Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Pag-ibig at Pagpapala

Noong 2015, ibinigay ng isang babae sa junk shop ang computer ng namatay niyang asawa na gawa pa noong 1976. Pero hindi nakadepende ang halaga nito sa kung anong taon iyon ginawa, kundi sa kung sino ang gumawa ng computer. Napag-alaman na isa pala ito sa mga unang ginawa ng may-ari ng kompanyang Apple na si Steve Jobs kaya nagkahalaga…

Dios ang Bahala

Naging masaya ang karanasan ng mag-asawang Nate at Sherilyn sa isang kainan na omakase sa New York. Ang omakase ay salitang Hapon na ang ibig sabihin ay “Ikaw na ang bahala.” Sa kainang iyon, hinahayaan ng mga customer na ang tagapagluto ang bahalang pumili ng kakainin nila. Kahit ngayon pa lang masusubukan ng mag-asawa ang pagkaing inihanda para sa kanila ng…

Apoy sa Paraiso

Tahimik ang lahat habang pinapanood nila ang pagdaloy ng lava at pagsira nito sa mga nadadaanang mga puno at halaman. Magkahalong pagkagulat at pagkamangha ang nasa mukha ng mga tao. Tinatawag nilang paraiso ang lugar na ito sa Puna, Hawaii pero ipinaalala sa kanila ng mga nagbabagang lava na nilusaw ng Dios ang islang ito sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan.…

Panalangin

“Walang kamatayan ang panalangin.” Ito ang agaw-pansin na mga salita ng manunulat na si E.M. Bounds. Dagdag pa niya, “Magsara man ang bibig ng nagsabi nito, tumigil man sa pagtibok ang pusong pinanggalingan nito, mananatili pa ring buhay ang panalangin sa harap ng Dios. Lumipas man ang ilang buhay, henerasyon o ang mundo, nananatili pa rin ang panalangin.”

Naitanong mo…

Ang Saya!

Matagal niyang pinaghandaan ang kompetisyon na ito pero ayaw na niyang tumuloy dahil natatakot siyang baka hindi niya magawa nang tama. Gayunpaman, pinili niya pa ring simulan ang pakikipagkarera hanggang sa paisa-isa nang nakakaabot sa finish line ang mga kasama niya maliban sa kanya. Inaasahan na ng kanyang ina na sasalubungin niya ang kanyang anak na malungkot. Pero sa halip, nang…

Buong Pagmamahal

May madalas sabihin ang aking tatlong taong gulang na pamangkin na si Jena na nakakapagpalambot sa puso ko. Kapag may gustong gusto siya kahit mga simpleng bagay lang, sasabihin niya, “Minamahal ko ito ng buong-buo!”

Minsan napapaisip din ako kung kailan ba ako huling nag-mahal nang buong-buo, ‘yong walang itinatago at kinatatakutan.

Sinasabi naman sa sulat ni Apostol Juan, “Ang Dios…

Huwag Susuko

Umiiyak na tumawag sa akin ang kaibigan ko nang malaman niya na mayroon siyang sakit na kanser. Lubos siyang nag-alala kung ano na ang mangyayari sa kanyang asawa at maliliit pang mga anak. Idinalangin namin siya ng iba pa naming mga kaibigan. Natuwa kami nang palakasin ng doktor ang kanyang loob. Sinabi nito sa kanya na huwag siyang mawalan ng pag-asa…

Gawin mo Agad

Kailan mo huling naramdaman na may nag-uudyok sa iyo na tulungan ang isang tao pero hindi mo naman ginawa? Sa librong The 10-Second Rule, sinabi ni Claire de Graaf na ginagamit ng Dios ang mga pagkakataon kung saan nag-uudyok Siya na gawin natin ang isang bagay. Sa pamamagitan nito, tinuturuan Niya tayo na sumunod sa Kanya bilang pagpapakita ng ating pagmamahal…

Pagharap sa Takot

Sa bansang Etiopia, isang labindalawang taong gulang na bata ang dinukot ng pitong di-kilalang kalalakihan. Isang linggo ang lumipas bago siya matagpuan ng mga pulis sa isang kagubatan. Nakita nila ang bata na napapalibutan ng tatlong leon. Ayon kay Sarhento Wondimu, maaaring nang marinig ng mga leon ang iyak ng bata habang siya’y sinasaktan, tumakbo ang mga ito papunta sa kinaroroonan…

Bagong Sangkatauhan

Minsan, bumisita ako sa London Tate Modern Gallery. Habang nagmamasid, naagaw ang atensyon ko ng isang obrang nilikha ni Cildo Meireles na taga-Brazil. Isa itong tore nang pinagpatong patong na mga radyo. Nakabukas ang lahat ng radyo pero nakatutok sa iba’t ibang istasyon. Kaya naman, magulong tunog ang iyong maririnig doon. Pinangalanan ni Cildo ang kanyang obra na Babel.

Sakto ang…