Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Huwag Palampasin

Minsan, bago kami magsimula sa aming sama-samang pananalangin bilang mga nagtitiwala kay Jesus, napag-usapan namin ang napakagandang bilog na buwan noong nakaraang gabi. Kasama namin ang isang matandang babae na lubos ang pagpapahalaga sa magagandang nilikha ng Dios. Kaya naman, sinabi niya sa amin na huwag naming palampasin ang pagkakataon na ipakita sa aming mga anak ang magandang bilog na buwan.…

Namumulaklak sa Disyerto

May napansin ang dalubhasang si Edmund Jaeger sa disyerto ng Mojave na matatagpuan sa Amerika. Minsan lamang sa loob ng ilang taon umuulan sa disyertong ito. Matapos ang mga pag-ulan, namumukadkad ang mga halaman at nababalutan ang disyerto ng magagandang bulaklak. Pinatunayan ng mga siyentipiko na kailangang mabasa ng ulan ang disyerto paminsan-minsan at mainitan ng araw bago lumabas ang namumukadkad…

Kayamanan

Naglalakad ang mag-asawang sina Juan at Maria sa kanilang lupain nang may mapansin silang isang kinakalawang na lata na nakabaon sa lupa. Kinuha nila ang lata at binuksan sa kanilang bahay. Nadiskubre nila na naglalaman ito ng mga gintong barya na halos isang daang taon na. Bumalik sila sa lugar kung saan nila ito nakita at nakahukay pa sila ng maraming…

Magpahinga

Napilay ang braso ni Darnell kaya naman kailangan niya itong ipagamot sa isang lugar na nagbibigay ng lunas sa ganitong karamdaman. Nakakaramdam siya ng matinding sakit tuwing inuunat ng manggagamot ang kanyang braso. Ilang beses ding sinasabi ng manggagamot sa kanya na, “Puwede na po kayong magrelaks.” Matapos ang ehersisyo na ginawa sa kanyang braso, sinabi ni Darnell na parang 50…

Bantay sa Gabi

Noong nasa kolehiyo pa ako, nagtatrabaho ako tuwing bakasyon. Nagtatrabaho ako sa isang malawak na rantso na pinupuntahan din ng ibang mga tao para magbakasyon. Tuwing gabi, nagbabantay kami para protektahan ang mga panauhin sa rantso sa maaaring mangyaring sunog na magmumula sa kagubatan.

Isang naging magandang pagkakataon ang trabaho kong iyon para pagbulayan, maranasan ang kapayapaan at ang pagkilos ng…

Larawan ng Dios

Isang dalaga ang natatakot dahil may sakit siyang vitiligo. Isa itong uri ng sakit sa balat na nagdudulot ng pamumuti sa ilang bahagi ng katawan. Itinatago niya ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng make-up. Dahil untiunting nawawala ang natural na kulay ng kanyang balat, pakiramdam niya ay nawawala na rin ang kanyang pagkatao.

Minsan, naisip ng dalaga na hindi…

Mga Bagay na Lumipas

Sikat na pelikula noong 1993 ang Jurassic Park. Mapapanood dito ang eksena kung saan mabilis na pinapatakbo ng bida ang kanyang sasakyan dahil hinahabol sila ng dinosaur. Kitang-kita mula sa salamin ng kanilang sasakyan ang nakakatakot na hitsura ng dinosaur at ang mabilis nitong paghabol sa kanila.

Nakakatakot at nakakakaba ang eksenang ito sa pelikula. Maaaring katulad ito ng ating nararamdaman…

Tumulong sa Kapwa

Sa may labas ng lungsod ng Paris, may mga taong handang tumulong sa mga kasama nila sa komunidad na walang tirahan. Nagsasabit sila ng mga waterproof bag sa kalye na may lamang damit. Nakasulat sa bag na para ito sa sinuman na giniginaw. Hindi lang ang mga walang tirahan ang nakikinabang sa ginagawa nilang ito. Natututo rin ang iba na…

Pag-ibig na Walang Takot

Ilan taon akong nagkukubli sa takot. Ito ang naging hadlang para masubukan ko ang mga hindi ko pa nagagawa at ang pumigil para matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay. Nakaapekto rin sa aking relasyon sa Dios at sa ibang tao ang takot kong mawalan at masaktan. Naging balisa ako at bumaba ang tingin sa aking sarili. Naging selosa…

Wala na sa Higaan

Sabik akong bumalik sa Montego Bay para bisitahin si Rendell na nasa isang pasilidad na nangangalaga sa mga may sakit. Dalawang taon na ang nakakalipas nang sumampalataya si Rendell kay Jesus. Si Evie na isang kabataang mang-aawit ang nagpahayag ng Magandang Balita sa kanya.

Pagpasok ko sa kuwarto ng mga kalalakihan, wala nang nakahiga sa higaan ni Rendell. Nalaman ko na…