapaskuhan, may isang matandang babaeng pumasok sa mataong tanggapan ng koreo sa lugar namin. Habang mabagal siyang naglalakad, magiliw siyang binati ng pasensyosong kawani, “Kamusta sa’yo, batang babae!” Maaaring may ibang magsasabi na mas mabuting sabihin ang “mas bata.”
May kuwento sa Biblia na makakapag-udyok sa ating panatilihin ang pag-asa hanggang sa kantandaan. Nang…
Araw-araw Umaasa Sa Dios
Isang Sabado ng umaga, maagang bumangon ang mga anak namin para maghanda ng almusal nila. Pagod kaming mag-asawa buong linggo kaya bumabawi kami ng tulog. Nang umagang iyon, bigla akong napabangon dahil sa malakas na kalabog mula sa baba. Nabasag pala nila ang malaking mangkok na ginagamit nila sa paghahanda ng almusal. Nakita ko ang anak naming limang taong gulang…
Paggawa Na May Pagmamahal
Si Dr. Rebecca Lee Crumpler (1831-95) ang kauna-unahang babaeng Aprikano-Amerikanong nagtapos ng pag-aaral para maging doktor. Pero malimit siyang hindi pinansin, minaliit, at itinuring na walang halaga. Kahit ganoon ang naranasan, nagpatuloy siyang tapat sa panggagamot para tuparin ang layunin niya.
Kahit may mga taong piniling sukatin ang pagkatao niya ayon sa kanyang lahi at kasarian, lagi siyang “may panibago…