Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Ligtas na Lugar

Noong ang aming asong si Rupert ay tuta pa lamang, takot siyang pumunta sa parke. Nang minsang dinala ko siya roon, pinakawalan ko siya para mas malaya siyang makapaglibot pero dali-dali lamang itong tumakbo pabalik sa aming bahay. Doon niya kasi nararamdaman na ligtas siya.

Ipinaalala naman sa akin ng pangyayaring iyon ang isang lalaki na nakasabay ko sa eroplano. Nagpakalasing…

Ang Panuntunan ng Dios

Isang kumpanya ang nagbigay sa akin ng opurtunidad na makapagtrabaho kahit wala pa akong masyadong alam. Mas pinahahalagahan daw ng kumpanyang iyon ang karakter ng mga aplikante kaysa sa kahusayan o karanasan nito sa trabaho. Ipinapalagay nila na madali namang maituro sa mga bagong empleyado ang mga teknikal na aspeto ng trabaho basta sila ang uri ng taong hinahanap nila.

Maging…

Aking Kalasag

Nang mamatay sa isang aksidente si Paul na tagapanguna sa aming gawain sa simbahan, labis kaming nalungkot. Hindi na bago sa pamilya ni Paul ang makaranas ng sakit at kalungkutan. Ilang ulit silang namatayan ng anak dahil laging nakukunan ang kanyang asawang si DuRhonda. At sinundan pa nga nito ng pagkawala ni Paul. Naging napakalaking dagok para sa mga nagmamahal sa…

Makakaya Natin

Natuwa ako nang malaman kong nabigyan ako ng pagkakataong mag-aral sa Germany. Nakaramdam naman ako ng pagkabahala dahil hindi pa ako marunong magsalita ng kanilang wika. Kaya ang mga sumunod na araw ay inilaan ko sa mahabang oras sa pag-aaral nito.

Noong nasa Germany na ako, nahirapan nga ako sa aming klase. Pero nagbigay ng lakas ng loob sa akin ang…

Higit sa Lahat ng Pangalan

Sikat sa larangan ng musika si Antonio Stradivari (1644- 1737). Hinahangaan ang kanyang mga biyolin, cello at viola dahil sa kalidad ng pagkakagawa at tunog ng mga ito. Sa katunayan, isang biyolin niya ang pinangalanang Messiah-Salabue Stradivarius. Pagkatapos gamitin ng biyolinistang si Joseph Joachim (1831- 1907) ang Stradivarius, sinabi niya na hindi mawala sa isip niya ang kakaiba at kahanga-hangang tunog…

Sa ubasan

Sa tuwing naglalakad si Emma pauwi pagkatapos niyang dalawin ang kamag-anak na may matagal ng sakit, madalas napupukaw ang atensyon niya ng isang puno na may mga bulaklak na kulay rosas at puti. Ang magagandang mga bulaklak ay nagbibigay sa kanya ng saya at pag-asa. Nang minsang mapadaan siyang muli roon, naalala niya ang mga talata sa Biblia na nagsasabing si…

Nanliliit

Kinikilala ang Lawrence of Arabia bilang isa sa pinakamagandang pelikula. Ipinasilip nito sa mga manonood ang magagandang disyerto sa bansang Arabya. Nagbigay din ito inspirasyon sa ibang gumagawa ng pelikula gaya ni Steven Spielberg. Sabi niya, “Naging inspirado ako nang una kong mapanood ang Lawrence. Nakaramdam ako ng panliliit, kahit hanggang sa ngayon. At iyon ang dahilan kung bakit napakaganda ng…

Tumakbo Palayo

Maganda, matalino at maraming talento si Ali. Pero nang makatapos siya ng high school, may nagtulak sa kanya na subukan ang bawal na gamot. Napansin ng mga magulang niya ang kanyang pagbabago at ipinasok siya sa isang rehabilitation facility. Pagkatapos siyang magamot, tinanong siya kung ano ang maiipayo niya sa kanyang mga kaibigan. Sinabi ni Ali na hindi sapat na tumanggi…

Higit pa sa tubig

Isa sa hindi ko malilimutang alaala ng aking kabataan ay ang sinasabi noon ng aming pastor na alalahanin namin ang pagbabautismo sa amin sa tubig. Pagkatapos noon ay winiwisikan niya kami ng tubig. Bilang bata, naaaliw ako at nagtataka rin sa ginagawa niyang iyon.

Bakit nga ba kailangan nating alalahanin ang tungkol sa bautismo? Higit pa sa tubig kung saan tayo…

Ang mga Trolls

Narinig na ba ninyo ang tungkol sa mga ‘trolls’ sa social media? Sila ay ang mga laging nagpapakalat ng mga masasakit o mapanirang komento laban sa ibang tao. Para tumigil sila sa masamang gawaing ito, hindi na lang dapat bigyan ng pansin ang mga masasakit na sinasabi nila.

Hindi na naman bago sa atin ang makasalamuha ng mga taong walang masabing…