Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Plano ng Dios

Naghahanda na si Dr. Warwick Rodwell sa pagreretiro bilang arkeologo nang matuklasan niya ang isang iskultura ng anghel na si Gabriel sa Lichfield Cathedral sa England. Maaaring nasa 1,200 taon na ang iskulturang iyon. Hindi natuloy ang pagreretiro ni Dr. Rodwell dahil sa natuklasan niyang ito na naging daan para sa mga panibagong kapana-panabik na gagawin niya.

Si Moises naman ay…

Magandang Likha

Minsan, napansin ko ang isang napakagandang larawan na nakasabit sa pasilyo ng ospital. Lubos akong namangha sa mga kulay na ginamit sa pagpinta ng larawang iyon. Itinuro ko sa aking asawa ang larawan at ibinulong sa kanya, “Ang ganda!”

Maraming bagay ang maituturing na maganda tulad ng mga ipinintang larawan, mga tanawin, at mga likhang sining. Maganda rin ang ngiti ng…

Nakatingin ang Dios

Isang umaga, habang pinagmamasdan ko ang labas ng aming bahay mula sa aming bintana, napansin ko ang isang agila. Nakadapo ito sa mataas na sanga ng puno at sinisiyasat ang buong lugar na para bang pag-aari niya ito. Mukhang nagbabantay ito ng kanyang kakainin.

Sa 2 Cronica 16, ipinaalam ng propetang si Hanani kay Haring Asa na may nagbabantay sa kanyang…

Hindi Sapat

Noong bata pa ang apo kong si Jay, niregaluhan siya ng kanyang mga magulang ng isang T-shirt. Isinuot niya iyon agad at tuwang-tuwa siya habang suot iyon. Kinabukasan, tinanong si Jay ng kanyang tatay habang suot-suot pa rin ang T-shirt, “Napapasaya ka ba ng T-shirt na ‘yan?” Sagot naman ni Jay, “Hindi na po masyado hindi po tulad kahapon.”

Ganoon…

Paglingkuran ang Mahina

Mapapanood sa isang video ang isang lalaki na nakaluhod sa tabi ng daan kung saan may nasusunog na mga halaman. Sumesenyas ang lalaki para lumabas ang isang uri ng hayop mula sa nasusunog na halaman. Ano kaya ang naroon? Aso kaya ito? Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas ang isang kuneho. Kinuha ng lalaki ang kuneho at saka dinala palayo sa sunog.…

Makita ang Liwanag

Si Brian ay isang palaboy at lulong sa bisyo. Minsan, pumunta siya sa lugar na tinatawag na The Midnight Mission para humingi ng tulong. Iyon ang simula ng paggaling ni Brian.

Habang nagpapagaling, muling nanumbalik ang pagkahilig ni Brian sa musika. Sumali siya sa Street Symphony na isang grupo ng mga musikero na may malasakit para sa mga walang mga tirahan.…

Panumbalikin ang Lakas

Sa edad na 54, sumali ako sa isang paligsahan sa pagtakbo. Dalawa ang hinangad kong mangyari sa paligsahang iyon, ang matapos ang karera at gawin ito nang hindi hihigit sa 5 oras. Maganda sana ang magiging oras ko pero naka-kapagod ang karera at ang inaasahan kong panunumbalik ng aking lakas ay hindi nangyari.

Hindi lamang tayo nangangailangan ng panunumbalik ng lakas…

Maging Alerto

Lumaki ako sa mga lugar kung saan mainit ang klima. Kaya noong lumipat ako sa malamig na lugar, matagal bago ko matutunan kung paano magmaneho sa daan na may snow. May pagkakataon na kinailangan kong huminto sa pagmamaneho dahil sa kapal ng yelo. Pero makaraan ng maraming taong pagsasanay, naging kampante na ako at hindi na naging maingat. Iyon ang dahilan…

Handa sa Bawat Sitwasyon

Namasyal kami ng aking pamilya sa bansang Roma para doon ipagdiwang ang kapaskuhan. Napakaraming tao sa lugar kung saan kami naroon. Habang sinusubukan naming makalabas mula sa kumpol-kumpol na mga tao upang magpunta sa iba pang mga pasyalan, paulit-ulit kong sinabi sa mga anak ko na maging handa o alerto. Dapat maging alerto sila kung nasaan sila, kung sino ang nasa…

Hindi Maipaliwanag

Naghanda ng isang sorpresa para sa kaarawan ng aking anak ang aming mga kapwa sumasampalataya kay Jesus. Naglagay sila ng maraming lobo sa kanyang Sunday School room at inilagay ang cake sa isang maliit na mesa. Nang buksan ng anak ko ang pinto, sabay-sabay na sumigaw ang lahat, “Maligayang Kaarawan!”

Habang hinahati ko ang cake, lumapit sa akin ang anak ko…