Malungkot na Kuwento
Nalungkot ako nang mabalitaan ko na nakagawa ng isang krimen na pang-aabuso sa mga babae ang dalawang lalaking hinahangaan ko. Kahit ang mga sumasampalataya kay Jesus ay nakakagawa rin ng ganitong kasamaan.
Nakagawa rin ng malaking kasalanan si Haring David. Mababasa natin sa aklat ng Samuel na isang hapon ay may nakita si David na isang babaeng naliligo (2 SAMUEL 11:2).…
Nasa Bulsa ni Lincoln
Noong 1865, binaril sa Ford’s Theater ang dating presidente ng Amerika na si Abraham Lincoln. Sinuri ang kanyang katawan at kasuotan pagkatapos siyang barilin. Tiningnan din ang laman ng kanyang mga bulsa. Natagpuan sa kanyang mga bulsa ang ilang mga bagay. Kabilang na rito ang salamin sa mata, panyo, relo at pitaka. Nasa loob naman ng kanyang pitaka ang isang salaping…
Kontrolado ng Dios
May pag-aaral na ginawa ang mananaliksik na si Ellen Langer noong 1975 na may pamagat na The Illusion of Control. Pinag-aralan niya kung paano tayo gumagawa ng paraan para mabago ang mga nangyayari sa ating buhay. Nalaman niya na ang mga tao ay naniniwala na kontrolado nila ang ilang sitwasyong nangyayari sa kanilang buhay. Lumabas din sa pag-aaral na madalas na…
Kabutihang-Loob
Minsan, nagpanggap ang anak kong si Geoff na isang mahirap at walang tirahan. Tatlong araw at dalawang gabi siyang tumira sa kalsada na parang palaboy, natulog sa kalye at namalimos. Wala siyang pera, pagkain at tirahan at umasa lang siya sa ibang tao upang tulungan siya. May araw na tinapay lamang ang pagkain niya sa buong maghapon na ibinigay ng isang…
Natatanging Kakayahan
Isang mahusay na pintor si Lance Brown. Minsan, inaanyayahan siyang magpinta sa harap ng isang pagtitipon ng mga sumasampalataya kay Jesus. Una niyang ipininta ang larawan ng pagkapako at muling pagkabuhay ni Jesus. Maya-maya ay tinakpan niya ng itim na pintura ang unang larawang kanyang ipininta. Nilagyan naman niya ng asul at puting pintura ang bagong larawan. Makalipas ang anim na…
Kahit Na
Noong 2017, nagkaroon kami ng pagkakataon na bumisita sa mga nasalanta ng bagyong Harvey. Layunin namin na tulungan sila at palakasin ang kanilang loob. Maging ang aming pananampalataya sa Dios ay mas tumibay habang dinadamayan at tinutulungan namin sila sa kanilang muling pagbangon.
Nagpakita ng malalim na pananampalataya sa Dios ang mga nasalanta ng bagyo. Makikita rin natin ang matibay na…
Palakasin ang Loob
Noong bata pa ang pintor na si Benjamin West, sinubukan niyang iguhit ang larawan ng kanyang kapatid. Pero hindi maganda ang pagkaguhit niya. Nakita ng kanyang Nanay ang kanyang iginuhit at hinalikan siya nito. Pinuri ng Nanay ni Benjamin ang kanyang ginawa. Hindi nakalimutan ni Benjamin ang papuri at halik na iyon ng kanyang nanay. Napakalaking bagay ang pagpapalakas ng loob…
Hindi Masukat na Pag-ibig
Noong una ay maliit na sapa lamang ang nasa likod ng aming bahay. May tulay dito na gawa sa kahoy upang makatawid kami. Pagkalipas ng ilang buwan, naging malawak na ilog na ito dahil sa walang tigil na pagulan. Lumawak ito dahil sa rumaragasang tubig na dumaloy dito. Nasira at inanod din ng tubig ang tulay na aming tinatawiran.
Maaaring makasira…
Pamana na Pananampalataya
Isang sikat na tagapagturo ng Biblia si Billy Graham. Ang kanyang mga magulang ay mga tapat na nagtitiwala kay Jesus. Tinuruan nila ang kanilang mga anak na manalangin, magbasa ng Biblia at magsimba palagi. Ang mga itinuro ng mga magulang ni Billy Graham ay naging magandang pundasyon upang magtiwala rin siya sa Dios at maging isang mahusay na tagapagturo ng Biblia.…
Pagpapatawad ng Dios
Masasakit na salita ang laging sinasabi ng isang babae sa kanyang mga magulang noong bata pa siya. Hindi niya inakala na iyon na pala ang huling pagkakataon na makakausap niya sila. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad ang kanyang sarili. Nagsisisi pa rin siya sa pagkakamaling iyon.
Lahat tayo ay may mga pagkakamaling pinagsisisihan. Pero sinasabi sa Biblia kung paano…