Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Magtiwala Sa Sandata

Bilang isang baguhang manunulat, madalas na nagdududa ako sa aking kakayanan kapag dumadalo ako ng mga workshop tungkol sa pagsusulat. Hindi ako tulad ng mga nakakasama ko roon na mga mahuhusay nang manunulat na dumaan na sa matitinding pagsasanay at marami nang naging karanasan. Ang tanging mayroon ako ay ang natutunan kong istilo ng pagsusulat mula sa isang bersyon ng…

Pinakakalma Niya Ang Bagyo

Minsan, nagkuwento si Jim tungkol sa mga problemang nararanasan niya sa kanyang mga katrabaho. Mapanghusga raw sila at madalas silang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Pinakinggan ko siyang mabuti at pagkatapos nito, iminungkahi ko sa kanya na tanungin namin si Jesus kung ano kaya ang gagawin Niya sa ganoong sitwasyon. Sa loob ng limang minuto ng aming pagtahimik ay nadama namin ang…

Pagsubaybay ng Dios

Ang pating na si Mary Lee na nasa east coast ng America ay may sukat na labing-anim na talampakan at may bigat na 3,500 pounds. Noong 2012, kinabitan si Mary Lee ng transmitter sa may palikpik. Sa pamamagitan nito, naobserbahan ng mga mananaliksik at mga surfer ang kanyang paglangoy. Patuloy nilang nasubaybayan si Mary Lee sa loob ng limang taon gaano…

Hulihin ang Asong-Gubat

Noong unang pinasok kami ng paniki sa aming bahay, tinaboy namin ito. Pero dahil may nakapasok na namang paniki sa pangalawang pagkakataon, nagbasa-basa ako tungkol sa mga ito. Natuklasan ko na kahit pala sa pinakamaliit na butas ay maaari silang lumusot at makapasok. Simula noon, palagi na akong nagmamasid at nag-iikot sa aming bahay upang tapalan kahit ang mga maliliit na…

Nakakasawa

Nang magpakasal sina Kerry at Paul, pareho silang hindi marunong magluto. Isang gabi, sinubukan ni Kerry na magluto ng spaghetti. Naparami ang naluto niya kaya umabot pa ito hanggang sa kanilang hapunan kinabukasan. Nang sumunod na araw, si Paul naman ang sumubok magluto ng spaghetti at dinamihan niya pa ito para umabot hanggang sa katapusan ng linggong iyon. Noong kakain na…

Handang Panlunas

Isinulat ko sa aking notebook ang mga sinabi ng aming park guide tungkol sa mga halaman sa kagubatan ng Bahamas nang minsang magpunta kami sa isang parke. Itinuro niya rin sa amin kung ano ang halamang nakakalason. Sinabi naman niya na ang gamot sa lason ay ang sanga ng katabi lamang din ng halaman.

Namangha ako sa kung papaanong naisasalarawan ng…

Sino Ako?

Ngayong matutupad na ni Dave ang kanyang pangarap na magsimula nang magmisyon, saka naman siya nagkaroon ng mga pagdududa. Sinabi niya sa kanyang kaibigan, “Hindi ako karapat-dapat para dito. Hindi nila kilala ang totoong ako.”

Gaya ni Dave, marami ring naging pagdududa si Moises sa kanyang sarili. Bagamat kilala siya bilang isang mahusay na pinuno, nakakalimutan natin ang pagtira niya noon…

Ordinaryo Lamang

Habang ako ay nasa isang retreat center sa Lancashire, North West England, namangha ako sa magandang tanawin kung saan kulay berde ang mga burol at may mga tupa na nasa loob ng isang bakod. Nang sinabi ko sa isang babaeng nagtatrabaho roon kung gaano kaganda ang paligid, sinabi niya ang ganito, “Alam mo, kahit matagal na kami dito, hindi namin napapansin…

Pagbalik ni Hesus

Nagbibigay ng inspirasyon sa akin ang kanta ni Tim McGraw na Live Like You Were Dying. Ikinuwento niya sa kanta kung ano ang ginawa ng isang lalaki matapos makatanggap ng masamang balita tungkol sa kanyang kalusugan. Mas naging mapagmahal at mapagpatawad ang lalaki ayon sa kanta. Iminungkahi rin sa awit na kailangang mamuhay tayo na para bang malapit na ang katapusan…

Sandigan ng Pananampalataya

Naging bahagi ng World War II si Desmond Doss. Hindi man siya maaaring gumamit ng baril dahil sa kanyang relihiyon, naglingkod siya bilang isang medic officer. Sa isang labanan, kahit pa nga mapanganib, nagawa niyang tulungan ang 75 sundalo matapos silang masugatan. Ang kanyang kabayanihan ay inilathala sa dokyumentaryo na pinamagatang, The Conscientious Objector at isinapelikula rin na may pamagat naman…